Chapter 04

597 32 2
                                    


°°°°Chapter 04°°°°

Ang kamatayan ng buong Pmilya ni Emir at ang kanyang pagdurusa

Sa kalaliman ng Gabi

Habang nasa mahimbing at kasarapan sila ng tulog ay bigla nalang nagising ang magkasintahan dahil sa mga ingay na kanilang nadidinig mula sa labas ng kanilang kubo

Kaagad naman bumangon si Emir at sumilip siwang ng dingding na gawa sa sawali, ganoon na lamang ang takot na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon ng makita ang mga kalalakihang kargado ng matataas na armas ang nakapaligid sa kanilang kubo, kaagad niyang nilingon ang kanyang nobya na noon ay pupungas pungas pa

"Anong mayroon, Mahal?,"tanong nito, dahil nakita niya ang takot na nakikiya niya sa itsura ni Emir kaya nakaramdam na din ng pagkatakot ang nobya

"Nan-di-yan s-sa la-bas ang a-ama mo,"pautal utal na sabi ni Emir sa nobya,"At a-ang mga ta-tauhan nito,"

Nataranta naman si Corazon sa pagbangon at hindi malaman kung ano ang unang gagawin,

"Tara na,"yaya kaagad ni Corazon, hindi na sila nagdalawang isip pa na muling tumakas sa ama nito ng mga sandaling iyon

Kaagad na hinawakan ni Emir ang kamay ng nobya at kaagad na hinila papunta sa pintuan na nasa may kusina

Pero hindi pa sila nakakalabas ay nagulat na lamang si Emir ng may isang malakas na paghampas ang sumalubong sa kanya, kaya naman halos matumba siya sa sobrang pagkahilo

Habang si Corazon naman ay tumitili at sumisigaw habang kinakaladkad ng lalaking humampas sa kanya, sa nagdidilim na paningin ay nakita pa niya ang pagpasok ng dalawang lalake at pakaladkad siyang inilabas sa kubong na halos dalawang ding naging pugad ng kanilang pagmamahalan

Halos hindi pa siya nahihimasmasan ay kaagad na naman siyang nakatanggap ng malalakas na suntok mula sa tauhan ng ama ng nobya

Habang nasa di kalayuan naman si Corazon na hawak ng dalawang lalaki, umiiyak at nagmamakaawa sa malupit nitong ama

Dahil sa dami ng natanggap niyang pambubogbog ay kusa ng bumigay ang kanyang katawan, hindi na niya namalayan na nawalan na siya ng malay tao pero patuloy pa din sa panggugulpi ang mga tauhan ng Don sa kanya







Nagising na lamang si Emir ng maramdaman niya ang lamig ng tubig na isinaboy sa kanyang mukha at buong katawan na naging dahilan ng pagdalahit niya ng pag ubo dahil pumasok sa ilong at bibig niya ang tubig na isinaboy sa kanya

Pinilit pa niyang idinilat ang kanyang mga mata, akma na sana niyang igagalaw ang kanyang mga braso, pero nakatali pala iyon, ngayon lang niya napagtanto na nakatali siyang padipa sa isang kahoy na ginawang krus, maging ang mga binti niya ay mahigpit din ang pagkakatali

Nagpumilit siyang nagpumiglas, pero malalakas na tawa lang ang ibinigay sa kanya ng mga tauhan ng Don, kahit nahihirapan siya ay pilit niyang hinanap ang kanyang nobya sa paligid, pero hindi na niya ito matagpuan doon maging ang ama nito

Kahit na nanghihina at namamaos na kakasigaw ay nagtanong siya sa mga iyon

"Nasaan si Corazon?!,"sigaw niya, pero imbes na sagutin ay tinawanan lamang siya ng mga ito

"Huwag mo munang isipin si Senyorita Corazon,"ani ng isang lalake,"Nandiyan naman ang buo mong pamilya eh, ayon sila oh,"sabay turo sa kanang bahagi niya

Sinundan naman niya ng tingin ang tinuturo ng lalake, nakita niya ang kanyang dalawang kapatid na nakagapos maging ang kanilang mga magulang

Ang kanyang ama ay nakadapa sa lupa habang nakagapos ang dalawang kamay nito sa likod, na tila wala ng buhay

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon