°°°°Chaoter 03°°°°Ang Nakaraan ni Lolo Rene at ang pamilya ni Emir
Nang mga panahong iyon ay may isang pamilyang dayo ang napadpad sa naturang liblib na Baryo
Sila ay nanilbihan sa isang mayamang pamilya at kilala sa Baryo at maging sa karatig, isang mayamang pamilya na kung saan ay tinitingala at kinatatakutan ng lahat lalo na ng mga kagaya nilang mahihirap
Lahat ng mga nakatira sa nasabing liblib na Baryo ay naninilbihan sa nasabing Pamilya, halos lahat sila ay alipin ng pamilyang iyon
Habang tumatagal ang panahon na naninilbihan ang buong pamilya nila sa mayamang angkan ay nagkaroon ng pagkakataon na umibig ang nasabing binatang dayo sa mayamang dalaga
Hindi din maitatanggi ng mayamang dalaga na nahumaling siya at minahal ang masipag at may kakisigang binata na kahit na alipin nila iyon ay hindi nito napigilang mahalin ang masipag na binatang dayo
Pero batid nila na delikado ang kanilang relasyon lalo na kung malaman iyon ng pamilya ng dalaga, alam nila na walang lihim ang hindi mabubunyag pagdating ng araw
Sa mga katarabaho nila at sa mga taong nakapaligid sa kanila ay may iilan na ang nakakapansin sa mga titig nila at kakaibang sulyapan sa isat isa
Hanggang isang araw nga ay nakarating na ang kanilang lihim na relasyon sa ama ng dalaga, pero hindi pa man nito alam kung totoo o hindi ang nakarating na balita sa aristokratong matanda ay pinalayas na nito kaagadang buong pamilya ng binata sa lupaing pagmamay ari nito o sa buong Hacienda
Kaya sa labas sila ng Hacienda nanirahan kung saan wala silang hanap buhay at pagkakakitaan
Pero sa kabila ng lahat ng nangyari ay hindi nagpatinag ang dalawang pusong nagmamahalan, mas lalo pang tumibay ang kanilang relasyon at pagmamahal sa isat isa
"Sumama kana sa akin, Mahal ko, magtanan na tayo,"pagyayaya ng binata sa dalagang minamahal nito,"Hindi ako mabubuhay ng wala ka,"
"Oo, Mahal ko, sasama ako sayo kahit saan ka makarating,"malambing na saad ng magandang dalaga na halatang lumaking mayaman at hindi nakatikim kahit kailanman ng kahirapan sa buhay
Kaya ganoon na nga ang kanilang ginawa, nagtanan silang dalawa para makalayo sa matapobreng ama ng dalaga, nagpakalayo layo silang dalawa, kung saan sa walang nakakalam at nakakakita sa kanila, na ang tanging iniisip nila ay ang kanilang mga nararamdaman sa isat isa
Naging bingi ang binata sa pakiusap ng mga magulang nito at maging sa mga kapatid nito
"Anak, mapapatay tayo ng Don sa oras na itakas mo ang kanyang anak,"babala ng ama nito,"Maawa ka sa sarili mo kahit huwag na sa amin ng iyong Nanay,"
"Nay, Tay, mahal ko po siya,"paliwanag nito,"Wala na po kayong magagawa, aalis kami ngayong gabi,"
"Manong, makinig ka naman kina Nanay at Tatay,"pakiusap ng kanyang dalawang kapatid, pero naging bingi siya sa mga iyon
"Nais kong patunayan sa kanila na kahit langit at lupa man ang pagitan naming dalawa ay patutunayan naming kaya namin pagtagumpayan ang lahat ng balakid sa aming pag iibigan,"mahabang litanya nito sa mga magulang at kapatid
Sa kabundukan pansamantalang nanirahan ang magkasintahan na tawagin natin sa pangalang Emir ang binayang dayo at Corazon naman ang mayamang dalaga, madalang lamang silang bumaba sa kabayanan, dahil batid nilang pinaghahanap pa din sila hanggang ngayon ng ama ng dalaga
Madalas ay kailangan pa nilang magbalat kayo para walang makakilala sa kanila kahit na sinuman
•
•
•
•
•
•
•
•
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...