Chapter 43

463 28 2
                                    


°°°°Chapter 43°°°°

•••Third Person's POV•••

Hindi niya alam na nadinig pala ni Veronica ang kanilang usapan, kaya hindi siya nito kinikibo

"May problema ba?,"tanong niya matapos nilang makakain ng hapunan

"Ang daya mo ate,"ani nito,"Aalis kana naman, kailan kana naman uuwi? O aasahan ko na may ate Vleane pa akong hihintayin?,"malungkot na saad nito

Niyakap nalang niya ito dahil umiiyak na ito

"Ikaw nalang ang mayroon ako, Ate Vleane,"sabi nito,"Huwag naman sana na pati ikaw na mawala din sa akin,"

"Pangako, babalik ako,"ani niya,"niyakap niya ng mahigpit ito,"Hintayin mo ako, kapatid ko,"

"Pakiramdam ko ate na ito na ang huli nating pagkikita,"na lalong ikinaiyak nito sa kanya

"Asahan mo, babalik akong buo, Nica,"tugon niya dito

Ilang sandali pa sila sa ganoong posisyon, para pakalmahin ang kanyang kapatid dahil alam niyang nagtatampo ito sa kanya at natatakot na mawala siya sa kapatid

Ilang araw pa ang nakalipas hanggang sa dumating na ang araw ng kanilang pag alis, nasa gitna sila ng dalawang kawayan na tila may lagusang lalabas doon

"Ako ang magbubukas ng lagusan ninyo,"ani ni Eugene na biglang sumulpot sa kanilang likuran

Si Eugene ang nagbubukas ng lagusan papunta sa mundo kung saan ang kanilang misyon

"Sabi ko na nga ba, iba talaga ang kuyob ko sayo simula pa lang ng una ka naming makita, hindi ko lang matukoy kung ano ang kakaiba sayo,"palatak ni Calvin sa binata

"Kailangan ko kasing makita ng mismong dalawang mata ko ang katotohanan,"tugon nito,"Nais kong makatiyak kung karapat dapat ba talaga kayo sa misyong ibibigay sa inyo,"

Habang ang tatlo naman ay tahimik lang na nakatingin sa dalawang nag uusap, ilang sandali panay biglang bumukas ang isang lagusan sa kanilang harapan

"Sige na pumasok na kayo,"utos ni Eugene sa kanila

"Ingat mga pinsan,"ani ni Jude na siyang naunang pumasok,"Magkikita pa din tayp pagkatapos ng misyong ito, Ikaw din Vleane,"sinulyapan muna niya ang dalawang pinsan bago si Vleane, bago nagpatiuana ng pumasok sa lagusan

"Mag iingat ka, Jude!,"sigaw ni Vleane,"Huwag mong kakalimutan ang mga itinuro sayo nila Lolo Ernie at Lolo Rene," kumaway lang si Jude bago tuluyang mawala iyon sa lagusan

"Susunod na din akong umalis mga ate at Kuya,"paalam ni Brent,"Hanggang sa muli po nating pagkikita, salamat po ay ingat kayo,"paalam nito sa kanilang tatlo

"Salamat, Vleane,"ani ni Calvin,"Mag ijngat din kayo sa pupuntahan ninyo, hanggang sa muling pagkikita,"paalam nito kaya tumango at ngumiti nalang siya bago tuluyang pumasok sa lagusan si Calvin, tanging silang dalawa na lamang ni Lucas ang naiwan doon

Kaya walang kumibo sa kanila, kahit na alam nilang delikado ang kanilang misyon at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba sila ng buhay sa kanilang mundo

"Lucas,"niyakap niya mula sa likuran ang binata ng maglakad na ito papasok sa lagusan,"Hayaan mong mayakap kita sa huling pagkakataon, baka hindi na tayo magkita lalo pa at delikado ang misyon ko,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon