Chapter 28

469 33 1
                                    

°°°°Chapter 28°°°°

•••Third Person's POV•••

Kinabukasan

Halos hindi mapakali si Lucas ng malamang wala sina Vleane at Angela, halos maihilamos niya ang sa mukha ang dalawang palad ng may inis at asar dahil hindu niya nabantayan ang dalaga

"Ganyan na talaga si Ate,"ani ni Nica,"Ang hilig niyang tumakas, lalo na kung alam niyang delikado ang pupuntahan niya,"

"Huwag kang mag alala, apo,"ani ni Lolo Rene,"Ligtas siya at darating siya bukas,"

Napatingin lang si Lucas sa kanyang abwelo, may napupuna siya sa kanyang Lolo Rene pero hindi niya malaman kung ano iyon, kaya ipinilig nalang niya ang ulo bago ininom ang kape na binigay nito sa kanya, bago siya tinapik sa kanyang balikat

"Sino ang sasama para mag ikot ay balaan ang mga taga Baryo?,"tanong ni Lolo Rene,"Aalis na tayo maya maya at daanan natin sina Father sa Simbahan,"

"Sige po,"kuro ng magpipinsan, hindi na nila pinasama ang Tatay nila at si Mang Rommel para may kasama ang mga maiiwan sa bahay, sumama din ang magkasintahan

Dahil kaya na din ni Veronica ang lumaban kung sakaling mapalaban sila sa mga aswang dahil natuyo na din ang mga sugat niya

Matapos makapag almusal ay kaagad silang nagpunta sa Simbahan para yayain ang dalawang Pari para samahan silang magbahay bahay at balaana ng bawat pamilya na ang may mga anak na babae lalo pa kung birhen pa ang mga iyon

"Magandang umaga po sa inyo,"bati nila bago nagmano sa dalawang Pari at sa dalawang Madre

"Kaawaan kayo ng Panginoon mga anak,"ani ng Pari at Madre ng matapos silang makapagmano

"Saan ang punta niyo?,"tanong ni Mother Santa sa kanila

"Mother Santa, maaari po ba kami samahan nila Father na mag ikot ikot?,"tanong ni Lolo Rene

"Para saan po?,"tanong ni Sister Helena sa kanila

Doon na nga nila ipinaliwanag ang kanilang sadya at ang mga nangyari noong nakaraang gabi  kaya napatango tango naman ang mga iyon bago sumang ayon na samahan na sila na mag ikot ikot

Binalaan na nila ang mga tao lalo na ang may mga anak na dalagita at mga walang kasintahan o asawa, dahil iyon ang puntirya ni Emir para maging pagkain para bumalik ang dati nitong kaanyuan at kakisigan

Lahat ay nangamba para sa kanilang mga mahal sa buhay kaya kinausap silang lahat ng dalawang Pari

"Ang lahat na walang kakayahang ipagtanggol ang lanilang sarili ay pumunta na po kayo sa simbahan,"paalala ni Father Francis,"Lalo pa at Miyerkules Santo na ngayon,"

"Tama po si Father,"dagdag ni Father Thomas,"Maaari na po kayong tumuloy sa simbahan, magdala na lamang po kayo ng iilang damit, gamit at pagkain na mayroon kayo, doon po ay ligtas kayong lahat,"

"Salamat po,"ani ng mga iyon sa kanila,

"Magsisimula po ngayong araw ang pagpapalikas sa inyo,"ani ni Sister Helena,"Kaya maghanada na po kayo, babalikan po namin kayo,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon