Chapter 57

467 29 1
                                    

°°°°Chapter 57°°°°

Samantala

Halos tatlong taon na din ang nakakalipas mula ng umalis ang lima at pumunta sa misyong nakaatang sa kani kanilang balikat, pero hanggang sa mga sandaling iyon kahit ni isa ay wala pa ding nakakabalil sa kanila

Nang mga sandaling iyon ay nagsasampay naman ng damit sa likod bahay si Veronica, napadako ang kanyang tingin sa direksiyon kung saan huling nakita niya ang kanyang ate Vleane at sina Brent na patungo sa kagubatan kung saan sila gumawa ng lagusan si Eugene

Napapikit na lamang siya at ipinilig ang kanyang ulo ng madinig ang boses nina Brent at nila Lucas na nagtatawanan, iniisip niya na maaaring guni guni lamang niya iyon

Isang malalim na bugtong hininga ang kanyang pinakawalan, bago ipinagpatuloy ang kanyang pagsasampay ng kanilang mga damit

"Halos tatlong na toon am din ang nakakalipas noh?," ani ni Jane,"Tatlong taon ng silang wala, tatlong taon na ang nakakaraan ng magpaalam sila para sa isang misyon,"malungkot na saad nito

Napalingon nalang si Nica sa dalagang kasintahan ni Calvin, halata ang lungkot nito sa mga mata, dahil sabik na itong makita ang kasintahan

"Walang nakakaalam kung kailan ang takdang panahon kung kailan sila makakabalik dito. Kung kailan matatapos ang kanilang mga misyong,"sabi naman ni Joorie na hindi na nipa namalayanh nakalapit na sa kanilang dalawa

"Kahit ako, hindi ko din alam kung kailan babalik sina Ate Vleane at sina Brent,"malungkot niyang saad sa dalawa

"Nasaan na ba si CJ?,"tanong ni Joorie kay Jane, ito ay anak nila Jane at Calvin, tatlong taong gulang na ito

"Ipinasyal ng kanyang Ninang Angela,"tugon ni Jane sa kanila

"Tiyak akong matutuwa si Calvin kapag nakita niya na may anak na kayo,"ani ni Joorie,"Siraulo talaga iyon, nag iwan ng obligasyon sayo tapos hanggang ngayon di pa sila nakalabalik?,"

"Makakabalik din sila,"ani naman ni Nica,"Tiwala lang tayo sa Diyos,"

"Sabi mo eh,"tugon ng dalawa kaya napatango nalang siya sa mga ito

Sunod sunod na pagbuga ng hangin ang kanyang ginawa dahil naninikip na naman kasi ang kanyang dibdib dahil sa pag aalala sa kanilang lima lalo na sa kanyang ate Vleane

Sa loob ng nakalipas na tatlong taon ay labis siyang inalipin ng kalungkutan sa pag alis nina Brenta at Vleane, napayuko na lamang siya kaya tinapik nalang ng dalawa anh kanyang magkabilaang balikat bago nagpatiunang pumasok sa loob ng bahay

Nakayuko nalang siyang pumasok sa loob ng bahay, dahil ayaw na niyang alalahanin ang mga bagau na nagbibigay ng kalungkutan sa kanila

Inilibot niya sa loob ng bahay ang kanyang mga mata, sa loob ng tatlong taong lumipas ay hindi nila ginalaw ang bahay nila Lucas, doon na sila pinatira ng mga magulang ng mga ito, habang ang mga iyon ay sumama sa mga magulang nila Brent na magpatayo ng bahay sa pianla sentro ng Baryo San Gabriel

Hindi din nila ginalaw ang bahay, wala silang binago maging sa panlabas nitong kaanyuan dahil gusto nila na maabutan iyon magpipinsan na nasa ganoong anyo pa din ang bahay lalo na ni Lucas







Nang biglang pumasok ang humahangos na si Angela habang karga ang tatlong taong gulang na si CJ, ito kasi ang nagbuntaryo na magbantay sa bata at ipasyal iyon sa plaza dahil ilang araw nalang ay magdadaos na ng kapistahan ang San Gabriel

Dahil sa maraming mga bata sa plaza, tiangge at bilihan ng pagkain ay niyaya niya itong dalhin sa plaza para nakipaglaro sa mga bata, halos wala pang isang oras simula ng umalis ang dlawa kaya nagtataka silang tatlo kung bakit bumalil kaagad ang mga ito

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon