Chapter 34

438 31 1
                                    


°°°°Chapter 34°°°°

Samantala sa pwesto naman ni Brent

Napansin naman nito na wala sa kanyang tabi ang kanyang kapatid, kaya ihinala niya ang kanyang paningin sa paligid

Napansin niya ang kanilang mga kasamahan na nakahandusay na ang ilan sa lupa at may mga sugat na ang mga iyon, habang may ilan pa din na patuloy lang sa pakikipaglaban sa mga aswang, kahit na may mga galos na ang mga iyon

Kaya mabilis siyang tumakbo at nilapitan ang mga kasamahang may mga sugat at hindi nankaya pang lumaban, inakay niya ng paisa isa ang mga iyon at dinala sa ligtas na lugar kung saan hindi makikita ng mga kalabang aswang

Bago binalikan ang mga kasama nila na patuloy na nakikipaglaban, pero bago pa siya makabalik sa pwesto nila ay may nakasalubong siyang isang aswang, biglang tumulo ang mga laway niyon ng makita siya, takam na takam iyon sa kanya

Kaagad niyang inilabas ang kanuang sandata at itinutok sa kaharap, nilusob na siya ng aswang kaya naman tinapatan na niya iyon ng lakas at liksi

Nasugatan niya iyon sa bandang tagiliran, habang siya naman ay nasugatan sa may balikat dahil sa nahagip iyon ng matutulis nitong mga kuko

"Ah!,"napaigik na lamang siya ng maramdaman ang sakit ng pagbaon ng mga kuko nito sa kanyang laman, nakita pa niyang dinilaan ng aswang ang mga kuko nito na may bahid ng kanyang dugo

Nakita niyang napangisi pa ito bago muling umatake sa kanya, dahil sa nagkaroon na siya ng sugat ay nahirapan na siyang kumilos ng mabilis

Sa muling pag atake ng aswang ay muli siya nitong nasugatan, pero sa pagkakataong iyon ay ang tiyan na niya ang pinuntirya nito

Napahawak nalang siya sa kanyang tiyan ng maramdaman ang hapdi at kirot, bumulwak pa ang maraming dugo mula sa malalim na pagkakahiwa, dahil sa nanghihina na siya ay napaluhod pa sa lupa ang isa niyang tuhod habang nakatukod ang itak na kanyang gamit sa lupa

Habang nasa ganoong tagpo si Brent ay nagawa pa niyang ilibot ang nanlalabong paningin sa paligid niya

Nakita niya ang nakakagimbal na tanawin, nakita niyang wala ng buhay ang ilan nilang mga kasama, nakita pa niya na pinagpipyestahan ng ilang aswang ang katawan ng mga iyon, nilalantakan na tila hayok na hayok at wala ng pakialam sa paligid

Napaiyak nalang siya dahil sa kaawa awang sinapit ng mga kasamahan nila at ng mga kalalakihang tumulong sa kanila, halos kalahati na ang nalalagas sa grupo niya, karamihan ay sugatan na pero nagagawa pa ding lumaban para sa kanilang buhay ag ayaw nila na maging lamang tiyan na lamang ng mga aswang

Nawala ang kanyang atensiyon sa paligid ng madinig ang dahan dahang paglapit ng aswang sa kanya, nakita niya ang mabalahibo niyong mga paa na nasa kanya ng harapan

Napapalatak nalang siya dahil sa napakatibay ng kanyang kalaban, halos hindi niya malaman kung paano niya tatalunin iyon ng mabilisan

Kahit na naghihina at nanlalabo na ang kanyang paningin ay pinilit niyang tumayo para lumaban, tinitgan niya iyon ng matalim bago sumigaw at patakbong sinugod ang aswang na handa na siyang lapain anumang oras

Habang tumatakbo siya ay ramdam niya na para na siyang mabubuwal at matutumba, pero pinilit pa din niyang lumaban para sa mga kasamang namatay at naging lamang tiyan ng mga aswang, hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang sandata para hindi niya iyon mabitawan

Handa na niyang ibuwis ang kanyanh buhay para sa gabing iyon kung iyon nalang talaga ang nalalabing paraan para matalo ang kanyang kalaban

Napapangiti nalang siya ng maalala ang mukha ng kanyanh nobya na si Veronica, ang mga ngiti nito,ang malambing na tinig at ang pang aasar sa kanya sa tuwing magkasa silang dalawa

Ang kanyang mga magulang na labis niyang mahal, hindi na din niya makikita at makakasama, ang bunganga ng kanyang Nanay Alicia, na laging gumising sa kanya sa umaga kapag tinatanghali siya, ang mabait at tahimik niyang ama na si Mang Rommel, hindi na niya makakasama sa araw araq na pagpunta sa bukid

Ang kanyang dalawang ate na sina Amanda at Miah, ang kanyang mga pamangkin, hindi na niya makakasama at makakalaro, hindi na din niya makikita ang sanggol na malapit ng isilang ng kanyang ate Miah

At higit sa lahat ay si Cris, na lagi niyang kasa saan man siha magpunta, laging kalaro sa basketball at sa pagtakas sa kanilang Nanay Alicia, napapangiti nalang siya sa mga isiping iyon na hindi na niya magagawa pa kahit kailan kung mamatay na siya sa gabing iyon

Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang tila pagkahiwa ng kanyang laman, natumba siya sa lupa ng padapa, habang ang kanyang kalaban ay nakangising nakatunghay sa kanya,

Akma na itong lalapit kay Brent para lapain ang binata ng bigla iyong matigilan, pakiramdam nito ay tila gumagalaw ang paligid nito at nakita pa niyang nakabaliktad ang lahat sa paningin ng aswang, bago pa nito malaman ang totoong nangyari ay huli na ang lahat, dahildoon lang napagtanto ng aswang na gumugulong na ang ulo nito na naputol ni Brent bago pa siya tuluyang mapahandusay sa lupa at huminto iyon sa mismong tapat niya

Napangisi naman ng maluwag ang binata dahil sa nakikita sa kanyang harapan

"Akala mo siguro nanalo kana sa akin no?,"nakangising sabi niya na nakatingin sa ulo ng aswang, hindi na niya kaya pang tumayo o maupo, halos ubos na ang kanyang lakas dahil sadami ng sugat na kanyang natamo

Pagod na pagod ang kanyang pakiramdam, hindi na niya kaya ang tumayo lalo na ang lumaban, nilalabanan na lamang niya ang kanyang panghihina para hindi mawalan ng malay

Dahil kapag nawalan na siya ng malay ay wala na siyang alam sa paligid, hindi na niya malalamab kung nakaligtas ba siya o naging lamang tiyan na ng mga kalabang aswang

Dahil sa nakadapa siya ay hindi niya makilala ang isang pares ng mga paa na bigla nalang na sumulpot sa kanyang harapan

Kinakabahan siya dahil alam niyang wala na siyang lakas para lumaban at ipagtanggol ang kanyang sarili sa nasa kanyang harapan

Kaya kahit na kinakabahan ay tumingala siya pero isang kamay ang bumungad sa kanya, nakalahad iyon na tila nag aalok ng tulong

Kaya pinilit niyang abutin iyon bago pa siya tuluyang mawalan ng malay







Itutuloy

Mamamatay kaya si Brent?

Paano na si Veronica?

Makakaligtas kaya sila sa sangkatutak na mga aswang?

Ano ang gagawin ni Vleane?

Nakaka tense na ang bawat tagpo at labanan, kaya abangan po

Please leave a Comment and reaction

And dont forget to Vote and follow me

Thank you

•••••akiralei28

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon