°°°°Chapter 53°°°°Sumapit ang kabilugan ng Buwan
Iyon ang araw at gabi na pinakahihintay ng lahat ang muling paglusob ng mga aswang, kaya naghanda na sila Jude at ang mga kalalakihang kanyang nahimok na labanan ang mga aswang
Dahil malakas ang pakiramdam ni Jude na sa gabing iyon ay muling sasalakay ang mga aswang
"Maghanda kana din at mag iingat,"bilin niya kay Kayla na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa din siya nito kinakausap
Kahit hindi naman iyon kumikibo ay sumunod naman iyon sa kanyang mga habilin, naghahanda na din siya ng mga sandaling iyon
Nakaupo siya habang hawak ang buntot ng pagi na kanyang dala, ibinigay sa kanya ni Kayla ang kanyang bag at mula doon ay nakita niya ang mga gamit na dala niya
Habang nag iisip ay nakadinig siya ng malakas na pagaspas na likha ng malalaking pakpak, kaya kaagad siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at tinungo ang pintuan ng bahay
Nang tuluyan na niyang mabuksan iyon ay sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin at ang masangsang na amoy na pamilyar sa kanya, hindi na siya lumingon pa kay Kayla, kaagad na siyang lumabas ng bahay
Kung lumingon lamang siya ay makikita niyang nakatingin iyon sa kanya, tingin na punong puno ng pag aalala sa kanya, napayuko na lamang si Kayla ng tuluyan ng mawala sa kanyang paningin si Jude
Sumuko na siya sa kanyang nararamdaman, pero titiyakin niyang hindi na siya muling maiiwan na mag isa doon,
Habang naglalakad naman papalayo si Jude ay nagmamasid siya at nakikiramdam, nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang papalapit na aswang sa kanya, inilabas niya ang kanyang buntot ng pagi at hinarap ang aswang
Nakita niya ang mabalahibo ang nilalang na iyon, may mapupulang mga mata ag ang bibig nito ay may matatalas na mga ngipin, hindi naman kakakitaan ng pagkasindak at takot si Jude, parang balewala nalang iyon sa kanya, nasanay na siya sa mga aswang mula ng mapunta sila sa probinsiya ni Lolo Rene at sa pakikipaglaban nila sa mga alagad ni Emir
Iisa lang ang kanyang gusto, ang matapos ang labanang iyon at makabalik na sa kanila
Umatungal ng mabangis ang aswang na kanyang kaharap bago tuluyang sinugod siya nito nakahanda na siya sa anumang pag atake na gagawin nito, hawak ang buntot ng pagi sa kanang kamay habang nasa kaliwa naman ang matalas na gulok, sunod sunod ang ginawa niyang pagtaga at paghambalos ng buntot ng pagi, kasabay ng mabilis din nitong pag atake
Dahil sa magkasabay na pag atake niya ng gulok at buntot ng pagi ay wala ng nagawa ang aswang kung hindi ang umiwas at magpagulong gulong nalang sa lupa dahil sa natatamo nitong pag atake mula sa kanya
Hindi na nito magawang takasan ang nalalapit nitong kamatayan mula sa kamay ng binata, isang malakas na pagtaga sa leeg ang kanyang ibinigay sa nakahandusay na aswang, dahil sa napakatalas ng kanyang gulok ay kaagad iyong humiwalay sa leeg nito at gumulong sa paanan niya kasabay ng pagsirit ng malansa at kulay itim na dugo na mula sa leeg nito
Sa di naman kalayuan at sa kadiliman ng kagubatan ay lumabas mula doon ang mga nagtatagong mga aswang, sila ang mga ordinaryong aswang kung tawagin dahil sa mukha silang mga ordinaryong tao
Ang kaibahan langa ay busangsang ang kanilang mga bibig, habang may kulubot na mga balat sa kanilang mukha at may mga matutulis na mga ngipin na kahalintulad sa isang lagare
Sabay sabay na kumilos ang mga iyon para paslangin si Jude, pinagkakalmot siya ng mga ito na nagagawa naman niyang iwasan ang mga pag atake ng mga ito ngunit hindi niya namalayan ang isang nakamamatay na oag atake mula sa kanyang likuran
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
TerrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...