°°°°Chapter 10°°°°Kinabukasan
Halos naliligo na sa kanyang pawis si Vleane pero hindi pa niya matamaan sa pisikal na labanan si Lolo Rene, na kahit na may edad na ito ay maliksinpa din itong kumilos at umiwas sa kanyang mga pag atake
Na kahit nagtataka siya kung saan nanggagaling ang lakas at liksi ng matanda, na tila walang kapaguran sa pag eensayo
Napapaisip siya at gusto na din niyang pagdudahan ang totoo nitong edad
"Ano kaya mo pa ba?,"nakakaloko nitong tanong sa kanya habang nakangiti sa kanya
"Psh,"tugon niya sabay smirk
"Hay naku,"ani nito,"Mukhang nagkamali ako sayo, ang iyong Lolo sa pagpasa ng karunungan niya at mukhang hindi ka niya sinanay ng husto,"dagdag pa nito,"Paano mo maipaghihiganti ang iyong Lolo kung ganyan ka kahina ha, Vleane? Isa ka bang Babaylan? Bakit ang lampa mo?," pang iinsulto pa nitong sabi sa kanya
Nang marinig niya ang tungkol sa pagkamatay at sa pumatay sa kanyang Lolo Ernie ay tila may alam ng apoy ang biglang sumiklab sa kanyang buong pagkatao, matalim niya iyong tinitigan, parang bula naman na nawala ang kaninang nararamdaman niyang pagod
Tila sinapian din siya ng masamang ispiritu ng madinig niyang tila nagkamali sa pagpasa ng karunungan sa kanya ang kanyang Lolo,
Tumayo siyang bigla ng tuwid habang nakakuyom ang dalawang kamay sa magkabilaang gilid, napayuko siya dahil sa galit na kanyang nararamdaman
Bigla nalang niyang sinugod ang matandanf kaharap gamit ang kanyang sariling kamao habang panay naman sa pag ilag ang matanda sa bawat bigwas niya at bigay ng mabibigat na pagsuntok at pagsipa
Bigla naman niyang ibinigay ang malakas na pagsuntok gamit ang kanyang kanang kamao kung saan buong pwersa ang kanyang ibinigay, pero nasalp lang din iyon ni Lolo Rene, ngumiso lang sa kanya ito na para bang sinasabi na kanina niya pa ginagawa iyon at wala na ba siyang maibibigay at bagong estratihiya
Ginantihan niya ng mas nakakalokong pagngisi si Lolo Rene, bigla noyamg pinakawalan ang kanang kamao na may mas malakas na pwersa tapos sabay sipa sa tiyan nito, napapailing nalang siya dahil pakiramdam niya ay sumipa siya sa isang matigas na bagay dahil iyon ang kanyang naramdaman
Bahagya namang napaatras si Lolo Rene sa kanyang pag atake at pagsipa dito
"Aba hindi na masama,"nakangisi nitong sabi sa kanya
Habang siya naman ay hinihingal lang na nakatitig sa kaharap, nag iisip kung ano pang mga pag atake ang kanyang gagawin para mapatumba ang kanyang kaharap
Halos maghapon silang nag ensayo ni Lolo Rene, hindi din niya alam kung saan nakapwesto ang kanyang mga kasama na nag eensayo kasama si Mang Lino na siyang nagturo sa mga iyon
Bumagsal nalang ang kanuang katawan sa makapal na bermuda grass habang nakapikit ang mga mata, sunod aunod ang paghinga na kanyang nararamdaman ng nga sandaling iyon
Pagod na pagod siya sa maghapong pag eensayo at paglaban kay Lolo Rene, hindi niya aakalain na ganoon pa ito kalakas dahil sabi nga nito ay mas matanda ito sa kanyang Lolo Ernie, pero napakalikso talaga nitong kumilos at umilag
Hinayaan na lamang niyang tangayin ang kanyang diwa, hanggang sa makaramdam siya ng malamig na hangin sa kanyang mukha
Kaya pagdilat niya ay nasa kanyang harapan na ang kanyang Lolo Ernie, kaya bigla siyang napabangon, hindi na niya alintana ang pananakit ng kanyang buong katawan
Nakasuot ito ng puting damit at napakamaaliwalas ng mukha nito, pinilit niyang yakapin ito pero tumagos lamang ang dalawang braso niya, para siyang yumakap sa hangin
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...