Chapter 14

610 30 2
                                    


°°°°Chapter 14°°°°

•••Third Person's POV•••

Naghanda na nga silang apat para pumunta sa nasabing Baryo at mga Sitio, handa na ang kanilang mga gamit

Nakapagbihis na din sila ng kanilang isusuot na naaayon sa kanilang laban

Hindi naman maipinta ang mukha ni Lucas habang pinagmamasdan siya, kaya napapailing at nangingiti nalang siya

Ginawa niyang sinturon ang buntot ng pagi, sa dalawang booths ay may patalim na nakasiksik, sa likutan naman ay nandoon ang kanyang mahabang itak kasama ang baril at pana, mayroon din siya sa magkabilaang bewang

"Ayos ah,"puna ni Angela,"Para ka ng aswang slayer sa ayos mo,"

"Mas mabuti na ang handa,"ani niya,"Kaya tara na kung handa na kayo,"

Kaya naman nauna na siyang lumabas, hindi na niya nilingon ang nagmamaktol na si Lucas dahil baka hindi pa sila matuloy sa kanilang lakad

"Sino ang magmamaneho?,"tanong niya,"Ako ba?,"

"Huwag na, ako na,"ani ni Calvin at mabilis na pumuwesto sa driver seat,"Baka mamatay lang tayo sa aksidente at hindi dahil sa mga aswang eh,"

"Hala, grabe ka naman,"ani niya sabay upo sa tabi nito,"Maingat ako magmaneho kahit mabilis,"

"Huwag ka ng umangal,"awat ni Angela na nakapasok na sa likurang bahagi ng sasakyan kasunod si Joorie na tatawa tawa lang

Hindi na siya kumibo, nagdasal muna sila bago tuluyang umalis at puntahan ang Baryo na sinasabi ni Ding sa kanila kung saan talamak ang mga ginagawang pagdukot at pagbihag ng mga taga roon ng mga aswang kahit na katirikan ng sikat ng araw







Makalipas ang halos kalahating oras

Nang makarating sila sa bungad ng Baryo ay itinabi muna ni Calvin ang sasakyan sa gilid kung saan hindi kaagad mapapansin ng mga dumaraan

Kaagad silang bumaba,palinga lknga at nakikiramdam sa paligid

May natamaan silang mga kabahayan, pero ni isa ay walang ilaw na nakasindi, napakatahimik ng kapaligiran,

"Mas nakakatakot naman dito kumpara sa San Gabriel,"anas ni Joorie,"Sa atin sigurado pa tayo na may mga tao pa sa bawat kabahayan, eh dito baka mga aswang na ang nagtatago sa loob,"

"Kaya maging alisto kayo,"ani niya at hinugot na niya ang malaking itak mula sa likuran niya,"Nasa paligid lang ang mga aswang, kaya huwag kayong maging kampante,"

"Oo,"kuro ng tatlo

Nasa unahan siya kasama si Joorie, habang nasa likuran nila sina Angela at Calvin na nakatalikod sa kanila at nakatingij sa pinanggalingan nila

Dahan dahan lang silang naglalakad papasok sa loob ng Baryo, mauuna ang Sitio Tala bago ang dalawa pang Sitio kung saan mas marami ang nakatira doon

Kahit ang mga ilaw sa lansangan ay pundido, kaya ang tanging liwanag lang na tumatanglaw sa dinadaanan nila ay ang nagmumula sa sikat ng buwan, kaya hindi nila maaninag ang kalaban lalo na kung nasa madilim iyon ng parte ng Sitio nakapwesto

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon