°°°°Chapter 67°°°°Ilang Sandali pa ang nakalipas
Nakarating sila sa isang kubo kung saan doon gumagawa ng uling si Tatang Asyong
Napasandal siya sa isang malaking katawan ng puno habang hinahabol ang kanyang hininga dahil sa hingal, kasabay ng pagpaypay ng kanyang kamay para makalanghap siya ng hangin
Kinuha niya ang dalamg bimpo sa likuran ng kanyang suot na damit bago ipinunas sa kanyang mukha at leeg kung saan tagaktak ang kanyang pawis, bago napasalampak ng upo sa malaking ugat
Nang makapagpahinga na siya ay saka niya kinuha ang baong tubig na nasa loob ng kanyang dalang bag kung saan nasa loob ang kanyang mahalagang gamit na dala noong napunta siya doon,
Napabuga nalang siya ng kanyang hininga ng makaramdam ng kaginhawaan sa katawan at sa kanyang paghinga
Ilang sandali pa ay nakita na niya si Tatang Asyong na di kalayuan sa kanya, nakatalikod iyon sa gawi niya at sa isang kisap mata lamang ay nagbago na ito ng kaanyuan
Mula sa uugod ugod na matanda, ay naging isang makisig iyong nilalang, mula sa may balat na kulubot at tila may sakit na nakakahawa ay naging maputi iyon at naging napakakinis, mula sa puti at tila nanigas na mahabang buhok na tila ilang buwan ng walang suklay at ligo ay napalitan ng isang mahaba at malagintong buhok na aabot sa bewang nito, may matutulis na mga tainga, mga matang kulay asul na pinaresan ng mapupula at mapang akit na mga labi, ang kasuotang gusot at gula gulanit ay napalitan ng mahaba na aabot sa lupa, may pinaghalong asul, berde at ginto ang kulay, kumikinang na tila napapaikutan ng mga alitaptap o kaya ay ginto
Habang si Vleane ay napanganga sa kanyang nakita, napatulala siya sa kanyang kaharap na kanina lang ay isang matanda na ngayon ay naging isang makapangyarihang elemento na nagmula sa kabilang daigdig
Kahit na ilang beses na siyang nakakita ng mga kagaya nito ay hindi pa din siya makapaniwala na nasa harapan niya ang isang maharlikang engkanto, kinusot kusot niya ang kanyang mga mata, kaya napatawa nalang ang nilalang na nasa kanyang harapan
"Kamusta, Babaylan ng hinaharap,"nakayukong pagbati nito sa kanya, na ikinakunot ng kanyang noo,"Ikinagagalak kitang makilala at makita,"
"Kilala mo ako?,"gulat niyang tanong dito
"Oo, mahal naming Babaylan,"tugon nito na nakayuko pa din sa kanya,"Alam ko ang iyong pakay sa panahong ito,"
"Teka teka, sino ka?,"naguguluhan niyang tanong dito, nadinig na naman niya ang pagtawa nito kaya nakaramdam na naman siya ng inis dahil ganoon ang mga istilo ni Lucas kaya napasimangot nalang siya dito
"Ako si Prinsipe Cyprus ng ikapitong dimensiyon,"pag papakilala nito sa kanya bago tuluyang iniangat ang ulo nito,"At alam ko ang iyong sadya sa panahong ito, ang mahiwagang Krus ng Santo Kristo, tama ba?,"
"Ah opo, tama po,"tugon niya na iniwasan ng pagtaasan ito ng boses at irapan dahil hanggang ngayon ay nakangiti pa din ito sa kanya, kaya napa smirk nalang siya bago humalukipkip
"Ako ang nangangalaga ng kabudukang ito,"ani nito,"Naramdaman na kita ng unang araw mo pa lang na napadpad dito, hindi kaagad ako nakapunta sa kapatagan dahil mga aswang na lahing Busaw at Alasik na gumugulo sa Baryong iyon,"
"Bakit ngayon nagpakita ka?,"tanong niya,"Baka nabagot kana dito kaya bumaba ka at nagpanggap na isang kaawa awang matanda,"ani niya na ikinatawa lang nito,"At saka ano ang tungkol sa mutyang iyon at saan ko ito makukuha?,"
"Para ipaalam sayo na hindi mo maaaring madala ang Krus ng Santo Kristo sa hinaharap dahil masisira ang nakaraan. Sasakupin ng mga mababagsik na aswang ang Baryong ito at maiiba na ito sa hinaharap,"
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...