°°°°Chapter 09°°°°Kasalukuyan
Ilang minuto ng tapos mula sa pagkukwento si Lolo Rene pero nakamata lang silang lahat at halos wala ni isa man ang may gustong magsalita, magtanong o magbigay ng opinyon
Parang lahat sila ay tila pinuproseso pa sa kani kanilang utak ang lahat ng nangyari kina Emir at Corazon
Tila may gusto pa silang malaman at naghihintay pa sila ng karugtong kung anong nangyari mula ng mapatay ni Emilio si Emir
Hanggang sa hindi na nakatiis si Lolo Rene at ito na din ang bumasag sa katahimikang namamayani sa kanilang lahat
"Nakaligtas ng gabing iyon si Corazon,"ani nito,"Pero namatay din siya makalipas ang ilang minuto, matapos niyang maisilang ang anak nila ni Emir, si Emilio na ang nag alaga ng sanggol na iyon kasama ang nobya nito hanggang sa lumaki na nga ang batang iyon, nagkaroon din sila ng sariling anak, pero hindi nagbago ang pagtingin nila sa anak nina Corazon,"mahabang paliwanag ni Lolo Rene sa kanilanh lahat
"Lolo Rene, ano po ang kaugnayan ninyo sa kanila?,"diretsahang tanong ni Vleane
"Ang anak nina Corazon at Emir ay ang ama ni Ernie ng matalik kong kaibigan,"tugon nito na nakatitig sa kanya bago iniiwas ang tingin
Nakita nila ang panlalaki ng kanyang mga mata, napanganga pa siya dahil sa hindi makapaniwala sa kanyang mga nadinig mula kay Lolo Rene, bago siya tuluyang napayuko
Nagkatinginan silang lahat dahil sa kanilang mga nadinig mula kay Lolo Rene bago tinignan si Vleane na nakayuko na ng mga sandaling iyon
Bago pa may makapagtanong muli kay Lolo Rene ay nagsalita na itong muli, na tila gusto na nitong isiwalat ang lahat ng nalalaman nito
"Makinig kayo sa akin,"umpisa nito,"Alam kong nagtataka kayo kung bakit malimit na salakayin ng mga aswang ang Baryong ito, dahil dito mismo sa lugar na ito nagsimula ang lahat,"
"Kung ganoon Lolo, taga dito po si Lolo Ernie?,"tanong ni Lucas,"Dito po ang kanyang kinalakihang Baryo?,"
"Oo, apo,"tugon ni Lolo Rene,"Lihitimong taga rito kami ni Ernie, umalis lamang siya ng makapangasawa na taga malayong Probinsiya,"
"Ah kaya pala,"napatango nalang silang lahat
"Oo mga apo,"tugon nito,"Dito naganap ang lahat maging ang ginawang pagsusumpa ni Emir, na balang ay magbabalik para maisakatuparan ang paghihiganti,"
"Ngayon ay malinaw na po sa amin ang lahat, kung bakit may mga aswang ng nakatira dito, may mga sumasalakay at higit sa lahat ay ginawa ng kuta ng mga aswang ang San Gabriel,"mahabang litanya ni Mang Lino sa ama,"Dahil naririto ang kanilang panginoon, tama po ba ako sa aking hinala, Tay?,"
"Oo,"sagot nito,"Dahil sa nararamdaman na din nila na malapit ng bumalik si Emir, upang maghasik ng kaguluhan at takot sa mga tao,"dagdag ni Lolo Rene, sinulyapan nito ang tahimik na si Vleane, nakayuko pa din iyon ng mga sandaling iyon
"Iisang tao lang ang maaaring makagapi at makapatay kay Emir oras na makabalik siya mupa sa hukay,"dagdag pa nito na hindi inaalis ang tingin kay Vleane,"Iyon ay ang nagmula sa angkan mismo ni Emir, si Ernie,"
"Pero patay na po si Lolo Ernie,"ani naman ni Angela, na nakatingin din kay Vleane na nakayuko pa din ng mga oras na iyon
"Pero may apo pa siyang natitira,"tugon ni Lolo Rene,"Ilan pa ang apo ni Ernie maliban kay Vleane?,"
"May isa pa po, si Veronica,"tugon naman ni Lucas,"Pero si Vleane ang may kakayahan, simpleng dalaga lamang po si Nica,"
Nagkibit balikat lang si Lolo Ernie habang tila hindi iyon sigurado
Hindi pa din umiimik si Vleane kahit na umayos na ito ng upo at tila nakatulala nalang na nakatingin kay Lolo Rene hanggang sa nagsalita ulit ito
"Nais ko sana kayong sanaying lahat,"ani nito,"Dahil lubhang delikado ang makakaharap ninyong kalaban sa mga darating na araw, lalo na sa pagdating ni Emir,"
"Handa po kami,"tugon ni Vleane, kaya napatango naman ang lahat
"Dahil natitiyak ako na kahit na marurunong kayong lumaban ay walang panama sa lakas ng kapangyarihan niya, kahit ikaw Vleane, apo,"tukoy sa kanya,"Kailangaj na mapag isa kayo ng iyong gabay, hasain mo ang pag gamit ng mutya ng kidlat. Kung nais niyong maligtas ang Baryong ito at ang lahat niyong mahal sa buhay, kailangan ninyong lahat na sumunod sa akin,"mahabang litanya ni Lolo Rene sa kanila
Nagkatitigan sina Vleane at Lolo Rene na tila nagkakasukatan ng tingin sa isat isa, napabugtong hininga nalang ang dalaga bago tumango ng dahan dahan, alam niya sa sarili niya na may nararamdaman siyang kakaiba sa pagtatagpo nila ng ama ng kanyang Lolo Ernie na kanilang ninuno
"Lahat po ay gagawin ko, Lolo Rene,"ani niya gamit ang seryosong tinig,"Para lang mapangalagaan at mailigtas ang Baryong ito, kahit buhay ko pa ay handa kong ialay. Kailan po ba tayo mag uumpisang magsanay, Lo?,"
"Bukas na bukas din,"tugon nito,"Sa likod bahay, hindi tayo makikita at mararamdaman ng mga aswang, saka marami na ding pangontra ang nakapaikot doon sa bakod,"
"Kung ganoon eh, tara na po at magpahinga,"yaya niya,"Siya nga po pala Aling Niña, saan po ako matutulog?,"
Nagkatinginan ang magpinsan bago tumingin sa tiyahin ang mga ito
"SA KWARTO NI LUCAS!,"kurong saad nina Jude at Calvin, kaya napakunot noo nalang siya habang nakangiti si Lucas na kakamot kamot ng batok, kaya napailing nalang siya
"Sige pero bawal ang magtabi,"ani niya,"Tara na, Lucas,"yaya niya bago hinila ang binata kaya todo tukso silang dalawa
"Basta ninong kami!,"sigaw ni Calvin
"Ninang naman kami,"kuro nina Angela, Joorie at Jane
"Hay mga kabataan nga naman,"tanging sambit ni Lolo Rene habang napapailing iling nalang, kaya nagtawanan nalang silang lahat bago nagsipag akyatan sa ikalawang palapag ng bahay
Sinigurado muna nina Tatay Lino at Lolo Rene na maayos ng nakasarado ang mga lahat ng bintana at pintuan, bago sila sumunod sa ikalawang palapag
Habang naghahanda naman sa pagtulog ang lahat, abala naman ang lahat ng aswang sa Baryo ng San Gabriel, naglipana ang mga iyon at naghahanap ng mabibiktima
Naka pwesto na din sa check point ang mga aswang na opisyal ng kapulisan at Barangay, kaya walang nakalapasok na hindi dumadaan sa kanila, higit sa lahat walang nakakalabas ng buhay sa San Gabriel oras na makapasok na ang mga dayo o taga roon oras na matyempuhan ng mga gutom na aswang
Abala din sa kagubatan ang mga kalahi ni Ronelio, pinaghahandaan nila ang nalalapit na pagkabuhay muli ni Emir ang kanilang pinuno at pinakamalakas na Aswang sa panahon nito
Naghahanap na sila ng maiaalay dito para sa muling pagkabuhay, nag iipon sila ng pagkain para sa kanilang gaganaping salo salo sa muli nilang pagkikita ng kanilang pinuno
•
•
•
•
•
•
•
•Itutuloy
Ano kaya ang mangyayari sa San Gabriel sa muling pagbabalik ni Emir?
Makakaya kaya ni Vleane na talunin ito?
Ano ang paghahanda ang kanilang gagawin?
At anong pagsasanay ang ituturo sa kanila ni Lolo Rene?
Abangan.....
Please leave a Comment and reaction
And dont forget to Vote and follow me
Thanks a lot
•••••akiralei28
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...