°°°°Chapter 16°°°°•••Vleane's POV•••
Nagpasya kaming dumito muna ng ilang araw sa Baryo Concepcion habang wala pa ang Biyernes Santo para mabantayan sila at matulungan, hindi pa din kasi namin napupuksa ang lahat ng aswang, may mga nakatakas at may dalawang pang Sitio na hindi namin napupuntahan
Napakaganda ng lugar na ito para lang sirain at pamahayan ng mga aswang, kahit na simple lang ang pamumuhay ng mga taga rito ay halatang kontento na sila sa kanilang pamumuhay
Sariwa ang hangin at napaka luntian ng kanilang kapaligiran, kaya hindi ko ito hahayaan na pamuhayan at pamugaran nalang ng nga kampon ng kadiliman
Nagpasya akong pumunta sa kagubatan, sa likurang bahagi ng bahay nila Tatay Natoy, kasama ko si Angela dahil hindi talaga ito magpapahuli sa lakaran namin kaya heto naglalakad kami papasok sa loob ng kagubatan
Habang ang mga kasama naman namin ay naghahanda ng aming pananghalian kasama ang mag asawa na nakapalagayan na nila ng loob, dahil talaga namang mababait ang mga iyon at magiliw sa amin
"Wow ang ganda,"bulalas ni Angela, nakahinto kami dito sa mataas na bahagi at ang nasa ibaba naman namin ay isang malinis na talon,"Maligo kaya tayo?,"
"Saka na,"tugon ko habang hindi inaalis ang tingin sa napakalinis na tubig ng talon, hindi ako makapaniwala na hanggang sa ngayon ay may ganito pang kalinis at kalinaw na talon
"Lunes Santo na pala ngayon,"ani ni Angela sa akin,"Hindi man lang tayo nakabili ng palaspas para pangtaboy sa mga aswang,"
"Oo nga eh,"tugon ko,"Ano kaya ang mangyayari sa atin sa Biyernes Santo? Buhay pa kaya tayo?,"
"Hala grabe ka naman,"ani niya sa akin sabay hampas sa braso ko,"Oo naman,"
Kaya napangiti nalang ako sa kanya, kahit kailan talaga mapanakit iyong kaibigan ko,
Balik tayo dito sa ilog, napakalinaw talaga at napakalinis, baka may nag aalaga ditong mga engkanto o kung anumang mga nilalang na nakatira dito kaya napapanatili nila na ganito ito kaganda at kalinis
Kailangan ko ng mahanap ang mga kuta ng mga aswang na nakalaban namin kagabi sa lalong madaling panahon, para matapos na itong mga kaguluhan dito sa Baryo
Kanina pa ako hindi mapalagay, alam kong may mga nagmamasid sa amin kanina pa ni Angela
Simula ng makarating kami dito sa may talon at namahinga ay nakasunod na siya, kailangan ko siyang mahuli at malaman kung sino siya
"Tara na,"yaya ko kay Angela, kailangan na mahuli ko ang taong iyon,"Mag ikot ikot pa tayo baka sakali mahanap natin ang kuta ng mga aswang na nakalaban natin kagabi,"
"Sige,"pagsang ayon sa akin ni Angela at tumayo na nga ito,"Vleane..,"
"Oo alam ko,"nagkatinginan pang kami at nag usap ang mga mata namin bago kami nagtanguan, alam kong kanina pa din niya nararamdaman ang mga tinging iyon sa amin,"Nasa malapit lang siya,"
"Sige,"at nagpatiuna na itong maglakad sa akin, nagkukwentuhan kami na para bang walang pakialam pero nakikiramdam lamg kami, para hindi makahalata at maalarma ang sinumang sumusunod sa aming dalawa
Alam kong nasa gilid lang namin iyon, nagtatago sa isang malaking puno, nakasuot siya ng pulang jacket na may hoodie, may takip ang mukha kaya hindi ko malaman kung babae ba siya o lalake, dahil nakakubli din sa malaking katawan ng puno ang buong katawan nito
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HororAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...