°°°°°Chapter 55°°°°°
Napabalikwas ng bangon si Lucas habang sapo sapo ang kanyang dibdib at hinahabol ang hininga
Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid, nakita niya na nasa isang kubo siya, kung saan gawa iyon sa palapa ng niyog, sinuri din niya ang kanyang kinahihigaan, gawa iyon sa mga tuyong dahon ng niyog, pati na ang bahay na para bang mabilisang gunawa para lang may masilungan siya at may mahigaan
Pansin din niya ang mga tuyong dahon na nakatapal sa kanyang katawan, pinilit niyang tumayo para makalabas ng nasabing kubo pero bigla nalang din siyang napahiga dahil sa naramdamang matinding pagkirot sa kanyang mga sugat, napamura pa siya habang nakapikit
Nanginginig din ang kanyang mga tuhod, alam niyang dala iyon ng pagod at nararamdamang gutom, napatingin siya sa labas ng medyo mawala na ang nararamdamang kirot sa mga sugat niya, nakita niyang madilim pa din at walang pinagbago, napansin niyang wala na din ang buwang tumatanglaw sa kadiliman
Pumikit muna siya at inalala ang huling sandali bago siya tuluyang nawalang ng malay tao, pero ang nakangiting mukha lamang ni Mishka ang kanyang naaalala
"Mishka! Mishka, nasaan kana?,"tawag niya sa gabay ni Vleane gamit ang kanyang isipan
Makailang ulit niya iyong tinawag pero hindi ito tumutugon o nagpakita sa kanya, bumaha sa kanyang dibdib ang pag aalala dito kahit na isa itong makapangyarihang engkantada, nakaramdam din siya ng takot na baka napahamak na din ito habang wala siyang malay
Biglang tumulo ang kanyang mga luha sa mata, bumangon siya at naupo, napayuko na lamang siya habang walang tigil sa pagtulo ang kanyang mga luha, hindi niya malaman kung bakit ganoong emosyon na lamang ang umaalipin sa kanya ng mga sandaling iyon
Bigla siyang napatingin sa labas ng kubo ng makadinig siya ng mga yabag na tila paparating at patungo iyon sa kanyang kinaroroonan,kaagad niyang kinuha ang kanyang sandata na malapit sa kanyang kinauupuan
Ilang sandali pa ay pareho silang nagulat ni Mishka ng magkatitigan sila at nagkakitaan sa loob, ngayon lang nakita ni Lucas ang totoong kaanyuan ng engkantadang gabay ni Vleane, dahil unang kita niya dito ay isang bata, pero ngayon ay halos hindi iyon nalalayo sa kanilang edad
Napakaganda nito lalo pa ng bigla iyong ngumiti sa kanya, iniabot nito ang hawak na mga prutas, ngayon lang niya napansin iyon dahil napatulala na siya sa mukha nito
"Mabuti naman at gising kana,"ani nito sa kanya, sabay lapag sa harapan niya ang mga prutas ng hindi niya iyon inabot,"Hayan kumain kana muna para manumbalik ang iyong lakas,"sabi pa nito
"Ha? Papaanong nakikita na kita ngayon?,"nagtataka niyang tanong dito
"Sa mundong ito, ang lahat ay imposible, saka bakita ka nagtataka? Dati naman au nakikita muna talaga ako, kahit sa kaanyuan ko bilang isang bata,"paliwanag pa nito
"Ano ba ang nangyari?,"pagtatanong niya, siya na mismo ang nag iba ng kanilang usapan
"Noong nawalan ka na ng malay, naging mas mabagsik si Urako,"umpisa nito,"Bago kapa nila malapitan at mapatay ng tuluyan ay nagawa na kitang mailayo sa kanila,"dagdag pa nito,
"Salamat sayo, Mishka,"ani niya sa kaharap
"Kailangan mo ng magmadali, Lucas,"ani nito sa kanya,"Nauubos na ang oras natin, kapag nangyari iyon ay tuluyan na tayong makukulong sa mundong ito na nasa pagitan ng mundo ng mga mortal at mundo ng mga engkanto,"
"Ha? Bakit anong mangyayari?,"takang tanong niya dito
"Habang buhay na tayo ditong maninirahan sa mundo ng kadiliman,"litanya nito na bakas sa mukha ang pag aalala,"At madadamay din ang lahat ng mga kaibigan mo na naatasan sa misyon lalo na si Vleane,"
Hindi na nakapagsalita si Lucas, nakaawang nalang ang kanyang bibig habang nakatitig sa kaharap, binalot na din siya ng takot na makulong siya sa mundong iyon pati na ang kanyang dalawang pinsan, si Brent, lalong lalo na si Vleane, sa mga misyon ng mga iyon
Kaya wala ng inaksya ng panahon sina Lucas at Mishka, muli nilang hinarap ang pinakamatindi nilang kalaban sa mundong iyon, kaagad silang lumabas sa kubo matapos makakain ng maayos si Lucas, nakapaghanda na din iyon para sa matinding labanan na magaganap
Pareho pa silang napatingala sa higanteng orasan na nasa kalangitan, nakita nila ang gintong buhangin sa pinakaitaas ng orasan, kakaunti na lamang ang natitira doon
"Oras na maubos iyan,"ani ni Mishka,"Tuluyan na tayong makukulong dito,"
"Hindi ako papayag,"matigas na pahayag niya bago naglakad papunta sa kinatatayuan ni Urako
Nakangisi iyon sa kanyan at tila nababasa nito ang kanyang iniisip bago sumulyap sa malaking orasang buhangin sa parte ng madilim kalangitan
"HINDI NA KAYO MAKAKALABAS PA RITO! IYAN AMG TITIYAKIN KP SA INYO, AHAHAHAHA," wika ni Urako sa kanila, habang matalim na tinitigan ang dalawa
Pumorma at inihanda ang kanilang sarili para sa huling laban na magaganap, nagkatinginan pa muna silang dalawa ni Mishka bago nagkatanguan bago sabay na sumalakay sa kalaban, umangil naman ng malakas si Urako ang kalahating Asbo at kalahating Gabunan na aswang, na halos nagpayanig sa buong kalaupaan ang malakas na pag angil nito
"Muling sasanib ako sayo,"paalam ni Mishka,"Para maging isa na tayo at magamit mo ng mabuti ang aking kakayahan at kapangyarihan,"
"Sige, salamat,"tugon niya na sa isang iglap lang ay nawala na si Mishka sa kanyang tabi, napapikit na lamang si Lucas ng maramdaman ang kakaibang pwersa na dumagdag sa kanya
Naramdaman niyang lumakas ang kanyang katawan, naglaho ang mga sugat na natamo niya, pakiramdam niya ay may kakayahan at kapangyarihan na siya ng mga sandaling iyon dahil sa pagsanib ni Mishka sa kanyang katawan
Ngayon nararamdaman na niya ang paglakas ng kanyang katawan at handa na siya harapin si Urako sa anumang oras at sa aabot ng kanyang makakaya
Hindi siya papayag na manatili doom at makulong kasama ng kanyang mga kaibigan na nasa ibat ibang panig ng mundo kung saan may kanya kanya ding mga misyon na kinahaharap
•
•
•
•
•
•
•
•Itutuloy
Kakayanin kaya ni Lucas ang pinunong aswang na si Urako?
Magagawa pa ba nilang makaalis sa madilim na mundong iyon?
O hanggang doon na lamg ang buhay nila?
Abangan.....
Please leave a Comment and reaction
And dont forget to Vote and follow me
Thank you
•••••akiralei28
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...