Chapter 21

618 39 17
                                    

A/N

Hello po,

Kamusta po kayong lahat?

Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan

Pasensiya na po kung di ako nakapag update ng isang buwan at kalahati

Marami po kasi ako ginagawa eh

Pero dahil po sa matagal akong di nakapag update

Mag a update po ako ngayon ng mahaba haba

From Chapter 21-50  para sulit po ang paghihintay niyo at para makabawi din po ako sa inyo😊😊😊😊

So enjoy po kayo and ingat

°°°°Chapter 21°°°°

Nilapitan naman ni Lolo Rene ang binatang nakatanaw sa labas ng bintana na tila may iniisip iyong napakalalim, dahil hindi siya nito napansin man lang o naramdamang lumapit sa tabi nito

"Anong nangyari sa kanya?,"tanong ni Lolo Rene,"Matagal na ba siyang bulag?,"

"Hindi po,"tugon ni Brent,"Bago lang po siya nabulag, noong araw na sinugod kami ng mga aswang sa Baryo namin,"

"Paano siya nabulag?,"tanong ni Tatay Lino, wala na noon si Cris, pinagpahinga na nila ito sa isa pang silid na kasama ang tatlong pamangkin nito at ang buntis na si Maya

"Wala na ba siya pag asang makakita?,"tanong naman ni Aling Niña

"Wala na po,"tanging sambit ni Aling Alicia,"Ilang manggagamot na ang nilapitan namin, kahit sa ospital ay wala ng pag asa,"

Walang nakapag salita sa kanila dahil sa sinabi ni Aling Alicia, napapailing nalang si Lolo Rene, dahil sa sinapit ng anak ng mga ito, wala din siya kakayahan na gamutin ito

"Saka na niyo ikwento kung dumating na sina Vleane,"mungkahi ni Lolo Rene,"Baka amy magawa siya para tulungan ang kapatid mo,"

Napatango lang ang mga kasama nila, naikuyom nalang ni Brent ang mga kamao habang hindi mawala wala sa kanyang isip ang napakapanget na mukha ng aswang na bumulag sa kanyang kapatid

Gusto niya iyon makaharap ulit para maipaghiganti ang sinapit ng kanyang kapatid na ngayon nga ay bulag na

"Kailangan natin maghanda habang wala pa sina Lucas dito,"ani ni Lolo Rene makalipas ang ilang sandaling katahimikan

"Ano po ang ibig niyong sabihin?,"takang tanong ni Brent sa kaharap, pero bigla nalang na may sumibol na kaba sa dibdib nito na hindi maipaliwanag

"Oras nalang ang ating hinihintay,"paliwanag nito,"Anumang oras ay babangon na si Emir mula sa kanyang himlayan, siya ay maghahasik ng kaguluhan at takot sa mga tao,"sagot nito sa binata

Nakita naman ni Brent ang mukha ni Lolo Rene na kababakasan ng pangamba, nilingon pa nito ang mga kasama na tila gusto na niyang magsisi kung bakit nagpunta pa sila dito na parang mas mapanganib pa ang sinuong nilang Baryo

"Miyerkules Santo na pala bukas,"bulalas ni Aling Niña, ng mapalingon sa kalendaryo nila,"Bakit ba nakalimutan natin ang Mahal na Araw? Ngayon lang tayo pumalya at wala tayong palaspas na panlaban sa mga aswang,"

"May dala po kami,"ani ni Amanda,"Nasa malaking bag po, napa bendisyunan na po namin iyon sa Pari noong linggo,"

"Isabit niyo na sa mga binta at pintuan,"utos ni Lolo Rene,"Samahan niyo na din ng rosaryo na nasa aparador ko, Niña,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon