°°°°Chapter 48°°°°Inilibot niya ang paningin sa paligid para maghanap ng mga matutulungan ng makadinig siya ng isang malakas na pag alulong
Kaya napalingon siya sa pinanggalingan ng alulong na iyon at nakita niya ang isang malaking nilalang na nasa di kalayuan, matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kanya, kahalintulad ito ng isang asong gubat pero ams mabangis ito at may nakakatakot iyong kaanyuan
"Raigue?,"mahinang sambit niya sa pangalan ng nilalang na iyon
Tila naman narinig nito na binigkas niya ang pangalan nito dahil sa pag angil nito ng malakas at humakbang papalapit sa kanya, mahigpit naman niyang hinawakan ang kanyang mga armas bago tinatagan ang kanyang pagkakatayo, habang hindi inaalis ang mga tingin sa papalapit na halimaw
Ilang dipa nalang ang layo ni Raigue sa kanya ng huminto ito, itinaas nito ang kamay na may mga matutulis na mga kuko, nagawa niyang iwasan ang mabilis nitong pag atake kahit na kumurap lamang siya, ganoon ito kabilis at kaliksing kumilos
Napaatras siya para makalayo at makabwelo, muli itong umatake at sa pagkakataong iyon ay nahagip nito ang kanyang braso, mabuti at nakailag kaagad siya kaya maliit na kalmot lamang ang kanyang natamo mula dito
Muling umatake si Raigue sa kanya, pero sa pagkakataong iyon ay mas bumilis ang mga kilos nito, na naging dahilan para mabihag siya nito, nagpagulong gulong sila sa lupa dahil sa pagbubuno nila, lakas sa lakas ang naging labanan nila lalo pa at nabitawan niya ang kanyang armas ng mabihag siya nito at napatumba sa lupa, ilang sandali pa ay tumigil na sila sa paggulong gulong
Nakaibabaw sa kanya si Raigue, habang binabalikan niya sa kanyang isipan ang mga naging laban, na noong huli ay malala ang natamo niyang pinsala na pinagaling lang ni Vleane kaya mabilis siyang nakarekober
Sumagi din sa kanyang isipan na wala din pa lang albularyo sa bayang iyon, walang gagamot sa kanya sa oras na mapinsala siya ng husto, at lalong wala din ai Vleane para pagalingin kaagad siya ng mabilisan
At higit sa lahat ay ayaw niyang doon mamatay, biglang pumasok sa kanyang balintataw ang kanyang mga magulang, mga pamangkin, ang dalawang ate niya, ang kapatid na si Cris na hindi pa niya nakakausap ng maayos dahil nandito nga siya sa misyon
At higit sa lahat ay ang kanyang nobya na si Nica, na ipinangako niyang magbabalik ng buhay para sa nalalapit nilang pag iisang dibdib, na bubuo na sila ng pamilya at lalagay na sa tahimik
Ang mga plano nila sa para sa kanilang haharaping bagong yugto ng buhay bilang mag asawa, kung ilan ang kanilang magiging mga anak at kung ano ano ang mga magiging pangalan ng mga iyon
Maya maya pa ay para siyang nakaramdam ng karagdagang lakas ng maisip ang lahat ng mga mahal niya sa buhay, inipon niya ang lahat ng lakas sa kanyang dalawang kamay bago pwersahan at buong lakas na itinulak papalayo sa kanyang katawan si Raigue
Nang makalayp na iyon sa katawan niya ay mabilis siyang bumangon at dinampot sa di kalayuan sa kanya ang dalawa niyang gulok at handa na itong tapusin sa pagkakataong iyon, hindi na siya mag aaksaya ng panahon
Nilapitan niya si Raigue, hindi na niya ito bibigyan ng pagkakataon, magkakasunod na suntok at sipa ang mabilis niyang pinakawalan ng maisukbit sa bewang ang dalawang matalas na gulok
Napaluhod naman iyon sa lupa dahil halos sinalo na nitong lahat ang mga pinapakawalan niyang malalakas na pagsuntok at pagsipa
Nang matiyak niyang nanghihina na iyon ay saka niya binunot ang isang gulok bago malakas at pwersahang ibinagsal iyon sa batok ni Raigue
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...