°°°°Chapter 22°°°°•••Third Person's POV•••
Sa kabilang dako namanNapatingin naman si Veronica sa mga ibong nagsiliparan sa himpapawid na nagmumula sa kabundukan, napakarami niyon na tila binulabog ng kung sino ang pananahimik ng mga ito
Napahinto pa siya sa kanyang paglalakad habang pinapanood ang mga ibong iyon hanggang sa mawala iyon sa kanyang paningin, galing siya sa tindahan na hindi kalayuan sa bahay nila Lucas para bumili
Maglalakad na sana ulit siya ng makadinig siya ng mga kaluskos sa kanyang tagliran, kinakabahan man ay nilingon niya iyon ngunit wala naman siyang nakita kahit na isnag tao
Nagkibit balikat lamang siya at muling nagpatuloy sa paglalakad, nakahinga na lamang siya ng maluwag ng matanaw na ang bakuran ng bahay nila Lucas, kaya mas lalo pa niyang binilisan ang paglalakad lalo pa ng makadinig na naman siya ng mga mabibils na yabag na sumusunod sa kanya
Hindi na niya iyon nilingon, dahil nga sa kinakabahan na siya ay tumakbo nalang siya para mas mabilis siyang makarating sa bahay
Halos ilang hakbang nalang ay nakakapasok na siya sa bakuran ng bahay ng may isang kamay ang biglang humila sa kanya
Nagpupumilit siyang nagpupumiglas para makawala mula sa pagkakahawak nito
"Tulong! Tulungan niyo ako!,"sigaw niya para makahingi ng tulong sa mga tao na nasa loob ng bahay, hindi siya makalaban ng maayos dahil may mga sugat pa siyang natamo mula sa huling pakikipaglaban nila sa mga aswang sa pinang galingan nilang Baryo
Isa pang kamay ang humawak sa kanyang kamay, nanlaki halos ang kanyang mga mata ng makita ang mga namumulang mga mata ng dalawang nilalang na bumihag sa kanya
Alam niyang hindi ordinaryong tao ang mga ito, alam niyang mga aswang ang mga iyon at gusto siyang kunin at gawing hapunan
Alam niyang nanganganib ang kanyang buhay kaya napaiyak na lamang siya, wala siyang magawa para ipagtanggol ang kanyang sarili dahil wala siyang dalang kahit na anong sandata, iniisip niya na baka iyon na ang katapusan niya, hindi man lang niya nakita ulit ang kanyang ate Vleane,
"BREEENNNNNNTTTT!!," isang malakas na pagsigaw ang kanyang piankawalan, tinawag niya ang kanyang nobyo para humingi ng tulong at mabulabog ang mga kasama nila sa bahay
Kasabay ng malakas na pagsigaw niya ay ang paghipa ng mga ito sa kanya papasok sa kakahuyan, hindi man lang kababakasan ng kahit anong emosyon ang mga iyon habang nakatitig sa kanya, ramdam niya ang malalamig na kamay ng mga ito na nakahawak sa kanya, pilit pa din siyang nagpupumiglas para makatalas sa mga iyon
Pinagsisisihan niya na lumabas pa siyang mag isa gayung pasado na alas otso ng gabi, may nakita kasi siyang bukas na tindahan kaya pinuntahan niya iyon, eksaktong magsasarado na ito kaya pinagbentahan sita ng madalian at tinaboy na umuwi na dahil sa delikado na ng mga sandaling iyon
Nanlaki pa ang kanyang mga mata ng makita na may kasama pa pala ang dalawang humila sa kanya, lumabas ang mga iyon mula sa pinagtataguang malaking puno
Kahit anong sipa at pagwawala niya ay hindi siya makatakas sa mga ito, na tila mga bakal sa tigas ang mga katawan ng mga ito dahil hindi man lang natitinag sa kakasipa niya
Na mas lalo niyang ikinaiyak dahil alam niyang katapusan na niya, lalo lang siyang nagsisigaw na hindi kalaunan ay nadinig na iyon ng kanyang mga kasama dahil malapit lang ang bahay nila Lucas sa kagubatang iyon
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...