Chapter 66

460 26 0
                                    


°°°°Chapter 66°°°°

Isang madaling araw, araw iyon ng Linggo

Nagising si Vleane mula sa mahimbing na pagkakatulog, dahan dahan siyang bumangon at maingat na bumaba sa kanyang hinihigaan para hindi magising ang kasamang Madre na mahimbing na natutulog

Lumabas siya ng kanilang silid at nagtungo sa simbaha para magdasal at magmatyag dahil alam niyang maaga nagigising ang dalawang Madre at ang batang Pari na bagong pasok sa simbahan

Alam niyang may tinatago ang mga iyon at gusto niyang malaman ang lihim ng batang Mother Superior at ang matandang Madre

Pero bago pa siya makalapit sa naturang simbahan ay may isang matanda ang sumalubong sa kanya na humihingi ng tulong, napabuga nalang siya ng hangin habang piangmasdan iyon na tumatakbo papalapit sakanya, nakita pa niyang hinihingal iyon at nanghihina dahil sa pagod, tantiya niya na tila galing pa iyon sa malayong lugar

Pinagmasdan lang niya iyon ng seryoso at nakahalukipkip pa, piangmasdan niya iyon at halata sa katawan nito ang kapayatan at mayroon pa iyong sakit na ketong na nagkalat sa buo nitomg katawan, nakadama siya ng awa sa nasabing matanda kaya hinintay niya itong makalapit sa kanya

Nang makalapit ang matanda sa kanya ay napasandal pa iyon sa pintuan ng simbahan kung saan soya nakatayo at balak na buksan na iyon

"Lolo,"kaagad niya iyong nilapitan at inalalayan na makatayo, hindian lang kakakitaan ng pandidiri o pag aalinlangan ang dalagang si Vleane, kahit na alam niyang nakakahawa ang salit na ketong,"Tara po sa loob ng simbahan,"yaya niya sabay akay sa matanda at bukas ng pintuan ng simbahan

Kaagad na pumasok sa loob ng simbahan ang dalawa, iniupo kaagad niya ang matanda sa upuan na una nilang nalapitan

"Lolo, ayos ka lang po ba?,"may pag aalalang tanong niya,"Saan ka po ba nanggaling? At ano po ba ang maaari kong maitulong sayo?,"

"Apo, maaari mo ba ako mabigyan ng maiinom at makaka kain?,"ani nito gamit ang bahaw at nanginginig na tinig

"Sandali lang po Lolo,"ani niya,"Papasok lang po ako sa kombento para makakuha ng maaaring maipakain sa inyo,"paliwanag niya,"Dito po muna kayo, maupo at hintayin po ako,"bilin niya ng matapos niyang maiupo iyon sa mahabang upuan sa loob ng simbahan

"Salamat, Apo,"aning matandang lalake matapos itong makaupo ag maisandal ang likod sa malapad na sandalan ng upuan bago ngumiti ng tipid sa kanya

Matapos iyon ay kaagad siyang lumabas ng simbahan at tinungo ang kombento, dahan dahan niyang binubuksan ang pintuan patungo sa kusina habang palingon lingon dahil baka gising pa ang dalawang Madre at tiyak niyang mapapagalitan siya at higit sa lahat ay mapaparusahan siya

Alam niyang mali ang gagawin niya dahil pagnanakaw iyon pero ayaw naman niyang pabayaang magutom at mamatay ang matanda kahit na may nakakahawang sakit iyon

Kumuha siya ng isang basong tubig at ilang tinapay na nakalagay sa isang basket na natatakpan ng puting tela, kaagad niya iyong kinuha at inilagay sa isang supot at tubig na nasa galon kasama ang isang basong plastic

Ilang sandali pa nga ay nagmamadali na siyang pabalik sa simbahan kung saan niya iniwan ang matanda, naabutan niyang nakapikit iyon at tila nagdarasal kasi nakaluhod na iyon at nakasiklop ang dalawang palad sa harapan

Hinintay niyang matapos iyon magdasal bago niya iniabot ang tinapay na nasa lagayan at sinalinan niya ng tubig ang baso bago iniabot sa matanda

"Maraming salamat sayo, Apo,"ani nito matapos makalagok ng tubig ag malunok ang tinapay,"Ako nga pala si Tandang Asyong, isa akong mag uuling,"pagpapakilala nito sa kanya,"Pasensiya kana at nakaabala pa ako sayo sa ganito kaaga, kinakailangan ko na din na makaalis,"pagpapaalam nito sa kanya,"Dahil baka mahawaan pa kita ng aking karamdaman,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon