°°°°Chapter 06°°°°
•••Third Person's POV•••Lumipas pa ang ilang araw,
Nabalitaan nalang ng lahat na pinatay ang mga pinagkakatiwalaang tauhan ng Don sa karumaldumal na paraan
Ang mga tauhan at kalalakihang sangkot sa pagpatay sa buong pamilya ni Emir
Dahil nakita ng mga ito ang bawat ulo ng mga kalalakihang iyon na nakatuhog sa pinatulisang kawayan, nakita nila iyon dahil nakahilera ang mga iyon sa mismong bungad ng nasabing lupain na pagmamay ari ng Don
"Mukhang matindi ang galit ng gumawa nito,"naiiling na sambit ng kanilang Kapitan
"Oo nga po, Kapitan,"pagsang ayon ng isa pa,"Halos wala ng katawa na itinira, siguro kaya ulo nalang ang itinira para makilala pa sila ng kani kanilang mga pamilya,"
"Sila ang mga nakita namin na dumampot sa pamilya ni Emir, Kap,"pabulong ng isang tanod nito
"Malulupit ang mga tauhan na iyan ng Don,"sabi pa ng isang matanda,"Kaya nararapat lang sa kanila ang ganyang kamatayan,"
"Huwag na kayo maingay,"saway ng Kapitan,"Paparating na ang Don at ang mga tauhan nito,"kaya nagsipagyukuan nalang silang lahat at tumahimik nalang
Galiy na galit ang matapobreng Don ng makita ang kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan na ganoon ang sinapit, dilat ang mga mata at kababakasan pa ng takot ang mga walang buhay na mukha ng nga ito
Sumigaw ang Don at tinanong sila kung sino ang may gawa niyon pero ni isa sa kanila ay hindi sumagot dahil nga sa wala din silang kaalam alam sa mga nangyari ng nagdaang gabi
Pinakuha ng Don ang ulo ng kanyang sampung tauhan sa mga kasama nito, ipinalagay sa isang sako bago binitbit para ihatid sa bawat pamilya ng mga ito
Masama lang silang tinignan ng Don bago sila iniwanan ng mga ito, binilinan pa silang magsipagbalik na sa kani kanilang mga gawain
Kaya tahimik lang sila na pumasok sa loob ng lupain ng Don, kanya kanyang pulusan at puntahan sa kani kanilang trabaho ng tahimik, dahil ayaw nilang madamay sa galit nito
Lumukob sa mga taga Baryo ang takot dahil sa nangyari sa mga tauhan ng nasabing Don, kumalat din iyon hanggang sa mga kalapit Baryo, Sitio at Bayan ang mga karumaldumal na nangyaring patayan
•
•
•
•
•
•
•
•Dahil sa mga pangyayaring patayan ay halos hindi na kayanin ng isipan ng Don, iniisip nito na siya na ang isusunod na papatayin ng aswang dahil halos lahat ng nga natatagpuang patay ay kanyang mga tauhan
Dahil kahit alam niyang matitibay ang mga pader ng kanyang malaking bahay at mga tapat na tauhan ay hindi siya nakakampante
At ayaw niyang mangyari sa kanya ang mga sinapit na karumaldumal na kamatayan ng kanyang mga tauhan, gusto niyang mamatay ng maayos ang katawan at sa takdang panahon, pero dahil sa mga isiping iyon ay napagpasyahan ng Don na kitlin na ang sariling buhay bago pa siya isunod ng nasabing aswang
Kinitil nga ng Don ang sarili niyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili nitong silid
Habang si Corazon naman ay hati ang nararamdaman ng mga sandaling iyon, nagluluksa siya dahil sa pagkamatay ng nag iisa niyang pamilya, mahal niya ang kanyang ama sa kabila ng mga nagawa nito, sa pagiging matapobre at higit sa lahat sa pakikialam nito sa pagmamahalan nila ni Emir, hindi niya maitatanggi na kadugo niya ito at higit sa lahat ay ama niya ito
Pero hindi din maitatanggi ni Corazon sa kanyang kaibuturan ng kanyang puso na tila may saya siyang nararamdaman dahil sa pagkawala nito, tila nabunutan siya ng tinik at nakahinga ng maluwag, dahil nakalaya na siya mula sa paghihigpit nito sa kanya at sa pagmamanipula ng kanyang buhay
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...