°°°°Chapter 50°°°°Lumipas ang mga araw
Hindi na iniinom ni Jude ang mga inuming iniaabot sa kanya ng asawa, na nagpapalimot sa kanyang mga alaala, sinasadya niyang hindi na inumin iyon at palihim na itinatapon kung hindi nakatingin si Kayla
Isang hapon, habang nag iisa at wala si Kayla sa paligid, kaya naisipan niya ulit na pumunta sa burol
Sa lugar kasing iyon ay doon niya nararamdaman ang kapayapaan at doon din niya iisipin ang mga alaalang bumabalik sa kanya, doon siya mag iisip habang wala ang babae dahil alam niya na may itinatago iyon sa kanya,
Hindi din niya matiyak kung ano ang bagay na iyon at kung bakit kailangan pa nitong ilihim iyon sa kanya ang ibang detalye ng kanyang totoong pagkatao
Dahil sa lalim ng kanyang iniisip at inaarok ang mga alaalang unti unting lumalabas sa kanyang isip ay hindi na niya namalayang mabilis na lumipas ang mga oras, saka lang niya nalaman na madilim na dahil s ahuni ng mga insektong lumalabas kapag gabi
Nagpalinga linga pa siya bago nakapagdesisyon na umuwi na dahil alam niyang hinahanap na naman siya ni Kayla ng mga oras na iyon
Ilang sandali pa ay tumayo na nga siya mula sa pagkakasalampak sa damuhan, akmang maglalakad na sana siya pa uwi sa kanila ng makadinig siya ng malakas na pagkaluskos, tila para bang siya ay naestatwa mula sa kanyang kinatatayuan, bigla ding rumagasa ang kabang para bang pamilyar sa kanya ang ganoong pakiramdam
Inilibot niya ang paningin sa paligid pero wala man lang siyang maaninag na kahit ano pa man, pero iba ang sinasabi ng kanyang isip at kutob, nakakita siya ng kapirasong kahoy agad niyang dinampot iyon bago siya naglakad paalis sa lugar na iyon
Nakakailang hakbang pa lang siya mula sa kanyang pinanggalingan ng may anino siyang namataas sa isang malaking puno, kaya napahinto siya at tinitigan iyon, hindi niya inaalis ang paningin doon, hanggang sa lumabas ang nilalang na nagtatago mula doon
May ilang beses siyang napalunok ng sariling laway ng tumambad sa kanya ang anyo ng nilalang, nababalutan ng itim na balahibo ang buong katawan, may malalaki at mapupulang mga mata, mayroong matatalas na mga ngipin at may mahahabang pangil, tumutulo din ang malapot nitong laway na para bang takam na takam sa nakikita nito
Napadako naman ang kanyang mga mata sa mga braso nito na may mahahaba at matutulis na mga kuko, kaya dahil sa takot at kabang nararamdaman ay sunod sunod ang nagawa niyang paglunok ng laway
Pakiwari niya ay kayang dukutin ng nilalang na iyon ang kanyang puso sa isang bigwas lang ng mga daliri nito
Hindi namalayan ni Jude na nanginginig na pala ang buo niyang katawan dahil sa takot, napakuyom na lamang ang kanyang mga kamao at doon niya naalala na may hawal pala siyang kapirasong kahoy
"A-aswang,"bulalas niya, ayon sa idinidikta ng kanyang utak at kung anong klaseng nilalang ang nasa kanyang harapan
Umangil naman ang nakakatakot na nilalang, ilang sandali pa ay humakbang na iyon papalapit sa kanya bago mabilis na umatake
Panay naman ang salag niya mula sa mga atake ng aswang, sa gitnan ng kanilang laban ay tila may nag uudyok sa kanya na kung ano ang dapat niyang gawin at iyon nga ang kanyang ginawa
Hindi lang niya nasasangga ang mga atake nito, nagagawa na niyang gumanti ng pag atake na para bang natural na sa kanya ang ganoong kilos na para bang dati na niya iyong ginagawa
Hindi naman nagustuhan ng aswang ang paglaban dito na kanyang ginagawa, na tila ba nagkamali ito sa pag aakala na madali lang para dito na mabihag ang binatang matagal na nitong sinusubaybayan
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...