Chapter 46

443 28 1
                                    

°°°°Chapter 46°°°°

Ilang sandali pa ang nakalipas, walang umiimik sa mag ama, tinitigan lang niya ang mga ito ng magkatinginan silang tatlo ng makadinig sila ng malalakas na pagyabag na tila galing iyon sa isang malaking nilalang

Hindi kasi ganoon ang mga yabag na mula sa ordinaryong mga tao o hayop man

Sumenyas si Mang Bart na manahimik sila at walang gagawa ng ingay para hindi malaman ng kung sinuman ang nasa labas na may tao sa bahay nila,

Ilang sandali pa sipa nakiramdam at nakikinig ng bigla nalang naglaho ang mga mabibigat na yabag ng kung sinumang nilalang ang nasa labas, kaya nakahinga naman ng maluwag ang mag ama ng wala na silang madinig

"Mabuti pa, magkape na muna tayo,"ani ni Rowell sa kanila bago sila nito iniwan doon at nagtungo na sa kusina ng bahay oara iwasan ang namamayaning katahimikan at pagkailang

Nasundan na lamang niya ng tingin si Rowell, isang tikhim ang pinakawalan ni Mang Bartolome na kanyang ikinalingon dito, malakas ang kanyang kutob na may nais sabihin sa kanya ang mag ama

Pero sa hindi malamang dahilan ay para bang may tila pumipigil sa matanda na magsalita

"Maaari niyo po bang sabihin sa akin kung ano ang nangyayaari sa Bayang ito?,"tanong ulit niya

"Bago naming sagutin iyan,"ani ni Rowell na nakabalik na at may dala na iyong tatlong tasang kape,"Kami muna ang magtatanong tungkol sa iyong tunay na pagkatao,"

Sabay naman silang napatingin dito ni Mang Bart ng iabot sa kanila ang tig iisang tasang kape

Tinitigan niyang maigi ang binata, hindi niyaa inaalis ang paningin niya dito, naaglaban sila ng titigan pero sa huli si Rowell ang unang nag iwas ng tingin

Inilapag nito ang tasa ng kape bago umupo sa upuang yati sa kahoy bago siya sinenyasan ni Mang Bart na maupo na din

"Saan ka galing?,"umpisa ni Rowell,"Natitiyak akong hindi ka nanggaling sa alinmang Bayan na dito,"seryosong ani nito, bumugtong hininga muna siya bago sinagot ng diretso ang tanong nito

"May misyon akong kailangang gawin,"sagot niya, nagkatinginan ang mag ama dahil sa knyang sinbi bago muli siyang tinignan ng mga ito

"Anong misyon?,"tanong naman ni Mang Bartolome

Huminga muna siya ng malalim bago ipinaliwanag sa mag ama ang misyon na kailangan niyang gawin, wala siyang inilihim sa nga iyon dahil alam niya na kailangang malaman ng mga iyon ang totoo

Biglang nagliwanag ang mukha ng mag ama ng matapos niyang magpaliwanag,

Ilang sandali pa ay walang paalam na tumayo si Rowell at walang paalam silang iniwanan nito, pumasok iyon sa isa sa dalawang silid, kinuha nito ang ang isang bag na nakapatong sa papag nito

Paglabas nito ay nakita niya ang bitbit nito, iyon ay ang kanyang gamit, nakangiti nitong iniabot sa kanya ang itim na bag

"Sinasabi ko na nga ba,"ani nito bago naupo,"Hindiblang basta basta pagkakataon na makita ka namin na palutang lutang sa ilog, ikaw na nga ang matagal na naming hinihintay,"may ngiti sa labing saad nito

"Ako naman ang magtatanong,"ani ni Brent,"Anong mayroon sa Bayang ito?,"pangatlong tanong na yata niya ito sa mag ama at inaasahan niyang sasagutin na siya sa pgkakataong iyon

"Daang taoj na ang nakalilipas, simula ng makaranas kami ng kalupitan sa kamay ng Pinunong Aswang na si Raigue at sa mga kauri nito,"umpisa ni Mang Bartolome

"Madalas kami ang ginagawa nilang mga pagkain,"dugtong ni Rowell,"Sa oras na hindi kami makakuha ng kanilang mga pagkain,"

"Kaya doon ka namin sa kubo dinala, kasi puro tanim na palay doon, dahil inaakala namin na hindu kana maaamoy ni Faigue dahil matatabunan ng mabangong amoy ng mga tanim ang amoy mo,"dagdag pa ng matanda,"Pero nagkamali kami, talagang malakas ang kanyang pakiramdam lalo naa ng kanyang pang amoy,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon