°°°°Chapter 35°°°°Samantala,
Hindi pa din nilulubayan ng kalabang Asbo si Cris ng mga sandaling iyon, marami na ding natamong sugat ang aswang na Asbo pero hindi pa din ito sumusuko
Habang si Cris naman ay damang dama na niya ang pagod, hingal at uhaw ng mga sandaling iyon, marami na din siyang natamong sugat at galos mula sa kalabang Asbo, gusto na niyang sumuko, pero kailangan na niya itong mapatay ay mahanap ang kanyang kuya Brent at matulungan ito
"Tapusin na natin ito!,"saad niyang hamon sa Asbo, bilang tugin sa kanyang hamon ay umangil pa iyon ng malakas
Bago sila sabay na tumakbong papasugod sa isat isa, muli na namn silang nagtagisan ng lakas at bangis, kumbaga matira ang matibay sa labanan nilang dalawa
Hawak ng binatilyo ang sandatang mula sa bahay nila Lolo Ernie, nagdasal siya, isang dasal na tanging siya lang ang nakakaalam, dasal na itinuro sa kanya ni Lolo Ernie bago iniihip sa sandata at mabilis na itinaga iyon sa kanyang kalaban
Tumalon siya bilang pag atake mula sa likuran ng Asbo, bago itinarak ang gulok na punong puno ng orasyon at dasal na laging pinapakain ng namayapang matanda, itinaral niya iyon s amismong tapat ng dibdib nito, diniinan pa niya iyon bago hinugot
Nang hugutin na niya iyon ay kasama ng lumabas mula sa katawan ng Asbo ang puso nito, nagkikisay iyon na padapang bumagsak sa lupa
Nang masigurado na ni Cris na patau na iyon ay tumalikod na siya at naglakad papalyo doon
Hinanap niya sa paligid ang kanyang kuya Brent pero hindi niya iyon makita, nakaramdam pa siya ng kilabot ng makita ang madugong tanawin kung saan nakita niya ang kanilang mga kasamahan na wala ng buhay at kinakain ng mga aswang
Kaya mabilis na niyang nilisan ang lugar para hanapin ang kanyang kuya Brent at tulungan ito pati na din ang ilan nilang mga kasama, halos nagkalat ang katawa ng mga aswang sa daanan habang naglalakad siya at hinahanap ang kanyang kuya, marami din ang katawan ng kanilang mga kasama ang nagkalat at nagkaputol putol dahil pinag aagawang lapain ng mga aswang
•
•
•
•
•
•
•
•Sa kabilang dako,
Wala ding puknat sa pakikipaglaban ang tatlong dalaga sa mga aswang na kanilang hinaharap ng mga sandaling iyon, hindi sila naghiwa hiwalay dahil alam nilang natatalo sila
"Ang dami naman,"ani ni Veronica sa dalawa niyang kasama, nagtalikuran na silang tatlo para harapin ang mga aswang na nasa anyong malalaking pusa at maiitim na aso
Habang ang mga kasama naman nila ay nagkanya kanya ng pakikipaglaban sa iba pang mga aswang
"Kamusta na kaya ang iba?,"natanong ni Jane na nag aalala naman sa kasintahan
"Nasaan na kaya sina Brent,"ani naman ni Nica na inaalala ang magkapatid,"Sana ligtas silang lahat,"
"Huwag kayong mag alala,"ani naman ni Angela,"Ligtas silang lahat kaya pagutihin natin ang pakikipaglaban para makauwi na tayo,"
"Tama,"kuro ng dalawa kaya naman ginanahan na silang labanan ang mga aswang na lumundag sa kanila para sila ay lapain
Naghiwalay silang tatlo ng sabay sabah na naglundagan ang apat na malalaking pusa sa kanila para sakmalin ang kanilang mga leeg
Umaatungal ang mga iyon ng lumapat sa katawan nila ang buntot ng pagi na inihambalos ni Angela habang ang isang malaking pusa naman ay gumulong ang ulo nito ng tagpasin iyon ni Nica gamit ang matalas na itak
Nahati naman ang katawan ng isa pang malaking pusa ng tagain iyon ni Jane ng lumagpas iyon sa kanyang harapan ng bigla iyong tumalon para sakmalin siya, natalsikan ng dugo ang kanyang mukha pero hindi niya iyon ininda
Lumapit siya kay Nica at nagtalikuran silang dalawa para protektahan ang isat isa sa mga maiitim na asong aswang, nag apiran at napangisi sila ng makita na madami dami na ding napapatay si Angela sa hanay ng mga malalaking pusang aswang
Bawat lapit ng mga itim na aso ay ssinasalubong kaagad nila ng taga ang mga iyon, may iba na nakakaiwas pero natatapyasan iyong tainga o kaya ay nguso
Minsan ay kalahati ng ulo ang natatapyas nila, minsan wala ng paa sa harapan o di kaya ay wala naang dalawang paa sa likuran na sinasabayan nila ng pagtawa para mawala kahit sandali ang kanilang pagod
Halos isang oras na sila na nakikipaglaban sa mga aswang na nasa anyong hayop, inilibot nila ang kanilang paningin sa paligid, marami na sa kanilang mga kasama ang namatay at nilalapa na ng mga aswang ng sandaling iyon, gusto man nila na tulungan at iligtas ang mga iyon ay wala din silang magagawa dahil marami din silang kinahaharap na mga kalaban
"Tapusin na natin ito!,"kuro nilang tatlo sabay taas ng kani kanilang sandata bago sabay sabay na tumakbo papasugod sa mga aswang na nasa di kalayuan
Tumakbo na din papasugod sa kanila ang mahigit sampung aswang na nasa kaanyuan ng maitim na aso at naglalakihang pusa
Nakangiti sila habang nakikipaglaban na tila walang kapaguran at hindi nauubusan ng lakas
Naging lakas nila ang mga taong namatay at kinain ng mga aswang, nais nilang ipaghiganti ang nga iyon
Mga ngiti na may luha na tumutulo sa kanilang mga mata, dahil iniisip nila ang mga pamilya ng mga kalalakihang namatay na naging bayani sa kanilang Baryo, hindi na nila binibigyan ng pagkakataon na makabangon at makaatake sa kanila ang mga aswang na iyon
•
•
•
•
•
•
•
•Itutuloy
Laban lang kayo💪💪💪
Huwag niyong hahayaang magtagumpay ang mga kampon ni Emir na pagharian ang inyong Baryo
Kayo niyo yan Angela, Veronica at Jane💪💪🫡🫡
Ano pa ang naghihintay sa kanila habang lumalalim ang gabi at papalapit ang oras ng Biyernes Santo?
Magtatagumpay kaya sila?
Abangan...
Please leave a Comment and reaction
And dont forget to Vote and follow me
Thank you
•••••akiralei28
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...