Chapter 44

488 32 3
                                    


°°°°Chapter 44°°°°

Kinagabihan

Nakahiga sa kanyang kubo si Calvin habang nagmumuni muni, dinala siya sa isang kubo na malayo sa karamihan, wala naman sinabi sa kanya ang mga lalaking naghatid sa kanya doon

Habang nag iisa siya doon ay pinag iisipan niya ang mga susunod na hakbang, iniisip niya kung anong klaseng mga aswang ang makakaharap niya sa lugar na iyon, kung ano ang mangyayari sa kanya

Kung makakauwi pa ba siya ng ligtas at kung makikita pa ba niya ang kanyang kasintahang si Jane na iniwan niya kasama ang mga kaibigan nila sa kanilang Baryo

Pabiling biling siya sa kanyang higaan at hindi niya malaman ang gagawin at kung paano siya makakatulog ng maayos

Ilang sandali pa ay bigla siyang natigilan sa kanuang pagmumuni muni ng makadinig siya ng pagkakaingay mula sa labas ng kanyang kubo

Napabalikwas kaagad siya ng bangon at kaagad na inayos ang kanyang sarili, lumabas siya ng kanyang kubo para mausisa ang kaguluhang nangyayari

Nagulat siya ng bumungad sa kanya ang ibat ibang uri ng mga aswang na naglipana sa nasabing tribu, sa nakikita pa lang niya na mga kaanyuan nito na mas mababangis pa ang mga iyon kumpara sa mga nakaharap niya noon

Kaya nagpasya siyang bumalik sa loob ng kubo ng mabilisan, para kuhain ang dala niyang bag para kuhain ang kanyang sandata na galing pa kay Vleane at sa lolo ni Lucas, bago dali daling lumabas para harapin ang nga kalaban

Sa kanyang paglabas ay isang aswang na nasa pangkaraniwang anyo ang biglang humarang sa kanya, nakalabas ang mga malalagaring ngipin nito at tila parang gripo na walang putol ang pagtulo ng laway nito mula sa bibig at may pagkagahamang nakatitig sa kanya na para bang isa siyang masarap na putahe na nakahain sa harapan nito

Kaagad itong lumapit sa kanya at padaluhong siyang sinunggaban, umigkas naman ang kanyang isang kamay na may hawak na na buntot ng pagi, sinalubong nito ang kanyang mga paghagupit

Para itong nakuryente ng malakas na boltahe na nagpagulong gulong at nagkikisay sa lupa ng lumapat ang buntot pagi sa katawan nito, kaya naman sunod sunod niya iyong hinampas ng buntot ng pagi, hindi niya tinigipan iyon habang humihinga pa ito at umaangil

Nang masigurado niyang patay na ito ay saka niya hinarap ang isa pang aswang na nasa anyong malaking asong itim, kagaya ng naunang aswang, walang tigil din ang pagtulo ng malapot nitong laway at nanlilisik ang mapupula nitong mga mata na nakatitig sa kanya

Maliksi iyong lumapit sa kanya at saka siya dinambahan, dahil sa bigla iyong tumalon sa kanya ay nawalan siya ng balanse kaya natumba siya sa lupa bago ito pumaibabaw sa kanya

Isang kalmot ang ginawa nito sa kanyang dibdib, kaya napaigik nalang siya sa sakit at hapdi na nararamdaman, dumaloy sa kanyang kanang dibsib ang masagang dugo sanhi ng pagkaka kalmot nito

Akma na niya iyong hahagupitn ng hawak na buntot ng pagi ng tumalon ito papalayo sa kanya, kaagad siyang tumayo at hinarap ang aswang na umaangil sa kanya

Kahit na nanghihina si Calvin at nakakaramdam ng pagkirot ay matapang pa din niyang hinarap ang aswang, iniumang niya dito ang hawak na sandata

Nang makitang lalabanan niya ito ay muli iyong sumugod sa kanya, tinalunan siya nito sa parteng ulunan, bago bumagsak sa lupa ang mga paa nito ay kinalmot pa siya nito sa likuran kaya napaigtad at napaigik siya

"Aaahhhhh!,"hiyaw ni Calvin ng maramdaman ang pagbaon ng mga kuko nito sa kanyang balat, kahit na namimilipit siya sa sakit ay pilit niya iyong nilabanan

Kailangan niyang patunayan sa sarili na karapat dapat siyang ipadala sa misyong iyoj at nais niya iyon matapos at makabalik ng buhay sa kanyang pamilya at sa nobyang naghihintay

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon