Chapter 54

452 25 0
                                    


°°°°Chapter 54°°°°

Samantala sa kinalalagyan ni Lucas

Napunta siya kung saan naglulungga ang pinuno ng mga aswang na si Urako, mabangis at walang awa kung pumatay

Kalahating asbo at gabunan si Urako, nananalaytay sa dugo nito ang dugo ng pinakamalakas at makapangyarihang aswang na mula sa lahi nito at sa lupaing iyon

"INAAKALA MO BA NA GANOON GANOON MO LANG AKO KADALING MATALO?!,"malagom na tanong nito sa kanya

Kanina pa din naghahabol ng kanyang hininga si Lucas, nasa mahigit na dalawang daan ang tauhan nito na ang kanyang napaslang bago makaharap ang pinunong si Urako

Hindi din niya alam kung ilang gabi na siyang lumalaban, dahil ang mundong kanyang napuntahan ay walang araw kundi puro gabi lamang, nararamdaman na niya ang pangangatog ng kanyang mga tuhod, nagrerebelde narin ang kanyang mga kasukasuan, nais naring pumikit ng kanyang mga mata dahil sa nararamdamang pagkaantok

"Lolo Rene, tulungan niyo po ako,"ani niya,"Diyos ko po, tulungan niyo ako, hindi ko na po kaya," dasal niya habang nakatingin sa kaharap na kalaban

Hinahabol na niya ang kanyang hininga, gutom na din siya at uhaw na uhaw, kaya lalong nadadagdagan ang kanyang pagod

"Huwag kang sumuko, Lucas,"ani ng isang tinig sa kanyang isipan

"Huh? Sino ka?,"takang tanong niya

"Ako si Mishka, ang gabay ni Vleane,"

"Paano kang napunta dito? Saka nasaan si Vleane?,"sunod sunod niyang tanong gamit ang kanyang kaisipan

"Pinasama niya ako sayo dahil alam niyang mahihirapan ka sa laban mo kaysa sa tatlong nauna, dahil ang pinuno na nila ang makakalaban mo,"paliwanag nito

"Kakayanin ko pa ba ito?,"tanong niyang muli

"Oo, nasa mga kamay mo ang kapalaran ng mundong ito, nandito ako para samahan, gabayan ka at bibigyan kita ng panibagong lakas,"

Bago pa makatugon si Lucas ay unti unti ng bumigay ang katawan nito,, unti unti ng nagdilim ang paningin nito hanggang sa tuluyan na siyang lamunin ng kadiliman, wala na siyang malay ng bumagsak sa lupa ang nanghihina niyang katawan







Sa dako pa roon

"Apo! Apo! Gumising ka!,"anas ng isang pamilyar na boses sa kanya, mabigat pa din ang kanyang pakiramdam kaya halos hindi niya maimulat ang kanyang mga mata na para bang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang katawan

Pero mas malakas ang udyok ng isang tinig na nagsasabing kailangan na niyang gumising, kaya sinunod niya iyon

Nang maimulat na niya ang kanyang mga mata ay labis ang pagkamangha na kanyang nakita, para siyang nasa isnag paraiso, dahil ang lahat ng kanyang nakikita ay puro luntian ang kulay, may mga bulaklak din sa paligid, may mga nagliliparang paruparu at mga insekto na noon lang niya nakita sa tanang buhay niya

Madidinig din sa buong paligid ang huni ng mga ibon, hindi din nakaligtas sa kanyang pandinig ang lagaslas ng tubig na tila isang musika sa kanyang tainga, nakakamangha din ang napakaraming bahaghari sa paligid

Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata dahil iniisip niya na isa lang iyong napakagandang panaginip, nasa ilang minuto siyang nakapikit bago muling inimulat ang kanyang mga mata pero ganoon pa din ang kanyang nakikita

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon