Chapter 51

450 32 1
                                    


°°°°Chapter 51°°°°

Lumipas ang tatlong araw

Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng makalaban ni Jude ang aswang na iyon, pero hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ding malay ang binata dahil na din sa mga sugat na kanyang natamo at sa dugong nawala sa kanya

Dahil sa labis na pag aalala ni Kayla ay napilitan na itong humingi ng tulong sa ibang tao para magamot ang mga natamong sugat ng itinuturing na asawa

Hindi na nito inisip na baka may makaalam sa kanyang lihim at sa taong kanyang itinatago sa kubo, ang tanging mahalaga lang sa babae au ang kaligtasan ni Jude

Hanggang sa isang araw, dumalaw ang ina nito at nakita si Jude na nakahiga sa papag at wala pa ding malay tao, binisita nito ang anak na matagal ng hindi ito nagpapakita sa kanilang lahat, solo lang itong namumuhay  doon sa kabudukan,

Inakala nila na nais lang nitong mapagisa, kaya mas pinili nitong manirahan sa gubat at malayo sa kanila

"Sino ang lalaking iyan, Kayla?,"tanong ng ina nitong si Aling Cita sa kanya habang matamang tinititigan nito si Jude

"Si-ya, siya po si Lito, Inay,"utal na tugon niya sa kanyang Inay Cita, habang nakatitig din kay Jude

Biglang napalingon si Aling Cita at kunot noong tinitigan ang mukha ng anak nito na halos hindi makapaniwala sa mga madinig buhat sa bibig ng sariling anak

Ngunit nanatili lamang ang pagkakatitig ni Kayla sa lalaking mahal nito, ayaw niyong salubungin ang nagtatanong na titig ng kanyang Inay Cita

"Ano ba ang sinasabi mo? Matagal ng patay si Lito,"ani nito,"Sino ang impostor na iyan? Saan mo siya nakilala?,"sunod sunod na tanong nito sa kanyang anak

Galit naman na sinulyapan ni Kayla ang kanyang Ina, bago iyon tumugon sa kanyang mga tanong

"Hindi pa patay si Lito,"ani nito,"Naririyan ho siya Inay sa inyong harapan! Hindi niyo po ba siya nakikita? Kayo lang ang nagsasabi na patay na siya dahil ayaw ninyo na kami ay magkasama,"sumbat niya sa kanyang Ina

Napapailing na lamang si Aling Cita sa mga tinuran ng kanyang anak na tila nababaliw na ito

"Gumising ka nga sa katotohanan, Kayla,"ani niyon,"May isang taon ng patay ang asawa mo,"may diing saad ng matanda

"Siya na ngayon si Lito,"pagpipilit nito,"Ang kapalit ng asawa ko, wala siyang naaalala na kahit ano man sa kanyang nakaraan. Hindi ako makakapayag na kahit sinuman sa inyo ang magsasabi ng katotohanan sa kanya,"may pagbabantang turan niya sa kanyang Inay Cita

Hindi naman nakapagsalita si Aling Cita, naaawa na lamang nitong tinitigan ang kanyang anak

Naalala pa nito na halos mag iisang taon na simula ng salakayin ang kanilang Baryo ng isang tribu ng mga aswang

Kasama sa napaslang doon ay si Lito ang asawa ni Kayla ng lusubin sila ng mga aswang

Simula ng masira ang balanse ng kanilang Bayan ay ilang beses na silang sinalakay ng mga ibat ibang uri ng mga aswang ang bawat Baryo sa Bayang iyon, kaya naman naisipan nilang magtatag ng isang samahan kung saan lalaban sa mga aswang ang  mga kalalakihan doon

Sapilitan ang ginawa nilang panghihikayat sa mga kalalakihan, kaya dahil doon ay nagtanim ng matinding galit si Kayla sa mga kababaryo nila ng mamatay ang kanyang pinakamamahal na asawa

Pinili niyang manirahan sa malayo sa karamihan, bawat araw at umaga ay puno ng pangungulila ang puso niya para sa pinakamamahal na kabiyak

Ang bawat malamig na gabi ang tangi niyang kaulayaw at kasama sa magdamag, ang mga masasayang alala na lamang ang tanging pumupuno sa kanyang kalungkutan at kahungkagan sa pangungulila sa asawa

Nakaugalian na niyang magpalipas ng oras sa mau burol hanggang sa isang umga habang nakaupo soya doon at nakatanaw sa malayo ay may napansin siya na isang katawan ng tao, nakadapa iyon sa may batuhan

Noong una ay nag aalangan siyang lapitan iyon dahil sa inaakala niyang baka wala na din iyong buhay, sumagi din sa kanyang isipan na baka biktima din iyon ng mga gumagalang aswang

Aandap andap man ang kanyang kalooban ay mas pinili niyang sundin ang iniuutos ng kanyang kagandahang asal na kailangan tulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong

Kaagad na siyang tumayo mula sa kinauupuan at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng taong nakadapa sa batuhan bago pa man tuluyang magbago ang kanyang isip

Pero ilang sandali na siyang nakatayo doon sa harapan niyo ngunit hindi pa din niya alam ang kanyang gagawin, naandoon pa din ang pag aalinlangan sa kanyang dibdib, hanggang sa makadinig siya ng isang mahinang pag ungol mula sa nakadapang lalake

"Hhhmmmm,"ungol nito na tila nananaginip

Kaya napangito na lamang siya ng matiyak niyang buhay pa nga ito, huminga muna siya ng malalim bago iyon tuluyang lapitan, pero ganoon nalang ang kanyang pagkagulat ng tuluyang masilayan ang mukha ng lalaking walang malay, kasabay ng pagtutop sa sariling bibig ay kasabay naman niyon ang pag uunahang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata

"Isang himala ang nangyari, Inay,"ani ni Kayla na nagpaputol sa pag alala ni Aling Cita mula sa nakaraan,"Isang himala Inay, dahil ibinalik niyang muli sa akin si Lito, upang maibsan ang aking pangungulila,"mahinang saad nito na patuloy lang sa pagdaloy ang mga luha

"Walang himala, Kayla,"naiiling na saad nito,"Matagap ng walang himala, matagal ng wala si Lito, maaaring ang pagaulpot ng lalaking iyan sa ating Baryo ay may malalim na dahilan, hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka siya na ang matagal na nating hinihintau na taga pagligats? Ang taong aayos sa balanse ng ating Bayan,"mahabang litanya ng matanda sa kanya

Tila naman napipilan si Kayla sa kanyang nga nadinig mula sa kanyang Inay Cita bago muling sumulyap kay Jude

"Tara sa labas, Inay,"yaya niya sa inay niya bago tuluyang lumabas sa silid nila, dahil tumitindi na ang kanilang mga pagtatalo at napapalakas na din ang kanilang mga tinig

Natatakot siyang madinig iyon ng lalake kahit na alam niyang wala pa din iyong malay, pero ayaw niyang sumugal at muling iwanan siya nito at baka nga bigla itong magkamalay at madinig pa ang kanilang pinag uusapan at iyon ang lubhang ikinatatakot na mangyari ni Kayla

Ayaw na niyang mapag isang muli, ayaw na niyang matulog na tanging ang kasama ay ang alaala ng kanyang namayapang asawa, ayawna niyang magising na siya lang mag isa, maghahanda ng makakain at kakaing mag isa at iyon ang lubos niyang ikinatatakot

Pero ang kinatatakutan pala ni Kayla na mangyari au mangyayari na, ang malaman lahat ni Jude ang katotohanan

Dahil hindi alam ng mag ina na nagkamalay na ang binata dahil sa ingay na nilikha nilang pagtatalo

Nang madinig ng binata ang pagsara ng pintuan ng silid ay doon na siya tuluyang nagmulat ng mata








Itutuloy

Ano na kaya ang mangyayari sa pagitan nina Kayla at Jude?

Susumbatan kaya niya ang babae dahil sa paglilihim nito sa kanya?

Ano ang nag aabang kay Jude sa mga susunod na araw?

Abangan....

Please leave a Comment and reaction

And dont forget to Vote and follow me

Thank you

•••••akiralei28

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon