Chapter 65

444 25 1
                                    


°°°°Chapter 65°°°°

Nang makapasok na sila sa loob ng bahay nila Mang Peter ay nagsikuhan sina Jude at Lucas dahil sa kasabikan na makita nila si Lolo Rene nila doon

Matapos silang mayaya sa loob ay pinaupo sila sa upuang yari sa kawayan, bago sila iniwanan ng nito at nagtungo sa dalawang silid na nasa ikalawang palapag ng bahay nito

Pinagmasdan nila ang kabuuan ng nasabing bahay, matibay iyon kahit na gawa iyon sa purong tabla, yero din ang bubungan, ang sahig naman ay lupa na napakatigas na parang semento, may hagdan paakyat sa ikalawang palapag na ang sahig ay gawa din sa makapal na tabla

Ang mga bintana naman ay pa slide pa bukas pero matibay ang mga iyon at may mga pangontra na nakasabit sa bawat bintana

Malinis ang buong kabahayan at ang mga gamit ay mga antigo at napaka simple ng bahay ng mga iyon

"Mga bata, ayos lang ba sa inyo kung dalawang silid lang ang maibibigay ko sa inyo?,"tanong ni Mang Peter ng makababa ito sa ikalawang palapag ng bahay,"Iyon lang kasi ang bakante eh,"

"Naku, Tay Peter,"ani ni Lucas,"Sobra sobra na po ang naitulong ninyo,"

"Saka salamat po sa pagtitiwala sa amin kahit na po mga dayuhan kami,"ani naman ni Jude

"Ayos lang iyon mga apo,"tugon nito,"Saka dadalawa lang naman kami ng anak ko ang nakatira dito, kaya mas masaya na may makasama kami,"

"Ah, nasaan po ang anak niyo?,"tanong ni Nica

"Nasa bahay ng kababata niya, mga tatlong bahay lang mula dito, baka bukas na iyon makakauwi, kaya magsi akyat na kayo sa mga silid niyo para makapagbihis at makakain na tayo ng hapunan,"bilin nito sa kanila

"Salamat po,"ani ni Angela

"Iyong silid na kulay berde ang kurtina para sa mga lalake, tapos iyong pula naman para sa mga babae, iyong dalawang silid na pareho ang kurtina ay silid namin ng anak ko,"bilin nito sa kanila

Tumango lang sila bago umakyat sa ikalawang palapag ng nasabing, para ilagay doon ang kanilamg mga gamit na dala at para makababa na sila para makababa na at matulungan si Mang Peter para tumulong sa paghahanda ng kanilang hapunan







Ilang sandali ang Lumipas

Pinaakyat na sila ni Mang Peter ng matapos nilang makapagligpit ng kanilang mga pinagkainan

"Kahit anong madinig ninyo ay wag na wag kayong mabubukas ng bintana, wag kayong sisilip at huwag na huwag kayong lalabas ng bahay," bilin nito sa kanila bago ito tuluyang pumasok sa loob ng silid nito

"Opo,"kuro nila bago sila pumasok sa kanilamg mga silid para magpahinga

"Bakit hindi natin sila pwedeng kasama dito?,"tanong ni Joorie sa kanyang mga kasama

"Nasa panahon po tayo ng mga lolo natin,"ani naman ni Angela na inaayos na ang hihigaan nila

"Baka atakihin tayo ng mga aswang eh,"ani pa nito

Napapailing nalang si Angela sa inaasal nito, kahit na kaibigan na nila ito ay gustong gusto na niya minsan sapakin dahil sa umiiral nitong kaartihan at katarayan lalo na pagdating kay Lucas

"Matulog na tayo,"yaya niya na napapairap nalang,"Hahanapin pa natin si Vleane bukas,"

"Sa simbahan po natin siya mahahanap,"ani ni Nica,"Kaya sa linggo po magsimba tayo, bukas magpahinga nalang po muna tayo at harapin sina Lolo Rene at Lolo Ernie,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon