°°°°Chapter 12°°°°•••Third Person's POV•••
Halos apat na araw na simula ng nanggaling siya sa simbahan at ikaapat na araw na din siyang nagsasanay ulit sa pamumuno ni Lolo Rene, apat na araw na din na hindi siya makausap ng maayos at laging umiiwas sa mga tanong nila
Mababakas sa mukha ni Vleane na desidido ito na lalo pang lumakas at maging magaling sa pakikipaglaban para lang matalo si Emir
Natutuwa din si Lolo Rene dahil sa pursigido din siya na matuto pang lalo, hindi din inaasahan ni Lolo Rene na lalong naging magaling pa si Vleane sa pakikipaglaban lalo na sa pisikal na lakas at nakikita na niya na malapit ng mag isa ang kakayahan ng mga ito at ng gabay nito
Hindi man ipahalata ng matanda ay hapong hapo na siya dahil nalagpasan na ni Vleane ang kakayahan niya, hanggang ng hapong iyon ay halos sumaid na ang lahat ng lakas ng matanda at napatumba na ito ng dalaga
Napatingin nalang si Lolo Rene sa kalangitan na makulimlim bago nakita ang papalapit na dalaga
"Binabati kita apo,"ani nitong nakangiti,"Wala na akong maituturo pa sayo, nakikita kong handa ka ng harapin si Emir at sa darating na mga digmaan,"
"Salamat po, Lolo,"tugon niya pero hindi kababakasan ng anumang kasiglahan at kasiyahan sa kanyang mga mata
"Nakikita ko ang aking sarili sayo at ang iyong Lolo Ernie, noong panahon na pareho pa kaming mag aaral ng aking tiyuhin,"ani nito, naupo sa tabi niya si Vleane bagon nahiga at tumingin din sa kalangitan
"Maraming salamat din po, Lolo Rene,"ani niya,"Marami po akong natutunan sayo, nadagdagan din po ang aking lakas at kaalaman, handa na po ako ngayon sa anumang laban,"
"Tara na,"sabay bangon at inalalayan siya nito, kaya sabay na silang dalawa na naglakad papasok sa loob ng bahay,
Nauna na ang mga kasama nila dahil tapos na din ang nga iyon sa pag eensayo, halos lahat sila ay pagod at patang pata ang pangangatawan
Kanya kanya na sila sa pag aayos ng kanilang sarili para sa hapunan na si Aling Niña ang naghanda kasama ang dalawang anak nito, kaya may oras sila para sa kanilang sarili
•
•
•
•
•
•
•
•Samantala,
Sa isang liblib at abandonadong lugar ay nagkakatipon tipon ang lahat ng uri ng mga aswang
Nasa anyong tao pa ang mga ito dahil halos may sikat pa ang araw para magpalit sila ng kanilang kaanyuan
Lahat sila ay nakatutok ang kanilang paningin sa isang bihag na nasa gitna nila
Lahat sila ay nakatingin na may pananabik at pagkagutom, dahil ang bihag na iyon ang kanilang ihahain at kakainin mamayang gabi
Halos mag iisang buwan na simula ng gawin nila ang pag aalay ng tao tuwing sasapit ang gabi, dahil naniniwala sila na sa ganoong paraan ay maipapabatid nila sa kanilang Panginoong si Asu-ang ang taos puso nilang pagsamba dito
Dahil naniniwala silang malapit ng dumating si Emir, ang natitira sa lahi nitong Asu-ang at ang magiging daan para mailigtas silang mga lahi ng mga aswang
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...