°°°°Chapter 40°°°°Naghanda na sa pakikipaglaban si Vleane, alam niyang tuso ang isang kagaya ni Emir, kaya kailangan niyang bantayan at sabayan ang mga kilos at pagsugod nito
Habang si Emir naman au unti unti ng nagbabago ng anyp sa kanyang harapan, lalong naging mabalasik ang kaanyuan nito
Humaba pang lalo ang mga kuko nito sa kamay at paa, habang tinutubuan ng makakapal na balahibo ang buo nitong katawan, habang ang bibig naman nito ay umusli na kagaya sa isang baboy, naglasaban ang tipa mga lagareng mga ngipin at naghahabaang mga pangil
Habang ang mga mata nito au lalong pumula at lumaki na tila mga bolang apoy na lumulutang sa kadiliman ng gabi, matapos na makapagbago ng anyo ay umangil ng napakalas si Emir habang nakatingala sa kalangitan
Angil na maitutulad sa isnag napakabangis na hayop, ang malakas na angil nito ay umabot hanggang sa Baryo, kaya kapwa napatigil sa labanang nagaganap sa pagitan ng mga aswang at ng mga taga Baryo
Nagkatinginan ang magkakaibigan, habang nagpalinga linga sa kapaligiran
"Magkaharap na sina Vleane at Emir,"saad ni Eugene na nakatingin sa kagubatan na nasa di kalayuan sa kanila
Napatangin naman si Calvin kay Lucas na nakakuyom ang kamao nito, alam nito na nag aalala ito sa kasintahan
"Mananalo ba tayo, Eugene?,"tanong ni Calvin sa katabi habang nasa harapan ang mga aswang
"Depende sa gagawin ni Vleane,"ani nito bago hinarap ang mga aswang na napatigil din dahil sa nadinig nipa ang nakakakilabot na angil ng kanilang Pinunong Asu-ang
"Gabayan nawa tayo ng Panginoon,"ani ni Jude sabay sign of the cross
Hindi nag imikan ang mga kasama nito, nagsipagkilos na agad sila para tapusin ang mga aswang na nasa kanilanh harapan at para mapuntahan si Vleane sa kagubatan
•
•
•
•
•
•
•
•Samantala,
Habang unaalulong si Emir ay napatitig naman si Vleane sa bibig nito na walang humpay sa pagtulo ang malapot nitong laway
Ilang beses siyang napapalunok at pilit na nilalabanan ang kabang umaahon sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon, pakiwari niya ay hindi na siya sisikatan ng araw sa kinabukasan
"Vleane, huwag kang pamahayan ng takot at pag aalinlangan, nandito ako at tutulungan kita,"ani ng kanyang gabay sa kanyang isipan
"Miskha, tao lang dij ako at nakakaramdam ng ganitong damdamin, kahit na sabihin pa natij na may kakayahan ako, hindi na mawawala sa akin ang pamahayan ng takot,"sabi niya habang hindi inaalis ang kanyang paningin kay Emir napatuloy pa din sa pag aalulong
"Alam ko, pero kapag ganyang nagdadalawang isip kana baka matalo lang niya tayo, tandaan mo marami ang umaasa sayo at kailangan mong ipaghiganti si Lolo Rene,"
"Oo na, oo na,"ani niya sabay bugtong hininga
Bigla siyang napapitlag sa kanyang kinatatayuan ng madinig ang malagom at malalim na boses nito
"NATATAKOT KANA BA?,"tanong nito sa kanya, gamit ang malalim na tinig na naging mas mabalasik pa dahil sa pagbabago nito ng kaanyuan
Hindi siya sumagot, bagkus ay inayos niya ang kanyang sarili at tinatagan ang kanyang pagkakatayo bago iniumang dito ang kanyang matalas na espasa at buntot ng pagi, habang pinanliliitan din niya ito ng mga mata
"KUNG GANOON, IHANDA MUNA ANG IYONG SARILI SA IYONG MAGIGING KATAPUSAN,"banta nito sa kanya,"MAS MATINDI PA KAY RENE ANG MAGIGING KATAPUSAN MO,"wika nito bago siya pinaulanan ng sunod sunod at mabilis na pag atake
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...