Chapter 13

597 39 3
                                    


°°°°Chapter 13°°°°

"Hindi po ganoon kadali, Kap ang mga hinihiling niyo,"angal ng isa mga kalalakihan na lihitimong taga San Gabriel,"Hindi po madaling magsimula muli sa umpisa at saka saan kami pupunta? Wala ho kaming kamag anak sa mga kalapit na Baryo,"

Ikalawang araw na iyon ng kanilang pagpupulong sa simbahan pero hanggang ngayon ay nagkakagulo pa din ang mga taga Baryo, hati ang bawat opinyon ng lahat, may sang ayon at may kontra

"Tama po iyon, Kap,"pagsang ayon ng isang matandang lalake,"Kagaya ko na lamang, wala akong ibang mapupuntahan, nasa malalayong probinsiya ang mga anak ko, tanging kami nalang ng aking asawa ang naninirahan dito,"

"Mas mahalaga ang buhay ng nakararami tama ba?,"ani ng isang matanda,"Hindi madali ang mag umpisang muli sa isang lugar lalo na kung walang kaanak o kakilala na maaaring tumulong, pero mas mahirap magsimula sa umpisa kung hindi na buo ang pamilya, kaya mamili kayo,"dagdag pa nito na ikinatahimik ng lahat,"At isa pa patapusin niyo muna ang sasabihin nila Kapitan at isa pa sila ang nakakaalam kung ano ang mas makakabuti para sa ating lahat,"

Nagkatinginan ang lahat habang wala na ang nagtangka pang sumalungat sa sinasabi ng matandang babae

"At isa pa kaya niyo bang lumaban ng hindi inaalala ang kaligtasan ng inyong pamilya? Kaya mamili kayo at mag isip bago kumuntra at kung ano ano ang mga dahilan,"ani pa nito bago tumalikod at muling naupo

Kaya wala ng mga nadidinig na bulungan at angal mula sa mga taga Baryo kaya naman napalingon sa kanya sina Calvin at ang Kapitan, nagkibit balikat nalang siya dahil wala din siya masasabi, suko na siya sa mga dahilan ng mga taga Baryo at ayaw na niya magpaliwanag pa

Nang wala na nga tumutol ay nagpatuloy nalang sa pagpapaliwanag ang Kapitan at sina Calvin

"Wala po itong sapilitan,"ani ni Jude,"Kung sino lang po ang gusto at kayang lumaban ay sila ang sasama sa amin, kung ayaw ninyo ay wala din po kaming magagawa, ang mahalaga ay nabalaan na po namin kayo,"

"Kung wala na pong mapupuntahan ang iba,"ani ni Father Francis,"Dumito nalang po, lalo na ang mga matatanda, bata at mga buntis, lalo na iyong hindi kayang lumaban sa nga aswang,"

"Tama po si Father Francis,"pagsang ayon ni Father Thomas,"Maaaring dumito ang mga ayaw lumaban at walang lakas ng loob, ang maaari niyo nalang maitulong ay ang mag imbak ng pagkain, inumin, gamot at ang maisusuot ninyo,"

"Tama sina Father,"tumayo na siya at pumunta sa harapan ng lahat, habang nakapamulsa sa suot na pantanlon ang kanyang dalawang kamay,"Iyon na lamang po ang maaari ninyong maitulong, kailangan po sa lalong madaling panahon,"

Kaya sumang ayon nalang ang lahat ng ayaw lumikas at ang mga walang kakayahang lumaban at labanan ang mga aswang

Matapos niyang magsalita ay tumalikod na siya at lumabas, bitbit ang isang bag na binigay ng mga Pari at Madre sa kanya, nasa loob ng may kalakihang bag ang mga gamit panlaban sa mga aswang






Habang abala naman sila sa pagpupulong ay abala naman ang mga aswang sa paghahanda

Samantala, sa mga liblib na Sitio ay naglipana ang ibat ibang uri ng mga aswang, na kahit tirik ang araw ay nagagawa ng mga ito ang makapambiktima ng mga taong iaalay

Marami na silang nadudukot na inosenteng tao kagaya na lamang ng mga bata, buntis at maging matatanda ay hindi na nila pinalalampas, pinapakita lamang nila kung gaano sila kahayok sa laman at dugo ng tao, wala na silang kinatatakutan ng mga sandaling iyon

Halos tatlong Sitio ang sinakop na ng mga aswang ng mga sandaling iyon, binihag ang mga taga roon at ikinulong para gawing pagkain tuwing sasapit ang gabi at pagkatapos nilang gumawa ng ritwal na pag aalay para sa kanilang pinunong Asu-ang

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon