°°°°Chapter 05°°°°Sa kalasalukuyan.
Nang madinig nila ang kwento ni Lolo Rene, ay walang nagsalita sa kanila maliban kay Vleane
"Ah, ang sasama nila!,"galit na sambit nito na naikuyom lang ang kamao
"Matapobre ang Don!,"inis na sambit ni Angela,"Bakit hindi nalang nila hinayaan ang dalawa na nagmamahalan? Dinamay pa ang mga inosenteng pamilya ni Emir,"
Maging si Vleane ay bakas sa kanyang mukha ang galit sa ama ni Corazon, awa para kay Emir at sa buong pamilya nito na pinatay ng walang pagaalinlangan
Alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng mga mahal sa buhay, dahil hanggang ngayon ay dala dala pa niya ang sakit na dulot ng pagkamatay ng kanyang Lolo Ernie
Ngunit mas alam niya ang matinding sakit na nararamdaman ni Emir ng gabing iyon
"Ano po ang nangyari kay Emir? Ano po koneksiyon niya sa inyo at sa Baryong ito?,"takang tanong niya kahit na alam niyang napakabigat para sa matanda ang mga nangyaring iyon
Nakita nilang napatiimbagang si Lolo Rene at nagtatagis ang mga ngipin nito, bigla ding dumilim ang kaanyuan nito na nakatingin lang sa kawalan dahil sa tindi ng galit na nararamdaman
"Gusto niyo bang malaman?,"mahina pero kababakasan ng galit ang boses nito
"Opo,"tugon niya,"Kung kaya niyo pa po ipagpatuloy o kung hindi naman ay maaari niyo nalang po ituloy kung ayos na po ang nararamdaman ninyo,"dagdag pa niya
"Ipagpatuloy na natin,"ani ng matanda na ngumiti lang sa kanya, kaya alam niyang ayos lang ito
Kaya naman nanahimik na silang lahat at hinintay nalang ang pagpapatuloy ni Lolo Rene sa kanyang kwento tungkol kay Emir
•
•
•
•
•
•
•
•Sa pagpapatuloy ng kwento ni Lolo Rene
Ang tunay na katauhan ng Nanay ni Emir at ang pagiging aswang niya
Lingid sa kaalaman ng lahat, ang Nanay ni Emir ay may lahing aswang, pero tinalikuran niya iyon simula ng magkaroon ito ng asawa at mga anak
Pero kahit na ganoon ang nangyari ay nananatili pa ding nananalaytay at dumadaloy sa dugo nito ang pagkaaswang lalo na kay Emir, ang maitim nitong dugo, ang nararamdamang pagkapoot ang tumulong kay Emir para hindi ito mamatay ng gabing iyon
Nakaligtas man ng gabing iyon si Emir mula sa pagkasunog at pagkamatay, pero naging daan iyo para tuluyan na itong nagbago, hindi lang ang panlabas na kaanyuan maging ang kaloob looban nito, matapos niyang mailibing ang buong pamilya sa lupa kung saan naging tahanan nila ni Corazon ay idinilig din niya sa tigang na lupa ang dugo ng buong pamilya
Ginawa din niyang pataba sa lupa ang mga katawan ng mga ito, isa iyong ritwal ng pag aalay para gisingin ang natutulog na demonyo sa kanyang pagkatao
Lingid sa kanyang Tatay, noong naging ganap na siyang binata ay ipinagtapat na sa kanya ng kanilang Nanay ang pinakatatagong lihim ng pagkatao nito
Dahil ilang gabi na itong binabagabag ng masasamang pangitain at panaginip na kailangan na niyong ipamana kay Emir ang pagiging aswang, ang madilim nitong lihim ay ipinagtapat ng buo kay Emir na kahit sa asawa ay hindi nito ipinagtapat at ipinakatiwalang sabihin
At kung anong lahi sila nabibilang, ang kanilang lahi ay nagmula sa pinakamataas at makapangyarihang uri ng aswang, na pinaniniwalaan ng karamihan ay isa na lamang silang alamat
Pero may mga iilan pa din ang natitira sa kanila at namumuhay ng mapayapa, kagaya ng kanyang Nanay
Pero dahil patay na ang kanyang Nanay at mga kapatid ay siya nalang ang natitira sa kanilang lahi
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...