Chapter 29

448 25 1
                                    

°°°°Chapter 29°°°°

•••Vleane's POV•••

Dahan dahan akong lumapit sa gintong ahas na tila natutulog ng mga sandaling iyon, iniisip ko kung paano ko kukunin ang dalawang mutya na nasa katawan nito ng hindi ko nadidikitan ang kanyang balat at hindi ako magiging gintong bato

"Kaya mo iyan, Babaylan,"ani ng aking gabay,"Magtiwala ka sa ating Bathala, alam kong kaya mo iyan lalo na kung busilak at malinis ang iyong hangarin,"

"Pero paano kung hindi pala para sa akin ang dalawang mutya?,"tanong ko sa kanya,"Paano na ang mga kaibigan ko? Ang mga taong umaasa sa akin?,"

"Huwag kang mag isip ng kung ano ano, huwag kang mag alinlangan, basta sundin mo ang iyong nasa puso, umaasa kami sayo, kaya kumilos kana, lumalakad ang oras, baka hindi tayo makabalik sa San Gabriel bukas,"

Napabugtong hininga nalang ako bago kumilos, dahil marami ang umaasa sa akin at naghihintay ang mga kaibigan ko sa aming pagbabalik

Dahan dahan akong lumapit at pinagmasdan ang dalawang mutya na nasa tiyan nito, napadasal nalang ako at napapikit, iniisip ang mga taong umaasa sa akin

Isang malakas na pagbuga ng hangin ang aking ginawa bago ko dinampot ang batong meteor, umilaw iyon at bolta boltaheng kuryente ang naramdaman kong dumaloy sa buo kong katawan, tiniis ko iyon bago ko isinunod ang kyanite, nasa kaliwang kamay ko ang batong kyanite habang nasa kanan naman ang batong meteor

Lalong dumagsa ang boltahe ng kuryente sa aking katawan, halos hindu ako makahinga dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko

Namamanhid na ang utak ko sa tindi ng kuryente na aking nararamdaman, napahiga ako at eksaktong bumagsak ako sa malambot na katawan ng ahas, nagising ito at nilingkis ang katawan ko na nanginginig dahil sa tindi ng kuryente na dumadaloy sa batong meteor, pero hindi ko iyon binibitawan

Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan na umalingawngaw sa loob ng kweba bago ako nawalan ng malay na nakahiga sa katawan ng gintong ahas







•••Third Person's POV•••

Nagkatinginan silang lahat ng madinig nila ang sunod sunod na paghiyaw ni Vleane mula sa loob ng kweba kaya nakaramdam ng matinding kaba si Angela para sa kaibigan

"Nakuha na niya ang dalawang mutya na galing sa Bathala,"ani ng Amang Lobo na si Aslan,"Pero mukhang nahihirapan lg tanggapin ng katawan niya ang boltahe ng kuryente,"

"May pag asa pa po ba siya na makaligtas?,"tanong ni Angela na kinakabahan

"Depende sa kakayahan niya,"ani naman ni Devin,"Kung siya na talaga ang karapat dapat makakaya niya iyon lalo na at isang maharlikang diwata ang kanyang gabay, pero kung hindi siya ang nakatakda,"

"Ano ang mangyayari sa kanya?,"takang tanong ni Angela ng hindi na kumibo si Devin at yumuko

"Magiging katulad din siya ng mga naunang Babaylan na nagtangkang kunin ang dalawang mutya, magiging gintong estatwa habang buhay at maging palamuti sa loob ng kweba,"

Napaluhod nalang si Angela lalo pa ng madinig na nila ang isang malakas na pagsigaw ni Vleane mula sa loob ng kweba, napaiyak nalang siya,

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon