°°°°Chapter 17°°°°
•••Third Person's POV•••
Doon muna sila pansamantala tumuloy sa bahay ng nag asawa habang hindi pa nila nauubos ang mga aswang sa nasabing Baryo at Sitio
Nang maalala naman ni Vleane ang tungkol sa binatang nakita ay kaagad naman niya itong itinanong sa mag asawa
"Tay, may kilala po ba kayong Eugene?,"tanong niya habang nagkakape sila ng hapong iyon sa lilim ng punong mangga
Napakunot naman si Lucas at nagsipagtawanan ang mga kasama nito dahil halatang nagseselos iyon, dahil noon lang nito nadinig na may binanggit siyang pangalan ng isang lalake sa harapan nito
Halata naman ang gulat sa mukha ni Tatay Natoy ng mabanggit niya ang pangalan ng binata
"Nakaharap po namin siya sa kagubatan kaninang umaga,"paliwanag ni Angela,"Nakalaban pa nga po siya ni Vleane,"
"Naririto na pala siya sa Baryo,"sambit ni Tatay Natoy sa kanila matapos malaman kung saan nila nakita ang binata
"Ah sino po ba siya?,"tanong niya,"At ano po ang nalalaman niyo sa kanya?,"sunod sunod n la tanong niya,
Napabugtong hininga naman ang matanda na para bang inihahanda ang sarili para magkwento sa kanilang pito
"Si Eugene ay sa Bayan nakatira, bibihira lamang siyang umuwi dito. Doon na ksi siya nakapag aral at nakapaghanap ng trabaho,"paliwanag nito,"Naiwan lang na nakatira dito ay ang kanyang ama, ang kanyang madrasta at ang kapatid niya sa ama. Ang pamilya niya ang kauna unahang naging biktima ng mga aswang. Noong una ay walang gustong maniwala sa kanya na mga aswang ang pumaslang sa pamilya niya,"
"Marami po kasi ang hindi naniniwala sa mga aswang, Tay Natoy,"ani niya sabay tingin kay Lucas, na ikinakamot naman ng batok ng binata,"Lalo na po ang mga laki sa Siyudad,"
"Alam namin,"pagsang ayon nito,"Pero dahil sa sunod sunod na pag atakeng iyon, doon na naniwala ang mga taga rito hanggang sa sinakop na nga nila ang buong Baryo,"
"Pero nagbalik po siya,"ani ni Angela,"Pero bakit po?,"
"Sa pagkakaalala ko ay tinutugis niya ang mga aswang na pumatay sa pamilya niya. Halos isang buwan na din siyang hindi nagpapakita sa Baryo. Maliban nalang kanina na nakaharap niyo siya,"mahabang paliwanag nito sa kanila
"Hindi niyo po ba alam kung saan siya naglalagi ngayon, Tay?,"tanong ni Angela habang nakikinig lang ang mga kasama nila
"Hindi ako nakakasigurado,"tugon nito sa tanong ni Angela,"Pero baka umuuwi pa din aiya sa bahay ng kanyang pamilya. Wala naman siyang ibang uuwian kung naririto nga siya ngayon sa Baryo."
Matapos nilang makapag usap ay naghanda na sila ng kanilang hapunan dahil malapit na din na gumabi at hindi nila alam kung sasalakay ang mga aswang sa Baryo, kaya kailangan nilang maging handa
•
•
•
•
•
•
•
•Kinagabihan nga
Ang tatlong binata ang nagbantay sa labas ng bahay ng mag asawa habang silang apat naman ay tinungo ang bahay ng binatang si Eugene
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...