°°°°Chapter 69°°°°Third Person's POV
Baryo Santa Lucia
Isa itong liblib na Baryo na malayo sa kabayanan at kabihasnan
Ang Baryong ito ay tila pinag iwanan ng panahon at tila pinabayaan at nakalimutan na din ng Gobyerno dahil nga sa napakaliblib na nito
Ang isa pa sa pahirap sa mga tao doon ay ang transportasyon kung saan tanging kalabaw lang o kabayo ang nagagamit nila patungo sa Kabayanan, pero bibihira lang sa mga iyon ang may ganoong alaga sa kanila
Magkakalayo din ang mga kabahayan sa nasabing Baryo, na kung hihingi ka ng tulong ay hindi kaagad agad makakarating dahil nga sa layo ng agwat ng bawat kabahayan
Pero kahit na ganoon ang sitwasyon doon ay hindi maiwan iwan ng pamilya ni Aling Jacinta ang kanilang kinalakihang Baryo, kahit na gaano pa man iyon kahirap at kaliblib
"Nanay, hindi po ba tayo aalis dito?,"tanong ng anak nito isang gabi sa kanya
"Kahit gustuhin ko mang umalis dito mga anak ay wala din kaming alam na ibang lugar na malilipatan ng inyong ama,"mahabang paliwanag nito sa mga anak
"Nay, nasaan po ba nakatira sina Tiya Weng?,"tanong ng panganay nito na si Lucinda,"Baka matulungan po niya tayo,"
"Napakalayo ng kanilang Baryo, anak,"umiiling na tugon ni Aling Jacinta sa anak na may lungkot sa mukha nito,"Saka sapat lang sa pang araw araw natin ang kinikita ng inyong ama, saan pa tayo kukuha ng ganoong kalaking halaga para makaluwas?,"
"Alam po namin iyon, Nay, Tay,"kurong saad ng magkakapatid
"Pero nakapagpadala kana din po ng liham sa kanila diba?,"tanong ulit ni Lucinda sa kanilang Nanay
"Oo, anak,"sagot nito,"Pero halos limang araw na ang nakakaraan simula ng maipadala ko iyon kay Weng,"may lungkot na saad nito,"Sana lang ay natanggap na nila iyon at matulungan nila tayo,"dasal nito
"Huwag po tayong mawalan ng paag asa, Nay,"ani ni Lucinda,"Makakarating po sila dito para ilayo tayo,"
"Sana nga mga anak,"sabay yakap sa kanilang mga anak na nakangiti
Ang kanilang Tatay naman ay nagtatrabaho sa Bayan at lingguhan lamang kung ito ay umuwi sa kanilang Baryo dahil nga sa pahirapan ng masasakyan, nakikisabay lang ito sa mga kababaryo na umuuwi at iyong may mga kalabaw o kabayong dala na galing sa pamilihang bayan, kaya nakakauwi iyon, pero kung wala ay nagtitiis na lamang ito doon na hindi makasama at makita ang pamilya nito
Maayos naman dati ang pamumuhay ng mga taga Baryo, kahit na napaka simple at payak lang iyon,
Hanggang sa isang araw, pumutok ang bali balita na may pagala galang aswang na umaatake sa mga alagang hayop ng mga taga Baryo at sa balitang iyon ay nabalot at nabahala ang mga taga Baryo lalong lalo na si Aling Jacinta
"Delikado ang mga nilalang na iyon, napaka delikado,"bulalas nito isang araw habang naghahapunan silang mag anak,"At higit sa lahat ay hindi natin kasama ang inyong ama para maprotektahan tayo at matulungan kung tao na ang aatakihin ng mga nilalang na iyon kapag naubos na nila ang mga alagang hayop ng ating mga Kababaryo, kaya dapat talaga na mag ingat tayong lahat,"
Hindi na din sila nagtaka kung bakit ganoon magsalita at mag isip ang kanilang ina, dahil alam nila na wala talaga silang kalaban laban, kung makakita at makalaban sila ng mga aswang, dahil wala nga doon ang kanilang ama
•
•
•
•
•
•
•
•
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
TerrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...