Chapter 56

441 26 0
                                    


°°°°Chapter 56°°°°

Ilang sandali pa ay naglaban na sina Lucas at Urako,ang walang hanggang kadiliman ang tanging naging saksi sa marahan na labanan na nagaganap ng mga sandaling iyon

Bawat kalmot sa katawang lupa ni Lucas au ginagantihan niya ng pagtake ng kanyang natalas na sandata, dalawang kamay niya ang may tangan ng sandata at salitan niya iyong ginamit at kung minsan pa nga ay sabay na itataga sa kalaban

Lumipas ang mga oras na halos walang punat at tigil ang ginagawa nilang laban, hanggang sa matusok ni Lucas ang isang mata ni Urako, ibinaon niya doon ang isang matalas na patalim na yari sa tanso

Habang inaagusan ng itim na likido ang mata nito, umaangil ay nadagdagan pa ang nararamdamang galit nito sa binata

Pareho na silang sugatan pero wala ni isa man sa kanila ang gustong magpatalo at sumuko, biglang umangil ng napakalakas si Urako, yumanig ang lupang kanilang kinatatayuan hanggang sa nagkaroon na iyon ng bitak

Muli silang nagtagisan ng lakas labas sa lakas, ang bawat pag atake ng bawat isa ay siya namang nagpapaguho sa lupa, sa mga nabiyak na lupa ay mayroong singaw na lumabas mula doon na isang itim na usok, napakainit niyon at nakakapaso sa balat

Ilang sandali pa ay napatalsik siya ni Urako ng tabigin siya nito, napatingala siya sa higanteng orasan, habang umuunti ang buhangin at nauubos ay ang unti unti din nitong pagkasira, unti unti na iyong nababasag

Napatingin din siya kay Urako, mababakas din ang pagod at hirap mula sa mga tinamong sugat mula sa kanya, kailangan na niyang tapusin iyon, hindi siya maaaring sumuko

Kailangan niyang makabalik sa mundo nila para tuparin ang kanyang pangako sa kanilang mga magulang lalo na kay Vleane na papakasalan na niya ito, iypn nalang ang tanging natitiramg dahilan para magpatuloy sa labanang iyon

Matalim ang sulyap na ibinabato nila sa isat isa, pareho na silang naghahabol ng hininga, bakas na sa kanila ang matinding pinsala na kanilang natamo sa bawat salpukan ng kanilang mga katawan, sa huling sandali ay sinulyapan muli ni Lucas ang kalangitan

Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso ng makita na halos isang minuto nalang ang nalalabi at mauubos na ang buhangin sa malaking orasan

Napasulyap siya kay Urako ng madinig ang malalas at nakakaloko niyong pagtawa na tila inaasar pa siya ng mga sandaling iyon, dahil doon ay nagsalubong ang kanyang mga kilay

"HUWAG KA NG UMASA PA NA MAKAKALABAS PA DITO SA MUNDONG ITO, MORTAL,"sabi nito sa kanya,"HABANG BUHAY KA NG MAKUKULONG DITO KASAMA KO,"sabay tawa ng mas malakas, lumabas mula sa bibig nito ang matutulis nitong mga ngipin, dahil sa laki ng pagkakabuka ng bibig nito

Napakuyom na lamang ng kamay si Lucas habang nakatitig sa hawak niyang dalawang sandata, marahan siyang kumurap kurap para pigilan ang nagbabadyang luha na ilang sandali nalang ay mahuhulog na sa mga mata niya, marahas din siyang  bumuga ng hangin

Naramdaman siya ng pag alab ng kalooban, pakiramdam niya ay hindi lang ang gabay ni Vleane ang nasa loob ng kanyang katawan

"Lucas, apo,"ani ng isang tinig sa kanyang isipan,"Kasama mo lagi ako sa iyong mga laban,"

Napangiti siya ng makilala ang tinig na iyon, iyon ang tinig ng kanyang pinakamamahal na Lolo Rene, dahil sin dito ay bigla siyang nabuhayan ng loob at nabigyan ng pag asa

Wala na siyang sinayang na sandali dahil alam niya ilang sandali nalang ang nalalabi ay mauubusan na sila ng oras at tuluyan ng makukulong sa madilim na mundong iyon, sinugod na niya si Urako na hanggang sa mga sandaling iyon ay nakangisi pa din ng malapad at nakakaloko

Sunod sunod na pagtaga ang kanyang ginagawa, iikot siya at itataga ang isang sandata na nasa kanan niya o kaya ay ang nasa kaliwa niyang hawak

Salitan ang ginawa niyang pag atake dito, para siyang sinapian dahil sa bangis at mabilis niyang pag atake na naging dahilan ng hindi na paglaban ni Urako  dahil puro salag at ilag nalang ang nagahawa nito, nahahalata na din ang pagod nito

Isang pag atake ang kanyang ginawa, tumakbo soya ng mabilis, inakyat ng patakbo ang lupa na nasa gilid ni Urako bago paikot na itinaga sa may batik nito ang kanyang sandata

Bumagsak iyon ng padapa sa lupa, habang umaangil at umuungol dahil sa sakit na nararamsam nito, hindi na iyon makabangon dahil ubos na rin ang lakas nito sa pakikipaglaban

"Tatapusin na kita Urako!,"sabi ni Lucas na hinihingal na din ng mga sandaling iyon,"Makakabalik na din kami sa ing mundo,"

Inipon niya ang kanyang buong lakas sa kanang kamay niya, itinaas iuon bago mabilos at may pwersang itinuon sa batok ni Urako na hindi na magawang makalingon sa kanya, dahil sa pwersa at matalas na sandata ay humiwalay kaagad ang malaking ulo ni Urako sa katawan nito

Gumulong iyon at nahulog sa lupa kung saan may malaling bitak at nahulog sa kailaliman, napasalampak nalang ng upo si Lucas dahil sa pagod na nararamdaman

Napatingala siya sa kalangitan lalo na sa malaking orasan, inihagis niya ang patalim niyang tanso, tumama iyon sa babasaging orasan at nabasag na ng tuluyan, mula doon ay may isang nakakasilaw na liwanag ang lumabas na kumalat sa buong lugar,

Napatakip na lamang siya ng kanyang mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula samalaking orasan, napangiti na lamang siya ng makadinig na siya ng mga boses na napakapamilyar sa kanya

Kaya alam niyang nakaligtas din ang mga iyon, mula sa kani kanilang misyon at kinaroroonan ay isang nakakasilaw na liwanag ang biglang lumitaw sa kanilang harapan, wala silang nagawa kundi ang magtakip nalang ng kanilang mga mata habang kinakain sila ng liwanag at habang nagpapaalam sila sa mga taong nakasama nila ng mga sandaling iyon

Natutuwa ang mga tinig ng mga iyon at isinisigawang kanyang pangalan, kaya napangiti nalang siya at napahiga sa lupa ng nakapikit ang mga mata

"Magkikita na din tayo sa wakas,"huling salita ni Lucas bago siya tuluyang mawalan ng malay tao at kainin ng liwanag na nagmumula sa malaking orasan na nabasag







Itutuloy

So ayan nakabalik na silang apat sa tunay nilang mundo

Ano kaya ang naghihintay sa kanilang pagbabalik?

Pero bakit silang apat lang?

Nasaan si Vleane?

Abangan.....

Please leave a Comment and reaction

And dont forget to Vote and follow me

•••••akiralei28

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon