Chapter 32

521 30 2
                                    


°°°°Chapter 32°°°°

•••Third Person's POV•••

Ang Baryo San Gabriel ay nagmistulang Ghost Town, dahil inabando na ito ng mga taga Baryo, wala kang makikita kahit na isang tao, araw na iyon ng Huwebes, na dapat ay may nagpapasyon sa simbahan pero wala kang madidinig

Halos lahat ng bahay ay saradong sarado, walang mababakas na may tao sa loob, walang madidinig na mga pag galaw,

Halos alas singko na ng hapon, napakatahimik ng buong paligid, halos sila lang ang maingay sa bahay nila Lucas ng mga sandaling iyon, nagbibiruan at nag aasaran habang tahimik lang sina Lolo Rene at Vleane na nagkakatinginan

"Napakainit at napaka maalinsangan naman,"angal ni Jane na sumilip sa bintana,"Puro alikabok ang nasa labas, halos wala na yata tayong kapitbahay na naiwan eh,"

"Mayroon yan,"ani niya,"Nagtatago at naghahanda lang sila para sa mga darating na aswang mamayang gabi,"

"Kumain na tayo,"yaya ni Calvin,"Para may lakas tayo mamaya,"

"Mauna na kayo,"ani ni Lolo Rene,"Magbabantay muna kami ni Vleane dito,"

"Sige po,"ani ng mga kasama nila, kaya naman nagtayuan na ang mga iyon, tanging silang dalawa nalang ang naiwan doon

"Apo, ikaw na ang bahala sa kanila, lalo na sa apo kong si Lucas,"ani nito ng mawala na ang mga kasama nila at nagtungo na sa kusina,"Alam ko may mangyayaring hindi natin inaasahan,"

"Lo, huwag po kayong magsalita ng ganyan,"ani niya,"Makakaligtas po tayong lahat,"

Umiling iling lang ito bago may iniabot sa kanya na isang kahon na kulay pula

"Diyan mo malalaman kung sino ang huklubang iyon at si Rigor sa buhay ninyo,"ani nito,"Saka muna buksan iyan kung tapos na ang laban natin,"

Napatango nalang siya bago inilagay iyon sa loob ng kanyang bag, hindi na siya kumibo dahil pumikit si Lolo Rene,

"Vleane,"tawag aa kanya, akma na sana siyang tatayo para iwanan ito,

"Ano po iyon?,"takang tanong niya dito

"Kailangan mong makuha ang ginintuang krus o ang mutya ng Santo Kristo,"

"Po? Saan ko po makukuha iyon?,"takang tanong niya sa matanda

"Sa simbahan, ang lumang simbahan ng San Gabriel,"

Napakunoot noo naman siya dahil sa sinabi nito sa kanya, wala naman siyang nakitang gintong krus sa simabahan simula ng manirahan at manilbihan siya doon bilang Madre

"Ang lumang simbahan ng San Gabriel noong kapanahunan namin,"ani nito ng hindi siya tumugon,"Kailangan mo maglakabay at bumalik sa paanahon kung kailan tauhan pa nila Corazon si Emir at noong bata pa kami ng iyong Lolo,"

"Pero paano po?,"takang tanong niya

"Ang iyong gabay ang magbubukas ng isang lagusan papunta sa nakaraan, kailangan niyong makapunta doon para iligtas ang nakaraan para patayin ang mga aswang na muling nabuhay dahil kay Emir,"

"Nasira po?,"

"Oo, hindi niyo matatalo si Emir kung wala ang gintong krus, kahit na ikaw ang nakatakdang papatay sa kanya, kailangan mo din mapatay si Ronelio,"

"Ano po ang kaugnayan niya kay Emir?,"tanong niya sa kausap

"So Ronelio ay ang bagong Emir sa henerasyon ninyo, kaya kapag nagsanib pwersa silang dalawa ay nanganganib ang sangkatauhan, mas makapangyarihan sila kapag naginh isa sila,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon