Chapter 63

472 24 0
                                    


°°°°Chapter 63°°°°

Sa madilim na kagubatan

"SINO ANG PUMATAY SA ANAK KO!,"sigaw ng Amang gabunan ng ihatid sa kanyang harapan ang bangkay ng gabunan na napatay ni Vleane ng nagdaang araw

"Hindi po namin alam,"mahinang tugon ng kalahi nito na nakatuklas sa bangkay ng bunsong anak nito sa talahiban,"May isa pong bangkay doon,"

"Paano siya napatay?,"takang tanong ng asawa nito na yakap ang katawan ng anak ,"Kinatatakutan tayo ng mga tao maliban sa mga lahing Busok at Alasik?,"

"Baka po may kasama ang Madre na kanyang napatay, galing po sa kabihasnan ang naging biktima niya,"dagdag pa ng kalahi ng mga ito na nakayuko

"Aaahhhhhh!!,"sigaw na galit ng amang gabunan,"Nagdeklara sila ng giyera kaya pagbibigyan ko sila!,"

Nagkatinginan ang mga kalahi nila at ilang sandali pa ay napangisi ang lahat, dahil sa katuwaan, matagal na silang hindi nakakakain ng karne ng tao kaya ngayon ay matitikman na nipa ng dahil sa pagkakapatay ng bunsong anak ng kanilang pinuno

"Sa darating na kabilugan ng buwan!,"umpisa nito,"Bababa tayo sa Baryo at kakain tayo! Bubusugin natin ang ating sarili sa sariwang karne at dugo ng tao! Maghihiganti tayo sa kanila sa pagkakapatay nila sa aking anak!,"

Umalulong ang mga kalahi ng mga ito sa kanilang napagkasunduan, ilang sandali pa ay inilibing na nila ang napatay na anak ng kanilang Pinuno

Nagdalamhati ang pamilya ng amang gabunan dahil sa pagkamatay ng kanilang bunsong anak, hinayaan lang sila ng kanilang mga kalahi, kanya kanya na silang punta sa kanilang kubo para makapagpahinga at makapaghanda para sa darating na kabilugan ng buwan at para sa kanilang paglusob







Kabilugan ng buwan

Nang gabing iyon ay nagsimula ng maghasik ng lagim ang lahing gabunan, lahatng tao na maabutan nipa sa labas ng bahay, sa kalsada o kahit saan ay nilalantakan at pinapatay nila, wala silang pinalalampas, maging bata man iyon, buntis o matanda

Dahil sa galit na nararamdaman ng kanilang Amang Gabunan, kaya nagpakasasa sila sa laman at karne ng tao

Habang abala sa labas ang mga gabunan ay abala naman ang mga tao sa loob ng kani kanilang bahay para protektahan ang kanilang pamilya, nilalagyan nipa ng harang ang bawat bintana at pintuan para hindi sila mapasok ng mga aswang na nagkalat sa labas

Samantala sa bahay nila Aling Weng, gising pa din ang mag anak at nakikiramdam sa paligid

"Tay, ano po ang gagawin natin?,"nahintatakutang saad ni Ernie sa mga magulang sabay tingin sa nakababatang kapatid na mahimbing na natutulog

"Huwag kang mag alala anak,"ani ni Mang Lito,"Kaming bahala ng nanay niyo, basta bantayan mo ang kapatid mong si Elinea, ang daming gabunan sa labas,"

"Haharapin namin sila,"ani ni Aling Weng,"Basta dito lang kayong magkapatid at haharapin namin sila,"

"Mag iingat po kayo Inay, Itay,"ani ni Ernie

Tumango lang ang mag asawa sa anak bago tuluyang lumabas ng kanilang bahay, tinignan naman niya ang kanyang natutulog na kapatid bago lumapit sa bintana para silipin ang kanilang mga magulang sa labas

Habang nakasilip ang binatilyong si Ernie sa labas ay kaharap naman ng kanyang mga magulang ang amang gabunan

"Ano ang ginagawa mo dito sa aming Baryo?,"tanong ni Mang Lito sa amang gabunan ng makaharap nila itong mag asawa

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon