°°°°Chapter 64°°°°Sa loob ng ilang araw lang ay nalaman ni Vleane mula kina Ernie at Rene ang patungkol sa mga Busaw at Alasik na siyang mga aswang na kinatatakutan ng mga taga Baryo, dahil nakapalagayang loob na nila ito at naging kaibigan
Naging mas malapit pa siya kina Aling Weng at Mang Lito na ikinasaya naman niya ng lubos, pero iba sa bunsong kapatid ng kanyang Lolo Ernie na may pagkasuplada at hindi pala kibo at palangiti sa kanila
Sa pagkakaalala niya ay hindi na niya nakagisnan ang kanilang Tiya Elinea dahil ayon sa kwento ng kanyang Lolo Ernie ay namatay ito noong bata pa ito, pero hindi sinabi kung ano ang dahilan
Pero hindi niya alam na sa kanyang pagbalik sa nakaraan ay siya mismo ang makakasaksi sa naging kamatayan ng kanyang Tiya Elinea,
"Paano po makikilala ang mga Alasik at Busaw, Tay Lito?,"tanong niya ng hapong dumalaw sila sa mga iyon kasama si Juliene na laging tumutulong kina Aling Weng sa panggagamot sa mga kakabaryo nila na may sakit at pinahihirapan ng mga aswang at elemento
"Hindi basta basta makikilala ang mga iyon ng normal na mata lamang,"tugon ni Tay Lito,"Tanging may mga mataas na kakayahan ang makakakilala sa kanila, kagaya ng mga Baylana, mga antingero, albularyo at kagaya naming manggagamot, pero minsan lalo na kungababang antas lang ang iyong kakayahan kagaya namin ay hindi din namin sila makikilala kaagad dahil nakikisalamuha na sila sa mga normal na tayo,"
"Mapanganib po ba sila?,"tanong naman ni Juliene sa kanila
"Opo,"tugon ni Ernie,"Kaya nilang makapbiktima kahit sa katirikan ng araw na kagaya din ng mga Gabunan, pero mas mabangis po ang mga Alasik at Busaw, dahil nakikipagpatayan po sila sa kung sinuman ang hahadlang sa kanilang mga balak at ubusan po ng lahi ang kanilang pakikidigma,"
"Paano po natin sila matatalo?,"tanong niya
"Hindi pa namin alam, anak,"tugon ni Aling Weng,"Tanging mga Baylana lamang ang nakakaalam, pero ni isang Baylana sa Baryo ay wala ng natira, tanging mga antingero, albularyo at kaming mga manggagamot na lamang ang natitira,"
"Wala din kakayahan ang mga antingero na labanan sila kung walang basbas ng mga Baylana,"napapailing na saad ni Tay Lito,"Tanging mga Gabunan, Elemento at mga aswang lamang ang kaya nilang paslangin,"
"Higit sa lahat po ay ipinagbabawal po iyon ng Simbahan,"mahinang sabi naman ni Rene
"Ha? Bakit?,"takang tanong niya sa mga iyon
"Dahil kina Mother Divine at sa matandang Madre na si Mother Ofelia,"bulong ni Juliene,"Hindi sila naniniwala sa mga aswang, ang sinumang antingero na makapatau ng aswang ay pinaparusahan nila at hindi na matatagpuan, para bang nawala na lang na parang bula,"
"Baka may tinatago sila?,"sambit niya
"Siguro nga,"tugon ni Juliene, hindi na siya kumibo, napaisip siya sa mga sinabi ng dalaga sa kanya tungkol sa dalawang Madre na nangangasiwa sa kombento, alam niya na may lihim na itinatago ang mga iyon kaya pinapatay nila ang mga antingero sa nasabing Baryo
"Tay, Nay,"ani ni Elinea na kadarating lang mula sa Bayan,"May sulat po galing kina Tiya Jacinta,"sabay abot ng isang sobre
"Basahin muna, Lito,"ani ni Aling Weng,"Baka mahalaga ang nilalaman ng liham ng kapatid ko,"
"Sige,"pag sang ayon naman ni Tay Lito bago sinimulang basahin ang nilalaman ng liham ni Jacinya para sa nakatatandang kapatid na si Aling Weng,"Anong plano natin?,"tanong nito sa asawa matapos mabasa ang sulat, tahimik naman si Nanay Weng maging sila din ay tahimik
"Nay, kailangan nila ng tulong,"ani ni Elinea,"Nasa panganib po sina Tiya at ang mga pinsan namin,"
Nagkatinginan ang mag asawa na tila ba nag uusap gamit ang kanilang mga tingin, bago natapango ng dahan dahan si Tay Lito
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...