Chapter 47

467 28 1
                                    


°°°°Chapter 47°°°°

Umangil iyon ng malakas bago siya nito dinaluhong, ilang ulit siya nitong hinahablot ngunit mabilis niyang naiiwasan ang bawat pag atake nito

Naghahanap lang siya ng tyempo para atakihin iyon, ilang sandali pa ay umatake na siya dito, sunod sunod niya iyong inatake, pinaulanan ng pagtaga hanggang sa maibaon niya sa dibdib nito ang dulong talim ng kanyang gulok

Tinitiyak niyang sapol na sapol ang itim nitong puso, idiniin pa niyang lalo iyong hanggang sa tumagos iyon aa likurang katawan nito bago mabilis na tinagpas ang leeg nito, gumulong sa di kalayuan ang ulo nito, dilat ang malalaki at mapupulang mga mata hababg nakaawang ang bibig at litaw ng mga lagarwing ngipin nito

Patihiya iyong natumba sa lupa, inapakan niya ang katawan nito bago pwersahang hinugot ang kanyang gulok, bago nagmasid sa buong kapaligiran, nais niyang makasiguro na wala ng aswang sa paligid

Ilang sandali pa siyang nagmasid bago nakahinga ng maluwag ng wala na siyang maamoy na masangsang sa buong paligid

Doon naman lumabas ang mag ama at lumapit sa kanyang pwesto

"Ang galing mo, hindi ka man lang natakot sa kaanyang anyo,"sambit ni Rowell na napapasuntok pa sa hangin, tipid lang niyang nginitian ang binata

"Tara na at may pupuntahan tayo,"yaya ni Mang Bartolome sa kanilaang dalawa bago nagpatiunanga naglakad

"Tara,"yaya ni Rowell sa kanya

"Saan tayo pupunta?,"may pagtatakang tanong niya dito habang nakasunod sila sa matanda

"Sa bahay tayo ni Tiyo Selso pupunta,"tugon ni Rowell,"Nakababatang kapatid iyon ni Ama na isang mangingisda,"

Napatango na lamang siya habang patuloy sa paglalakad, pangiti ngiti na lang siya habang tila bata si Rowell na bilib na bilib sa kanya at umaaksiyon pa kung paano niya tinaga ang aswang na kalaban

Natatawa nalang siya sa inaasal nito, dahil alam niya na noon lang ito nakakita na may lumaban at pumatay sa aswang







Makalipas ang halos kalahating oras na paglalakad

Nakarating na sila aa pinaka Bayan ng Baryo kung saan sila nang galing, kagad naman silang pinatuloy ng kapatid ni Mang Bartolome ng makilala ang mag ama

"Si Brent nga pala,"pagpapakilala ni Mang Bartolome,"Siya ang kapatid kong si Mang Selso,"nakangiting pinagmasdan siya

"Tiyo, natalo niya ang isa sa mga alagad ni Raigue,"pagbibida ni Rowell sa tiyuhin, tiyahin at sa ilang pinsan na nadoon,"Ang galing galing niyang lumaban,"

"Natutuwa ako at may tao ng nagkalakas ng loob na labanan ang mga kalahi ni Raigue,"masayang saad ni Mang Selso sa kanya,"Sa wakas dumating na ang aming taga pagligtas,"

Habang siya naman ay lihim na pinag aaralan sa kanyang isipan ang sitwasyon ng mga tao sa Bayang iyon

Tingin niya liban sa nauunahan ng takot ang ilan ay wala din kaalam alam ang mga ito tungkol sa mga pangontra o panlaban sa mga aswang

"Bukas po ay tuturuan ko kayo sa mga bagay bagay tungkol sa pag gawa at paglalagay ng mga pangontra at panlaban sa mga aswang,"ani niya na labis nan ikinatuwa ng mga iyon kaya napatango na lamang siya

"Kung gayub ay magpahinga na tayo para bukas ay may lakas tayo,"ani ni Mang Selso, kaya sumama na si Brent kay Rowell sa isang silid para doon magpalipas ng gabi at magpahing







Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon