Chapter 08

628 28 1
                                    


°°°°Chapter 08°°°°

Halos kalahating dangkal nalang ang layo ng dulo ng punyal sa dibdib ni Corazon ng matigilan at mabitiwan iyon ni Emir

Nahulog sa lupa ang punyal nito kaya pagalit siyang tumingin sa bukana ng kweba kung saan niya ginagawa ang ritwal ng pag aalay, nagagalit siya sa taong pumana ng kamay niya kung saan tumagos iyon hanggang sa kabilang pulsuhan niya

Sumingasing sa galit si Emir dahil naudlot ang ginagawa niyang pag aalay, buhay nalang nina Corazon at ng anak nila sa sinapupunan nito ang kulang ay mapapasa kanya na ang kapangyarihan na kanyang hinahangad

Nakita niya ang isang lalake sa bungad ng kweba, nakaamba ang pana nitp sa kanya kaya lalo lang siyang nagalit, wala na soyang pakialam na pinaghiwalang ang dalawang pulsuhan na nakadikit ng dahil sa bala ng pana, hindi na niya ininda ang sakiy dahil wala na siyang nararamdaman,

Naging manhid na siya simula ng mamatay ang kanyang pamilya, tanging poot at galit nalang ang natitira sa kanyang puso

Nakilala niya ang lalaking pumana sa kanya, pero hindi niya matandaan kung saan at kailan niya ito huling nakita

Habang hinahagilap ni Emir sa kanyang kaisipan kung sino nga ang lalaking iyon ay nadinig na niya ang pagsigaw ni Corazon

"Tulong! Tulungan mo po ako! Papatayin niya kami ng anak ko!,"sigaw na sunod sunod ni Corazon

Nilingon niya ito at nakatamdam kaagad siya ng matinding galiy dahil sa ginawa nitong pagsigaw at paghingi ng tulong sa lalaking pumana sa kanya

"SINO KA AT BAKIT KA NAKIKIALAM DITO?!,"pagalit na tanong niya sa lalake

"Ako si Emilio, isang antingero!,"pagpapakilala nito sa kanya

Dahil sa pagpapakilala nito sa kanya ay saka pa lamang niya ito naalala

Ito ang nobyo ng kaibigan ni Corazon, ang tumulong sa kanila noon para makatakas sa ama ng nobyang matapobre

Si Emilio ay mula sa angkan ng mga antingero at manggagamot, napadpad siya sa Baryo nila Emir para alamin kung sinuman ang nas alikod ng sunod sunod na mga patayan sa mga tauhan ng Don na ama ng pamilya ng nobya nito

Dahil nga sa laki sa pamilyang antingero at manggagamot ay parang pangkaraniwan na lamang sa binata ang mga kinahaharap nitong kababalaghan

Nang umalis at nagpumilit si Corazon na hanapin si Emir ay kaagad na hinanap ng nobya si Emilio para sundan at hanapin ang among babae dahil sa delikado para sa dalaga ang lumabas dahil nga sa nagdadalang tao ito

Nang mabanggit ng nobya nito ang tungkol kina Emir at Corazon ay nakaramdam na kaagad siya ng kakaibang kaba, normal na sa kanya ang malakas na pakiramdam at pang amoy, dahil batid ng binatang antingero na maaaring may kinalaman si Emir sa lahat ng patayang nagaganap sa loob ng Baryong iyon

Ngayon na nga niya napatunayan na totoo ang kanyang kutob, kaharap na niya ang halimaw na binata na siyang dahilan ng takot ng mga taga Baryo

"Huwag kang mag aalala, tutulungan kita,"ani ni Emilio, bahagya lang nitong sinulyapan si Corazon na nakahiga sa malapad na bato habang nakatali ang dalawang kamay at mga paa nito, na patuloy lang sa pagsigaw at paghingi ng tulong sa binatang iyon

"TUTAL NAMAN AT PAKIALAMERO KANG TAO! IKAW MUNA ANG UUNAHIN KO BAGO ANG BABAING IYAN!,"sigaw ni Emir na kababakasan na ng galit ng mga sandaling iyon

Tuluyan na ding hinarap ni Emir si Emilio na walang katinag tinag mula sa kinatatayuan nito

Nagpakita kaagad ng kabangisan si Emir, umangil ito na tila isang mabangis na hayop na handa ng manlapa ng anumang sandali

Kung iba lang marahil ang makakakita kay Emir malamang ay nahimatay na dahil sa nakakatakot nitong kaanyuan, ngunit hindi ang kagaya ni Emilio na isang antingero

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon