A/N:
Hello po,
So ayan after 2 months nakapag update din po sa wakas🤣🤣🤣✌✌✌
Merry Christmas and Happy New Year po sa ating lahat
Salamat po sa mga nag aantay at nangungulit po sa akin
Sana naman po ay ayos kayong lahat at wala pong naputukan at nawalan ng isang bahagi ng katawan✌✌✌✌🤪🤪🤪
Have a Blessed Year po sa ating lahat🙏🙏🙏🙏
°°°°Chapter 61°°°°
Sa kinaroroonan ni Vleane
"Aray ang sakit,"daing niya ng bigla na lamang siyang bumagsak sa damuhan, sapo ang kanyang balakang na unang bumagsak,
Nahulog siya mula sa itaas ng puno kung saan siya lumitaw mula sa lagusan na kanyang nilabasan, napapangiwi siya habang dahan dahan na tumatayo,
Inilibot niya ang paningin sa paligid, nasa may daanan siya kung saan madawag ang nagtatasang damo at mga talahib
Napakunot ang noo niya ng may madinig na pag ungol mula sa di kalayuan at pag igik na tila nasasaktan, dahan dahan siyang naglakad para silipin ang pinanggagalingan ng ungol
Hinawi niya ang talahib na nasa harapan niya, ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata, ng makita niya ang isang Madre na nilalantakan ng isang aswang
"Gabunan,"bulalas niya, dahil ang ganoong uri ng aswang ang may lakas ng loob na sumugod kahit na may sikat ng araw at sa katanghaliang tapat
Isang uri at malakas na aswang, na kinatatakutan ng mga panahong iyon at wala ang may lakas ng loob na labanan ang ganito at kalakas na uri ng aswang
Hinugot niya ang gintong punyal sa kanyang bewang na ipinagpasalamat naman niya na hindi iyon nawala ng mahulog siya sa isang puno, kaagad siyang naglakad papalapit sa gabunan na abala naman sa paglantak sa tiyan ng kawawang Madre
Kaagad niya iyong sinaksak sa likuran ng makalapit siya dito, umungol ng malakas ang gabunan bago siya hinarap
Nagpambuno silang dalawa ng aswang, hindi niya hahayaang mabuhay pa ito at makalayo sa kanya, hinugot niya mula sa suot niyang boots ang isa pang punyal bago isinaksak ng may pwersa sa lewg nito
Napaalis iyon mula sa pagkakadagan sa kanya, kaya kaagad siyang bumangon pero napangiwi siya ng maramdaman ang kirot sa kanyang kanang braso, nasugatan siya ng aswang,
Tiniis niya iyon ay kaagad na bumangon, kinuha ang punyal na nahulog sa tabi niya bago nilapitan ang gabunan na pilit na inaalis ang punyal na nakasaksak sa leeg nito
Napangisi siya ng makalapit dito, sinipa niya ito sa dibdib kaya natumba iyon ng patihaya,
"Nanghihina kana?,"pang uuyam niya,"Bagong gabunan ka diba? Kaya ang nasa isip mo ay ang makakain at makahanap ng biktima, wala sa isip mo ang makipaglaban ng maayos, pasensyahan tayo ako ang nakakiya sayo, kaya magpaalam kana!," gigil niyang sabi bago malakas na isinaksak sa tapat ng puso nito ang punyal niya
Hinugot pa ang isa na nakatarak sa leeg nito bago itinarak ulit sa puso nito, bumulwak ang dugo sa bibig ng aswang, nangisay ngisay iyon habang habol ang hininga nito
Umuungol iyon at umaangil bago pa nawalan iyon ng buhay ay napaalulong pa iyon ng isang makapanindig balahibo, kaya alam niya na umabot iyon sa mga kalahi at pamilya nito
Kaagad niyang hinugot ang dalawang punyal bago pinunas sa damit na suot ng gabunan
Nilapitan niya ang kawawang Madre na wala ng buhay, napabuga nalang siya ng hininga bago dinampot ang bag nito na nasa di kalayuan sa pwesto nito, napapailing nalang siya sa sinapit nito
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
УжасыAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...