Chapter 07

578 27 1
                                    


°°°°Chapter 07°°°°

Makalipas ang ilang sandali, nagising nalang si Corazon ng maramdaman ang malamig na bagay na kanyang hinihihagaan, sumigid ang lamig sa kanyang katawan dahilan para siya ay magising

Napabalikwas siya ng bangon, pero bigla nalang siyang nasindak ng makita niya ang inaakalang halimaw

"Nakakatakot na ba talaga ang itsura ko ngayon, Mahal?,"may pagdaramdam at hinanakit nitong tanong sa kaharap

"Emir?!,"gulat na tanong ni Corazon,"Ikaw nga ba iyan, Mahal ko?,"nanlalaki ang mga matang sabi niya habang hinahagod niya ng tingin ang binata,"Ba-Bakit naging ganyan ang itsura mo? Anong nangyari sayo?,"sunod sunod na tanong niya

"Hindi mo ba talaga alam? O pinagtatakpan mo lang ang ginawa ng ama mo?,"nababakas sa tono nito ang matinding poot habang nakakuyom pa ang kamao nito

"Si Ama ang may gawa niyan sayo?,"hindi makapaniwalang tanong niya sa kaharap, na hindi niya mapaniwalaan na makakagawa ng ganoong kasamang bagay ang kanyang ama

Oo alam niyang malupet itong tao, mapagmataas, mahilig manlait ng tao, mahigpit na ama, pero hindi niya lubos maisip na kaya nitong gawin iyon sa binata o kahit kanino

"Hindi mo ba talaga alam ang ginawa ng malupet mong Ama sa akin at sa buong pamilya ko?!,"may diing tanong nito sa kanya ng hindi siya kumibo, tinitigan niya si Emir habang ikinukwento nito ang malagim na sinapit ng kanyang buong pamilya sa kamay ng mga tauhan ng Don, maging sa ginawa sa kanya ng mga iyon

"Hindi ko alam, hindi ko alam,"umiiling na sabi ni Corazon ng matapos makinig sa kwento ni Emir, umiiyak na ito habang sapo ang mukha ng dalawang palad, hindi niya alam na nagawa nga iyon ng kanyang ama

"Iyan lang ba ang masasabi mo?,"tanong ni Emir, napapailing nalang si Corazon habang umiiling,"May isa pa akong sasabihin sayo,"

"Ano iyon?,"tanong niya na ikinaangat ng ulo

"Ako ang may gawa ng mga patayan dito sa Baryo,"pagtatapat ni Emir,"Lalong lalo na sa mga tauhan ng iyong ama,"

Nagimbal siya sa kanyang nalaman mula sa binata, napaawang ang kanyang labi habang patuloy sa pag agos ang kanyang luha, hindi niya maisip na magagawa iyon ng mabait niyang nobyo

"Bakit?,"tanging natanong na lamang niya,

"Isa akong asu-ang, Corazon,"pag aamin nito,"Nang dahil sa ginawa ng ama mo ay nabuhay ang dugong demonyo sa katauhan ko!,"

"A-asu-ang?!,"nautal na bulalas niya

"Oo, Mahal ko,"nakangisi niyong tugon sa kanya,"At ikaw ang magiging alay ko para maging ganap na akong isang asu-ang na walang kamatayan!,"

"Hi-hindi,"sigaw ni Corazon at biglang tumayo, akma na sana siyang tatakbo ng bigla siyang nahawakan ni Emir

Inihiga siyang muli sa malamig at malapad na bato na ginawa nitong altar, tinalian ang kanyang dalawang paa at mga kamay kaya wala na siyang nagawa kundi ang nag iiyak, nag sisigaw at nagmamakaawa sa dating kasintahan niya

Nakangisi lang sa kanya si Emir na tila walang nadidinig, tila bingi at bato na ang puso nito para sa kanya

"Maawa ka, Emir!,"sigaw ulit niya,"Nagdadalang tao ako at ikaw ang ama! Nakabuo ito dahil sa pagmamahalan natin at ng ilang buwang pagsasama natin dito,"

Dahil sa nadinig ni Emir ay biglang kumislap ang mga mata nito, kaya napangiti nalang si Corazon dahil sa inaakala nitong natutuwa ito ng malaman na magiging ama na ito

Pero iba ang kanyang inaasahang sagot mula sa binatang kaharap na ikinanlumo niya

"Mabuti kung ganoon,"gamit ang malagom at malalim nitong tinig,"Dalawang buhay na ang maiaalay ko para maisakatuparan ang aking minimithi. Hindi ko na kinakailangan pang maghanap ulit ng isa pang buhay para maialay,"sabay tawa ng malakas

Ang huling pag asang nararamdaman niya ay tila biglang naglaho ng parang bula sa hangin, mariin na lamang niyang ipinikit ang kanyang mga mata at inihanda na niya ang sarili para sa kanyang kamatayan

Sila ng kanilang anak ang magbabayad sa kasalanang hindi naman sila ang may gawa kay Emir at sa pamilya nito kundi ang kanyang ama

Kahit na may sinasabi pa si Emir na hindi niya maintindihan dahil ibang lenggwahe ang sinasabi nito ay hindi na siya nag abala pang tignan iyon

Tanggap na nila ang kanilang kamatayan sa mismong kamay nito

Silang dalawa ng anak niya ang magiging alay ni Emil para maging ganap na iyong isang halimaw

Halimaw na walang kamatayan at isang napakalakas na uri ng aswang na maghahasik ng lagim sa buong kalupaan sa oras na magtagumpay ito sa binabalak na ialay ang buhay ng kanyang mag ina







Samantala,

Habang abala sa pag oorasyon si Emil para sa pag aalay, isang anino ang mapapansin na mabilis na tumatakbo sa kalaliman ng gabi, mabilis at tila nagmadali na tunguhin ang kweba kung saan nagdaraos ng ritwal ang binata, hindi na nito alintana ang mga siit at halamang gubat na humahampas sa katawan at mukha nito

Maging ang mga matatalas na dahon ng mga ligaw na halaman na sumusugat sa paa nito, dahil sa mga sandaling iyon ay oras ang kalaban nito, dahil kung mahuhuli siya ng ilang minuto ay maaari ng magtagumpay si Emir

Nasa kalagitnaan na ng kanyang ritwal si Emir ng makadinig siya ng mga pagkaloskos sa paligid, pero binalewala lamang niya iyon at mas pinili nitong ipagpatuloy ang ginagawang pag aalay, dahil ilang sandali na lamang ang kanyang hihintayin at matatapos na ang kanyang pagriritwal

Ilang sandali pa nga ang lumipas ay natapos na din sa pag uusal ng orasyon si Emir, kaagad nitong kinuha ang punyal na nakatago sa kanyang likuran

Iyon ang gagamitin niya sa pagpatay sa kanyang kasintahan

Hinawakan na iyon ng Emir ng dalawang kamay, itinaas at handa n nitong itarak iyon sa dibdib ng dalaga, iaalay niya ang babaing mahal at ang magiging anak sana nila

Perp bago iyon ay pinagmasdan muna niya ang maganda at maamong mukha ni Corazon na nakapikit ng mga sandaling iyon, pero hilam pa din ang mga luha sa mata

Alam niya na tanggap na nito ang kamatayan nilang mag ina sa kamay niya bilang kabayaran sa kasalanan ng matapobreng ama nito na hindi niua napaghigantihan dahil nagpakamatay ito

Pinakiramdaman din niya at kinapa sa sariling damdamin kung may pagmamahal pa ba siyang nararamdaman sa dating kasintahan, pero wala na siyang maramdaman kundi ang poot at galit dahil sa pagkamatay ng buo niyang pamilya ng dahil sa makasarili at matapobre nitong ama

Kaya mas lalo lang napangisi si Emir dahil ilang sandali nalang ay makakamtan na niya ang kapangyarihan na nagmumula sa kanilang lahi at ang hinahangad na walang kamatayan

Kaya nagpasya na siyang itarak ng tuluyan sa dibdib ni Corazon ang nasabing punyal







Itutuloy

Ano kaya ang mangyayari kay Corazon?

Mapapatay at maiaalay kaya ni Emir ang buhay ng babaing minahal niya dati at ang kanilang anak?

May himala kayang darating para matulungan at mailigtas sila?

O magtatagumpay si Emir sa kanyang ninanais?

Abangan.....

Please leave a Comment and reaction

And dont forget to Vote

Thank you

•••••akiralei28

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon