Chapter 62

478 28 0
                                    


°°°°Chapter 62°°°°

Kinagabihan

Sabay sabay silang dumulog sa hapag kainan, nasa isang mahaba at malaking lamesa sila nakapwesto, doon lang niya napagtanto na nasa labing lima lahat silang mga Madre doon

Nasa magkabilaang dulo naka pwesto at nakaupo sina Mother Divine at ang isa pang matandang Madre na si Mother Superior Ofelia na kung makatitig sa kanya ay punong puno ng pagdududa

Hindi na niya iyon pinansin, tahimik lang siyang kumakain na katabi si Sister Juliene na kanyang nakasundo kaagad, kapareho kasi ito ng pag uugali ni Angela kapag silang dalawa lang ang magkasama

Madaldal at kwela, ayaw din nito maging Madre, pero wala itong magagawa kasi ang ama nito ang mismong nagpasok sa kanya sa debosyong iyon, bilang kabayaran sa muling pagkabuhay ng sariling Ina mula sa pagkamatay nito

Namatay umano ang Ina nito ng ilang minuto lang matapos siyang iluwal kahit ito ay nawalan din ng buhay matapos malinisan ng kumadrona na lola ng ama nito

Pero ng tumunog ang kampana na hudyat na ika anim ng hapon ay bigla nalang umiyak ang sanggol ng matinis at malakas kasabay ng paghugot ng hininga ng Ina nito kaya laking pasasalamat ng ama nito dahil sa muling pagka buhay ng mag ina nito

Kaya ng sumapit ng ikalabing limang taon si Juliene at makapagtapos ng sekondarya ay ipinasok na siya sa kombento para maging isang ganap na Madre, wala na din itong magawa dahil iyon ang kapalit sa muli nilang pagkakaroon ng buhay na mag ina

Kaya wala ng nagawa si Juliene na tumanggi, tinanggap na nito ang kapalaran na nito at ang obligasyong nakaatang sa balikat nito

Matapos ang kanilang hapunan ay kanya kanya na silang alis sa hapag kainan, pumasok ang apat na sakristan at ang tatlong taga silbi para iligpit ang kanilang mga pinag kainan

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kanyang Lolo Ernie, na ng mga panahong iyon ay isang sakristan at naninilbihan sa Simbahan

Nagkatitigan muna silang dalawa bago niya iyon bigyan ng isang matipid na ngiti na ikinakunot ng noo nito bago napapailing sa kanyang inasal

Nagkibit balikat na lang siya bago sila pumasok ni Juliene sa kanilang silid at inilock iyon mabuti

"Sino ang mga tatlong sakristan na nasalubong natin, Juliene?,"tanong niya na hinuhubad ang abito nito, nakasando at naka panjama na lamang siya na naupo sa harapan nito na nagbibihis din

"Iyong may kaliitan ay si Rolly, anak ng taga luto natin,"ani nito,"Iyong isang palangiti ay si Renato o kilala bilang si Rene at iyong masungit na kaibigan ni Rene ay si Ernesto o Ernie, silang tatlo ang mga bagong Sakristan dito, sila ang pumalit sa mga datihang Sakristan,"

"Bakit nasaan na ang iba at dating Saktistan?,"takang niya sa kaharap

"Bale anim silang mga bagong sakristan, kasama ng tatlong bagong Pari, kasi nagkawalaan ang mga iyon ng walang nakakalaam," mahinang paliwanag nito sa kanya

"Ha? Paanong nawala?,"takang tanong niya ulit dito

"Ewan,"kibit balikat na tugon nito sa kanya,"Basta nawala lang sila na parang bula, ganoon ang nangyari,"

"Taga rito ba ang mga bagong sakristan?,"tanong niya dito

"Oo,"tugon nito,"Bukas ipapasyal kita sa bahay nila Rene at Ernie,"sabay ngiti sa kanya, kaya napatango na lamang siya bilang tugon dito bago sila nagpasyang matulog dahil maaga silang magigising para sa pagdarasal

Hindi makatulog si Vleane dahil sa kabang nararamdaman at sa kasabikang muling makita ang kanyang Lolo Ernie at si Lolo Rene, pati na ang mga magulang ng kanyang Lolo Ernie,

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon