Chapter 49

497 27 2
                                    


°°°°Chapter 49°°°°

Nakaupo na naman si Jude sa may burol at nakatanaw sa malayo, pilit inaalala ang nakaraan na nakatago sa kabilang bahagi ng kanyang utak

"Sino kayo na laging laman ng mga panaginip ko?," paulit ulit niyang tanong sa kanyang sarili

Napapikit nalang siya ng maramdaman ang malamig na hangin na dumadampi sa kanyang mukha at balat, pero pakiramdam niya ay tila manhid na siya, dahil sa lalim ng kanyang iniisip ay wala siyang kamalay malay na may nakaambang panganib sa kanya

Isang nilalang ang nakatitig sa kanya sa di kalayuan, naghihintay lang iyon ng tamang pagkakataon para malapitan siya at maisagawa ang maitim nitong binabalak

Napangiti na lamang ito habang nakatingin sa papalubog na araw, kakaunting oras nalang ang hinihintay nito para maisagawa ang plano sa walang kamalay malay na binata, tumutulo pa ang laway nito, habang iniisip kung ano ang gagawin nito sa binata na hanggang ngayon ay nasa malalim pa ding pag iisip

Iniisip nito na isang masarap n putahe ang binata na nakahain sa harapan nito, kaya halos tuloy tuloy na tumulo ang malapot nitong laway mula sa nakaawang na bibig

Habang si Jude naman ay nakaramdam ng kakaiba sa kanyang paligid, nagpalinga linga siya sa kanyang paligid pero wala soyang namataan na kakaiba o kahit na isang tao na nagmamasid sa kanya, napakunot noo siyang napatingin sa isang puno na isinasayaw ng hangin ang mga dahon niyon

Napakurap lamang siya at naputol ang pagtitig niya sa puno ng may tumawag sa kanya, napalingon siya sa isang babaing tumatawag sa kanya,

"Lito! Lito!,"tawag sa kanya ng isang babaing maganda na nagngangalang Kayla, kaagad siyang tumayo, naglakad para salubungin iyon at hindi na mayuloy sa pag akyat sa burol

Habol ang hininga nito ng makalapit na sa kanya, mababakas sa maganda nitong mukha ang labis na pag aalala, katulad ng mga nakaraang araw at tuwing mawawala siya sa paligid at paningin nito

'Ano kaya ang itinatagong lihim ng maganda mong mukha, Kayla?,' tanong niya sa kanyang utak, pwro ilang sandali pa ay napatigil siya sa kanyang iniisip, napapailing na lamang siya sa kung ano ano ang pumapasok sa kanyang utak

"Bakit Lito?,"tanong nito sa kanya dahil sa hindi siya kumibo ng makalapiy dito

"Ha? Wala,"ani niya sabay ngiti,"Halika na at umuwi na tayo ng bahay,"pagyaya niya sabay hawak s abraso nito para igiya paalis sa lugar na iyon

Matamis niyang nginitian ang magandang babae na ang pagpapakilala nito ay kanyang asawa, ginantihan naman siya ng mas matamis na ngiti nito, sabay pulupot ng braso nito sa braso ng binata

Habang naglalakad sila ay hindi maiwasan ni Jude ang magpalinga linga sa kanilang dinadaanan, hindi pa din kasi maalis sa kanya ang kakaibang pakiramdam na tila ba ay may nagmamasid sa kanyang mga kilos

Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakarating na sila sa pusod ng kagubatan kung saan sila nakatirang mag asawa ay kaagad na naghanda ng kanilang hapunan si Kayla, kagaya ng mga nakaraang araw ay aligaga ito sa mga kilos nito

Ayaw din nito na nagkikilos siya sa loob ng bahay, dahil ang gusto ni Kayla ay lagi siyang magpahinga na siyang ikinaiinip niya, para din siyang Hari kung pagsilbihan nito, ang laging idinadahilan nito ay ang kinasangkutan niyang aksidente, na di umano ay nakasama siya sa iilang mga nakaligtas sa pag atake ng mga tulisan noon

Marahil ang pagkakabagok ng kanyang ulo ang siyang naging dahilan kung bakit wala siyang maalala

Mabuti nalang ay matiyaga si Kayla sa pagkukwento sa kanya ng naging buhay niya bago ang trahedya, pero sa kabila ng pag aalagang ginagawa ng babae sa kanya ay pakiwari niya ay may mali sa mga ginagawa at sinasabi nito sa kanya, naroon ang mabigat na pakiramdam, na tila mayroon itong itinatago sa kanya

Napapikit siya ng nakaramdam siya ng biglang pagkirot ng kanyang sintido, hindi niya alam na nalingunan siya ng asawa na hawak ang kanyang ulo habang nakapikit at nakangiwi, kaya may pag aalalang lumapit ito sa kanya

"Ayos ka lang ba, Mahal?,"malambing niyong tanong sa kanya, tumango lamang siya dito bilang tugon,"Ilang beses ko ng sinabi sayo na tigilan muna ang kakapunta sa burol na iyon, makakasama sayo ang lagi mong paroroon, hindi mo ba alam? Marami ang nagsasabi na ang lugar na iyon ay isinumpa, kaya pansin mo ba na walang ibang nagpupunta doon maliban sayo,"mahabang litanya nito sa kanya na may kasamang panenermon

Hindi pa din umiimik si Jude, nakatitig lamang siya sa kanyang kaharap, dahil tila may nabubuo na namang imahe sa kanyang isip ng mga sandaling iyon

"Mahal,"untag nito sa kanya, nagulat pa siya ng biglang hawakan ni Kayla ang kanyang braso,"Tara sa ating silid,"inalalayan siya nitong tumayo at dinala sa kanilang silid

Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod nalang sa kanyang asawa, nahiga siya matapos siyang dalhin doon ng asawa, iniwanan siya nito para maghanda ng kanilang makakain







Ilang sandali pa ang nakaraan, hindi man lang siya gumagalaw sa kanyang kinahihigaan, nakatitig lang siya sa kawalan na tila ba tagos tagusan

Nakatulala siya at hindi na niya namalayang nakabalik na pala si Kayla sa kanilang silid

"Mahal,"untag nito sa kanya kaya napalingon nalamg siya dito, nakita niyang may dala iyong isang baso,"Heto inumin mo muna,"ani pa nito, kaya napabangon siya at naupo

Iyon ang laging ipinapainom sa kanya ni Kayla sa tuwing sumasakit ang kanyang ulo, habang siya naman ay walang pagda dalawang isip na iniinom ang bagay na iyon

"Inumin mo muna ito para bumuti ang iyong pakiramdam,"ulit pa nito sa kanya, kaagad naman niya iyong tinanggap at walang salitang uminom ng kaunti mula sa baso

Hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin ang makahulugang ngiti na sumilay sa labi ng babae

"Tatawagin nalang kita maya maya para sa ating hapunan,"ani nito bago tumayo at tumalikod

Nang nakita ni Jude na tumalikod na si Kayla ay agad niyang iniluwa ang ininom niya kanina pabalik sa baso, matapos iyon ay palihim din niyang itinapon ang laman ng baso sa ilalim ng kanilang papag

Napayuko soya at sinapo ang mukha, kanina habang nakapikit siya ay may nakita siya sa kanyang balintataw, unti unting bumabalik ang kanyang alaala, pero hindi pa siya nakakatiyak, kaya hindi niya ininom ang ibinigay sa kanya ni Kayla, dahil sa pagkakataong iyon ay gusto niyang sundin ang kanyang kutob

Samantala sa labas ng kanilang silid ay nakangisi si Kayla habang inihahanda ang kanilang hapunan, isang plano ang binubuo nito sa kaisipan para kay Jude ng mga sandaling iyon

"Mahal, kakain na,"tawag nito sa kanya,"Para makapagpahinga kana din,"sabay bumungad iyon sa kanilang silid

Kaya naman napabangon kaagad si Jude na hindi pa din umiimik at tahimik lang na sumunod sa kanyang asawa na patungo sa kanilang kusina

Tahimik nilang pinagsaluhan ang masarap na hapunan na inihanda ni Kayla para sa kanya







Itutuloy

Ano ang nangyari kay Jude?

Paano siya nawalan ng alaala?

Mababalik pa ba ang alaalang nawala? Kahit na may mga nakikita siya sa kanyang balintataw?

Abangan....

Please leave a Comment and reaction

And dont forget to Vote and follow me

Thank you

•••••akiralei28

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon