°°°°Chapter 68°°°°Halos dalawang araw na ang nakalipas
Simula ng ibigay sa kanya ang mutya ng uling at ng makita niya ang kanyang mga kaibigan, laking tuwa niya ng makita niya sina Lucas ng araw na iyon pero hindi siya nagpahalata para hindi mabulilyaso ang kanyang pinaplano at ang kanyang hinala sa loob ng Simbahan at sa dalawang Madre na namamahala
Nagpasya siya na pumunta ulit sa kabundukan kung saan niya nakilala ang Prinsipe ng ikapitong dimensiyoj na nagbigay sa kanya ng mutya
Kinausap siya nito sa kanyang panaginip ng nagdaang gabi at pinapupunta siya doon dahil may ibibigay ito sa kanya at may pag uusapan silang dalawa
Dasal niya na sana ay tungkol na iyon sa mutya na Kruss ng Santo Kristo para makabalik na sila sa kanilang panahon dahil may kaba na siyang nararamdaman at alam niya nasa panganib na naman ang San Gabriel
"Tungkol ba saan ito?,"tanong niya dito,"Sa krus ba ng Santo Kristo?,"
"Hindi,"tugon nito,"Saka muna iyon malalaman, sa ngayon ay may ibibigay ako sayong dagdag sandata,"
Hindi na siya nakaimik dahil pumikit na iyon ay may inusal na kung ano
Maya maya pa ay may iwinasiwas ito na isang mahaba at gawa sa kakaibang kahoy na tungkod na bigla na lamang lumitaw sa tagiliran nito, kasabay niyon ay binalot iyon ng nakakasilaw na liwanag na halos ikapikit niya ng kanyang mga mata
Ang tungkod na gawa sa kakaibang kahoy ay biglang nagbago, naging isang sundang na may matalas na talim, makintab ang talim nito at halatang napakatalas pa, kulay ginto iyon na halos kalahati ng braso ng tao ang haba niyon
"Heto ay isang sandata na makakapatay sa anumang uri ng nilalang, magagamit mo ito sa isang digmaan na magaganap sa iyong panahon laban sa sinaunang aswang na isinilang muli,"paliwanag nito,"Iyon ay si Ronelio, ingatan mo ang mutya at ang sundang, silang dalawa ang magiging kakampi mo sa panahong iyon kasama pa ng iba mo pang mga mutya,"
"Salamat,"ani niya
"Patibayin mo ang iyong pananalig sa Panginoon, palakasin mo ang liwanag kaysa sa kadiliman, huwag kang padadaig sa anumang emosyon at galit. Dasalan mo palagi ang mutya kasabay ng sundang para magbuklod silang dalawa at ang iyong kalooban,"
"Tatandaan ko po Mahal na Prinsipe,"sabay yuko niya na ikinatawa lang nito
"Hanggang sa muli, Babaylan,"paalam nito
"Sandali...,"naputol ang sasabihin niya ng mawala na ito sa kanyang harapan, napapadyak na lamang siya, hindi na naman kasi nito sinabi kung nasaan ang kanyang pakay
Napasalampak na lamang siya ng upo aa malaking ugat ng punong kahoy habang tinitignan ang hawak niyang sundang at ang mutya ng uling na nakabalot sa itim na tela
Ilang sandali pa ang kanyang pinalipas bago siya tuluyang tumayo at umalis doon sa malaking puno at bumaba na sa kabundukan para harapin ang kanyang obligasyon
Hindi pa din niya nahaharap ang kanyang mga kaibigan simula ng makita niya ang mga ito sa Simbahan, kaya napabuga nalang siya ng hangin habang pinagmasdan ang hawak niyang sundang, napatingala siya sa kalangitan bago inilagay sa likurang bahagi ng suot niyang abito bago nagpatuloy sa paglalakad pababa ng kabundukan
Kailangan niyang makausap ang kanyang mga kaibigan at kung naano nakarating ang mga iyon sa nakaraan
Nalaman din niya kay Juliene na sa kinabukasan na aalis sina Aling Weng papunta sa kaanak nito para tulungan ang mga iyon kaya kailangan niyang makasama sa mga iyon at ayaw niyang mapahamak ang mga ito sa lugar na pupuntahan ng mga iyon
•
•
•
•
•
•
•
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...