°°°°Chapter 33°°°°Nasa madilim na bahagi iyon nakapwesto at hindi kaagad mapapansin ng sinuman, ito ay walang iba kundi si Emir na tahimik lang na nagmamasid sa mga kaganapan at sa mga ginagawa ng kanyang mga alagad na aswang
Ilang sandali pa nga ang lumipas, ang mga inaasahang pagsigaw ng mga tao na madidinig sa buong paligid ay hindi nangyari, taliwas sa inaasahan ng mga aswang lalo na si Emir, kaya napakunot noo siyang lumabas mula sa pinagtataguan kasunod ang alaga nitong sigbin,
"Mukhang naisahan tayo ng mga taga Baryo,"ani ng signin sa kanya na ikinainis ni Emir, kaya nanlilisik niyang binalingan ng tingin ang alaga at sinakal iyon dahil sa nadinig nito
"Naisahan tayo ng mga mortal?!,"galit na sigaw nito sa alaga, na halos mawalan na ng hininga dahil sa higpit ng pagkakasakal nito, tumango lang iyon kaya lalo siyang nagpupuyos sa galit, bumaon ang kanyang mga kuko sa leeg nito hanggang sa mawalan na iyon ng hininga
Nang maramdaman ni Emir na wala ng buhay ang kanyang alaga ay pahagis niya iyong binitawan
Patakbo niyang nilapitan ang mga aswang na nanggaling sa loob ng mga kabahay, bawat isa ay walang nakuhang biktima at walang tao halos lahay ng bahay na sinira at pinasok ng mga ito
Nang makalapit na si Emir sa mga aswang ay bahagya pang napaatras ang mga iyon, mababanaag sa nakakatakot nilang itsura ang takot na nararamdaman nila kay Emir dahil alam nilang malupet na pinuno ito
"ANONG NANGYARI? BAKIT WALANG MGA TAO?!,"sunod sunod na tanong niya na halos ikaiktad ng mga alagad niya, na gamit ang boses niyang nakakatakoy na tila nagmula pa sa kailaliman ng lupa
"Hindi po namin alam, Mahal na Pinuno,"tugon ng isang asbo gamit ang mahina at takot na boses nito, nakayuko lamang ito at hindi makatingin ng diretso sa kaharap, na kulang na lamang ay sumayad na sa lupa ang mukha nito dahil sa matinding pagkakayuko
Isang nakakapangilabot na pag angil ang tanging tugon na pinakawalan ni Emir at dahil sa ginawang iyon nito ay napatigil at napaatras naman ang lahat ng aswang na nasa harapan nito, nakaramdam sipa ng matinding takot sa kanilang Pinuno
Natuon ang lahat ng paningin nila sa kanilang Pinuno, mababakas sa mukha ni Emir ang kabagsikan at matinding galit na nararamdaman ng mga sandaling iyon,kaya napayuko na lamang silang lahat dahil sa takot na sipa ang pagbalingan ng galit na nararamdaman nito ng mga sandaling iyon
Hindi din nila maipaliwanag kung bakit walang mga tao doon at hindi din nila alam kung saan nagpunta ang mga nakatira sa paanan ng bundok ng San Gabriel
"Sa unahan mau nga kabahayan pa,"ani ng isang manananggal,"Baka nandoon silang lahat, Mahal na Pinuno,"
Tinignan lang iyon ni Emir gamit ang mapupula at nanlilisik nitong mga mata kaya biglang napaatras ng lipad ang manananggal dahil sa takot na siya na ang sunod na patayin nito
"MAGHANDA NA KAYO PARA SA PAGLUSOB SA PINAKA BARYO NG SAN GABRIEL!!,"utos nito sa mga alagad na kaagad naman na nagsipagyukuan bilang tanda ng pag galang nila kay Emir,"WALA KAYONG ITITIRANG BUHAY SA KANILA! PATI SA SIMBAHAN AY LUSUBIN NINYO! PATAYIN NIYO SILANG LAHAT!!!,"utos nito na kaagad naman na sumang ayon ang mga alaga nito
Kaya nagsipaghanda na sila sa paglusob sa pinaka bayan ng San Gabriel
Napasunod nalang si Emir sa mga alagad niyang tumakbo papunta sa kabilang panig ng Baryo
•
•
•
•
•
•
•
•Samantala sa pwesto nila Vleane,
Hindi naman nakaligtas sa kanilang pandinig ang malakas na pagsigaw at pag angil ni Emir kahit na may kalayuan ang kanilang bahay, nasa kabilang panig sila ng San Gabriel

BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...