Chapter 30

484 30 1
                                    


°°°°Chapter 30°°°°

•••Third Person's POV•••

Alas Kwatro ng Hapon

Madilim ang loob ng kweba ng magkamalay si Vleane mula sa mahimbing na pagkakatulog

Napabalikwas siya ng bangon ng makitang nakahiga siya sa katawan ng gintong ahas na ngayon ay pinagmamasdan siya habang naglalabas masok ang dila nitong may hati sa gitna at nag aapoy

"Binabati kita, Babaylan,"kausap nito sa kanyang isipan,"Ikaw ang nakatakda at napili ng mga mutyang iyan, ikaw ang bagong tagapangalaga na itinakda ng panahong ito, ingatan mo sana iyan at gamitin sa kabutihan,"

"Maraming Salamat sayo, Krish,"ani niya sa ahas na nagpakilalang si Krish ang Hari ng mga gintong ahas,"Pangako at pangangalagaan ko ito at gagamitin sa kabutihan,"

"Inaasahan na namin iyan,"ani nito,"Magagamit mo iyan para tulungan ang mga masusugatan sa labanang, kailangan mo din mahabap ang ginintuang Krus o ang mutya ng Santo Kristo sa panahon ng iyong Lolo Ernie,"

"Po?,"takang tanong niya

"Saka muna malalaman iyon sa oras makaharap muna si Emir,"ani nito,"Itanong mo sa iyong gabay, siya ang magbubukas ng portal patungo sa nakaraan, binabati kita, Babaylan,"

"Salamat,"ani niya

Ilang sandali pa ay bumalik na sa pagiginh batong ginto ang malaking ahas, kaagad siyang bumangon at inayos ang kanyang sarili, pakiramdam niya ay pagod na pagod at hapong hapo siya ng mga sandaling iyon

Pero kailangan niyang makalabas ng kweba bago pa sila abutan ng gabi sa daanan, kailangan nila makabalik sa San Gabriel bukas ng maaga

Tutulong pa sila para mailikas ang mga taga Baryo mula sa pagkusob ng mga aswang, kaya paika ika siyang naglakad papalabas ng kweba habang nakangiti,

Nasa bulsa na niha ang dalawang bato na kailangan niya para makontrol ang boltahe ng kuryente at magpagalinh s aanumang uri ng karamdaman at sakit, maging sa mga sugat na likha ng mga aswang ay kayang pagalingin ng batong kyanite







Sa labas ng kweba

"Pasado alas kwatro na ng hapon,"ani ni Pinunong Aslan,"Kailangan na nating makabalik sa aming Baryo,"malungkot na saad nito sa kanila

"Hindi siya nagtagumpay,"ani naman ni Devin,"Wala na tayong pag asa para matalo si Emir," hindi naman nakapagsalita si Angela na umiiyak na ng mga sandaling iyon

Babalik siya sa San Gabriel na mag isa at hindi kasama ang kanyang kaibigan, nakita niya na nagsipagtayuan na ang kanyang mga kasama, pero siya ay tila ayaw niyang umalis doon at nagbabakasakali na muling lilitaw si Vleane na nakangiti at tagumpay

"Tara na, Angela,"yaya naman ni Devin na tila naging maamong tupa ng mga sandaling iyon,"Wala na tayong magagawa, kung hindi siya ang nakatakda,"

"Buhay pa si Vleane,"anas ni Angela habang pinupunasan ang mga luha sa mata,"Alam ko nagtagumpay siya,"

Hindi kumibo ang mga nasa paligid niya, napapailing nalang ang Pinunong Aslan dahil sa sinabi nito

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon