Hello
Goodmorning Pinas🫡🫡🫡
Good evening and goodnight middle east🥱🥱🥱🥱🤣🤣🤣
So heto na po, mag a update na ang tamad niyong author🤣🤣🤣
Kaya tara na po bilisan na natin magbasa🤣🤣✌✌✌
Sama sama po tayo sa pagsubaybay at samahan din po natin sila sa kanilang adventure
Tara lets na po😄😄😄
°°°°Chapter 01°°°°
•••Third Person's POV•••
Halos apat na araw na ang nakalilipas ng makarating sila sa San Gabriel
Pagpasok pa lang ng kanilang sasakyan sa kanilang Baryo ay bumungad na sa kanila ang katahimikan ng kanilang Baryo kahit na katanghaliang tapat noon
"Parang ghost town na ang buong Baryo ah,"bulalas ni Angela, binuksan nila ang salamin ng bintana ng sasakyan at inilibot ang kanilang paningin sa bawat bahay na kanilang sinasakyan
"Pati ang simbahan ay sarado,"komento naman niya,"Anong nangyari dito? Pinamumuhayan na yata ng mga aswang ang buong San Gabriel eh,"
"Tama ka, Vleane,"pagsang ayon ni Angela,"Nasaan na kaya sina Sister?,"
"Ligtas sila, huwag kang mag alala,"ani niya
Nanahimik na sila ng huminto na sa tapat ng bahay nila Lucas ang Van na kanilang sinasakyan
Pansin nila ang katahimikan ng kapaligiran, mga nagkalat na basura sa paligid, mga tuyong dahon na tila napabayaan na at hindi na nawalis at masunog
Pansin nila ng bumaba sila ng sasakyan ay may mga taong sumilip sa bintana mula sa bawat kabahayan, napakunot lang ang kanilang noo ng mapansin iyon, dahil halos kababakasan ng takot ang mga tao sa ginawa nilang pagsilip sa kanila
"Ang mabaho,"angal ni Jane,"Maalinsangan na nga ang paligid, sabayan pa ng napakabahong amoy, na tila nabubulok na laman o patay na hayop,"bigla nalang nagsuka ang dalaga
Dahil ng umihip ang malakas, maalinsangan at mainit na hangin ay lalong umamoy ang napakabahong amoy na hindi nila alam kung saan nanggagaling
Maging sina Joorie, Angela at ang tatlong binata ay napasuka nalang maliban sa kanya na nakasuot ng mask bago bumaba ng Van
"Ang daya mo,"ani ni Angela,"Bakit di mo kami binigyan ng facemask?,"
"Hayaan ang facemask sa upuan, halos tatlong box iyan bakit hindi kayo nagsuot?,"sabi niya at tinalikuran na ang mga iyon bago pumasok sa loob ng bakuran nila Lucas
"Tara na,"yaya niya sa mga kasama na sumunod naman kaagad sa kanya
"Nay! Tay! Kami po ito,"pagkatok at pagtawag ni Lucas,"Kami po ito nina Calvin at Jude!,"
"Baka walang tao?,"ani ni Jude,"Tahimik eh,"
"May tao sa loob,"ani niya,"Takot lang sila na magbukas ng pintuan. Lolo Rene, kami po ito nina Lucas! Ako po ito si Vleane!,"sigaw niya sabay katok ng malakas
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
TerrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...