Chapter 60

1.3K 55 57
                                    


°°°°Chapter 60°°°°

Niyakap kaagad ni Jane si Calvin ng bumungad ang mga ito sa bukana ng kweba, habang karga naman ni Joorie ang natutulog na anak nito

Napaiyak din si Nica ng makita ang kasintahan na tatlong taon niyang pinanabikang makita, habang nagyakap naman ang magpinsan dahil nagkita ulit sila

"Nasaan si Ate?," tanong ni Nica ng matapos ang ilang sandali na drama nila, nakaupo na sila at kaharap ang mga kasama nila

"Hindi namin siya kasama,"tugon ni Lucas,"Akala ko nga sabay sabay kaming makakabalik pero siya lang ang wala pa dito,"malungkot sabi niya

"Baka hindi pa tapos ang misyon niya,"ani ni Angela,"Kaya hindi niyo siya nakasabay sa pagbabalik sa atin,"

Napabuga nalang ng hangin si Lucas at napayuko, akala niya ay magiging maayos na ang lahat sa kanilang pagbabalik at makakasama na muli ang dalagang mahal na mahal niya

"Sino ang ama niyan?,"tanong ni Calvin na titig na titig sa natutulog na si Cj sa kandungan ni Jane,"Akala ko mahihintay mo ako,"

"Sira ulo,"sabay batok kay Calvin na ikinatawa ng mga kasama nila,"Hindi mo ba natatandaan? Bago kayo umalis may nangyari sa ating dalawa? Kaya ito si Cjang bunga ng minsang nakalimot tayo,"

Nanlaki naman ang mga mata ni Calvin ng malamang anak niya ang batang karga ni Jane, napaiyak nalang ito ay hinalikan ang natutulog na anak nila

"Anong mayroon?,"tanong naman ni Jude

"Nagsisimula na namang manalasa ang mga aswang,"tugon ni Joorie,"Mukhang nagbabalik na si Ronelio, ang isa pang katauhan ni Emir sa kasalukuyan,"

"Oo nga pala noh? Hindi natin napatay si Ronelio ay si Regina, nagtago yata sila o baka nagpalakasat nag ipon ng mga alagad,"

"Siguro,"tugon ni Angela,"Kaya kailangan natin sila magapi, pero paano? Gayung wala pa si Vleans?,"

"Nasaan pala si Eugene?,"tanong naman ni Lucas,"Baka makatulong siya sa atin,"

"Nasa Bayan na siya kasama ang mga magulang ninyo,"tugon ni Angela sabay turo sa kanila,"Kasama niya sina Cassie sa bahay,"

"Bakit anong mayroon sa kanilang dalawa?,"tanong naman ni Jude

"Kayo na ang magtanong,"ani naman ni Joorie,"Ano nga pala ang plano?,"

"Tara na muna at umuwi,"yaya ni Calvin,"Magpahinga muna tayo, para makapag isip tayo ng maayos,"

"Tara,"pag sang ayon nila sa pinsan, kaya kaagad na silang lumabas ng kweba ng walang makitangga aswang na aali aligid doon







Lumipas ang mga buwan

Halos tatlong buwan na ang nakalilipas simula ng makabalik sila sa kanilang mundo, pero wala pa ding Vleanena nagpakita sa kanila kaya nag alala na ng todo sina Nica at Lucas

Matapos nilang maiayos ang bahay ay pinuntahan nila ang kani kanilang pamilya sa bayan para bisitahin ang mga iyoj at malaman na din na ligtas silang nakabalik maliban na nga lang kay Vleane

Nalaman din nila na magkasintahan na sina Cassie at Eugene na nagbabalak na din magpakasal sa susunod na taon, natuwa naman si Lucas dahil napunta sa maayos at matinong lalake ang kanyang kapatid

Nalaman din nila mula kay Eugene na saradp na ang lagusan simula ng mabasag ang gintong orasan kung saan natalp ni Lucas ang Hating aswang na si Urako kaya wala na itong magagawa para magbukas muli ng panibagong lagusan pasunod kay Vleane, kaya lalo silang nanlumo dahil inakala nilang nakulong na sa nakaraan ang dalagang Babaylan

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon