Chapter 37

431 32 2
                                    


°°°°Chapter 37°°°°

Sa kabilang banda naman

Biglang natigilan si Vleane mula sa panggagamot sa mga nasugatang kalalakihan, kanina pa niya hindi namamataan si Lolo Rene, mahigpit na binilinan niya ito na huwag lalayo pero tinawanan lamang siya nito

Bigla kasi niyang naalala ang kanyang Lolo Ernie, na tila may nag uudyok sa kanya na protektahan ang Lolo ng kanyang nobyo, dahil pakiwari niya ay may masamang mangyayari sa matanda sa oras na mawala iyon sa kanyamg paningin

Nang mga sandaling iyon ay kasama na niya sina Lucas at Jude, si Eugene naman ay nagpaiwan sa simbahan para bantayan ang mga tao doon, kaya katulong nila sa pag dala sa kanya ang mga iyon ng mga kalalakihang may sugat

"May pupuntahan lang ako,"paalam niya samga kasama, tinignan lang siya ni Lucas pero saniba siya nakatingin, mabilos na naglakad ang kanyang mga paa na tila may sariling isip ang mga iyon kung saan tutungo

Ilanh sandali pa ay dinala siya ng kanyang mga paa sa pinakadulong bahagi ng Baryo, nakita niya na nagkalat ang mga katawan ng mga aswang at mga tao sa paligid

Namataan din niya ang sandata ni Lolo Rene na nakalapag sa lupa kaya kaagad niya iyong dinampot, halos maduwal siya sa masangsang na amoy na sumalubong sa kanya, para iyong lamang loob na tila sinusunog

"Emir!,"bulalas niya, kaya nagpalinga linga siya sa paligid dahil alam niyang nandoon lang iyon,"Lumabas ka Emir! alam kong nandito ka lang sapaligid! Harapin mo ako!,"sigaw niya habang ume echo ang kanyang sigaw sa paligid

Sinagot lamang siya ng isang nakakapangilabot at malakas na paghalakhak ni Emir, bigla ding lumakas ang hangin sa paligid, hinawi nito ang matataas na damo na nasa kanyang harapan

Napatigil naman siya at nagulat ng makita niya ito sa kanyang harapan, matapos mahawi ang matatas na damo ay nakita niya sa likuran nito si Lolo Rene, nakatali sa isang malaking puno, duguan ang mukha at patuloy na umaagos ang pulang likido mula sa bibig nito

Habang nakalabas naman ang mga lamang loob nito mula sa butas na tiyan, akma na niya iyong pupuntahan ng biglang sumulpot ang mga sigbin sa kanyang harapan

Dahil sa galit na kanyang nararamdaman ay nilabanan niya ang mga sigbin gamit ang sandata ni Lolo Rene habang patuloy na tumutulo ang luha niya,

Napapasigaw pa siya habang kinakalaban ang sandamakmak na mga sigbin na alaga ni Emir, walang tigil niyang iwinawasiwas ang sandata sa kanyang mga kalaban, may mga napupugutan ng ulo at may mga nahahati ang mga katawan

Napaharap siya sa isnag nilalang na bigla na lamang lumitaw, nalaman niyang dito nangmumula ang masangsang na amoy na kanina pa niya nalalanghap sa hangin

"Magbabayad ka sa ginawa mo kay Lolo Rene, Emir!,"mariing sigaw niya kay Emir, akma na niya iying susugurin gamit ang sandata ng matanda ng patigilin siya nito

"HUWAG KANG MAGMADALI BATA, DARATING DIN ANG GABING MAGKAKAHARAP TAYONG MULI, SA NGAYON PAALAM MUNA, AHAHAHAHA,"sabi nito sabay tawa ng malakas, isang malalas na hangin ang pumaikot sa kanila bago tuluyang mawala si Emir sa kanyang harapan

"Bumalik ka dito! Duwag ka, Emir!!,"sigaw niya ng mawala na ito ng tuluyan sa kanyang harapan, lahat ng aswang ay nagsipag atrasan na din sa mga sandaling iyon,

Hindi na pinapansin ng nga iyon ang mga taong nakatayo at nakatulala nalang dahil s apag atras ng nga ito, napatangila naman siya sa kalangitan at doon niya napagtanto na malapit na pa lang mag umaga ng mga sandaling iyon, araw na ng Biyernes Santo at hindi pa tapos ang kanilang laban

Laylay ang balikat at hapong hapo na binitbit ang sandata ng matanda patungo sa pwesto nito

Lalo lamang siyang napaiyak at walang tigil ang pagpatak ng kanyang luha sa kanyang mga mata, nag uunahang dumaloy sa kanyang pisngi ang mga iyon, napaluhod na lamang siya sa harapan ng matanda ng makita ang kalunos lunos na sinapit ng kawawang matanda

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon