Chapter 19

700 34 3
                                    

°°°°Chapter 19°°°°

Kinabukasan nga,

Halos nag aalala ang tatlong binata dahil halos magdamag na hindi nakauwi ang apat, hindi nila malaman kung ang ang gagawin, hindi naman nila pwede iwanan ang mag asawa dahil baka sugurin iyon ng mga aswang

Tapos na din sila makapag almusal ng may isang tricycle ang biglang huminto sa di kalayuan sa pwesto nila, unang bumaba ang binata mula sa loob, inalalayan nito ang nanghihina pang si Vleane na lalong ikinasingkit ng mga mata ni Lucas, sa lubong ang dalawang nakakapal na kilay

Kasunod ng dalawa ang tatlong dalaga, hindi din kumikibo ang mga iyon

"Anong nangyari sa inyo?,"biglang tanong ni Tatay Natoy bago pa makapagtanong ang mga binata,"Anong nangyari sa kanya, Eugene?,"

"Napalaban po sila kagabi sa mga aswang, Tay,"paliwanag nito,"Ginamot ko po ang mga sugat niya at sa bahay ko na po sila pinatulog, tinambangan sila ng mga aswang noong paalis na sila sa bahay ko,"

"Vleane,"nag aalalang sabi ni Lucas, nilapitan ang dalagang nanghihina at namumutla,"Ano nararamdaman mo?,"

"Ayos lang ako,"tugon niya sabay ngiti

"Ipasok mo muna siya sa loob para maka pagpahinga, iho,"utos nito kay Lucas, na kaagad namang sumunod, jnakay nito si Vleane habang naiwan ang mga kaibigan sa labas para makapag almusalnat makapag usap na din,"Kamusta kana iho?,"tanong nito sa binata na nakiupo na din

"Ayos lang po,"tugon nito,"Bweno, nakapag desisyon na ako,"

"Ano iyon,"kaagad na tanong ni Angela

"Makikipagtulungan na ako sa inyo na puksain ang mga aswang at maipaghiganti ang kamatayan ng aking pamilya,"

Nagkatinginan silang lahat dahil sa sinabi ni Eugene, lalo na ang tatlong dalaga, madadagdagan na naman sila ng isa para sagupain ang mga aswang

"Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?," nagtatakang tanong ni Eugene,"Nagbago na ba ang isip niyo? Akala ko ba makikipagtulungan kayo sa akin?,"

"Hindi naman sa ganoon,"nakangiting saad ni Angela,"Natutuwa nga kami kasi madadagdagan na nan kami eh,"

"Dapat kagabi pa nagbago ang isip mo,"ani ni Joorie,"Hindi sana kami napalaban at hindi napahamak si Vleane,"

"Pasensiya na kayo,"hinging paumanhin ni Eugene,"Simula ng salakayin kami ng mga aswang at napatay ang pamilya ko, nawalan na ako ng tiwala sa mga taong lumalapit sa akin. Hindi ko malaman kung totoong kakampi ba sila o kaaway,"

"Ayos lang iyon,"ani naman ni Calvin,"Mahirap ng magtiwala lalo na sa mga ganitong sitwasyon,"

Ilang sandali pa ay nagpakilala na sila sa kaharap na binata, ngumiti naman si Eugene sa mga bagong kakilala

"Iyong nagdala kay Vleane sa loob, si Lucas iyon, magkasintahan silang dalawa,"ani ni Jude,"Kaya grabe iyon mag alala kagabi pa, lalo na ng makita niya ang kalagayan ni Vleane ngayon,"

"Ah,"napatango lang si Eugene habang nakatingin sa bahay ng mag asawa, dahil tanging sina Lucas at Vleane lang ang natira sa loob, nakikipag kwentuhan kasi ang mag asawa sa kanila habang nag aalmusal ng dumating sila.







Samantala,

"Kamusta, Lucas?,"bati ng isang batang babae na bigla nalamg sumulpot sa kabilang gilid ni Vleane,"Ako si Prinsesa Mishka, ang gabay ni Vleane,"sabay ngiti sa binata na ikinatango lang nito habang nakangiti si Vleane sa gabay niya

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon