Chapter 11

606 45 9
                                    

Hello po,

Kamusta po kayong lahat?

Sp heto na po mag a update n po ako ulit😊😊😊😊

Ang update po natin ay every 15days po, kasi ini edit ko po ang ilang chapter kasi masyado pong mahaba eh,

Baka tamarin na po kayo magbasa kapag masyadong mahaba😂😂😂

Nga po pala comment niyo po kung ano masasabi niyo sa kwento o sa bawat Chapter na mababasa niyo po, para alam ko po kung maganda po ba o hindi niyo nagustuhan

Un lang po

Salamat po ulit

And enjoy reading po😊😊

°°°°Chapter 11°°°°

Maagang nagising si Vleane, pansin niya na tulog pa ang mga kasama niya sa sala maging ang mga magulang, kapatid ni Lucas pati si Lolo Rene,

Maingat siyang bumangon, nagtungo sa banyo at inayos ang kanyang sarili bago dahan dahan na lumabas ng bahay

Palinga linga siya ng makalabas ng bahay, maingat niyang isinarado ang pintuan bago patakbong lumabas ng bakuran ng mga iyon

Nasa kalsada na siya, binabagtas niya ang daan patungo sa simbahan habang kinakausap niya ang kanyang gabay

"Pasensiya kana, Babaylan," ani nito sa kanya,"Hindi kita maaaring tulungan sa iyong pagsasanay, tama si Lolo Rene, kailangan mong mapalakas ang iyong pisikal na kakayahan bago mo makuha ng tuluyan ang aking kapangyarihan,"

"Ayos lang, Mishka,"ani niya habang patuloy na naglalakad

"Dahil ang iyong pisikal na kakayahan ay walang panama kay Emir, kung sakaling magkaharap kayo,"

"Ayos lang iyon,"tugon niya dito,"Saka kailangan ko din na harapin itong mag isa, ayaw kong biguin ang mga nagtitiwala sa akin lalo na ang aking Lolo,"

Matapos niyang tumugon ay biglang nanahimik ang kanyang gabay, alam niyang may nararamdaman itong kakaiba

"May problema ba?,"tanong niya dito

"Oo, Vleane,"tugon nito sa kanya,"Kailangan mo ng magmadali sa pagpapalakas para magamit muna ang aking kakayahan at mapag isa na ang ating katawan at isipan,"

"Ha? Bakit?,"takang tanong niya dito habang patago tago sa mga halaman at punong kahoy dahil may mga aswang na nagkalat sa paligid

"Nararamdaman ko na ang isang malawakang pagsalakay ng mga aswang,"babala nito sa kanya,"Nasasamyo ko sa hangin ang amoy ni Kamatayan,"wika pa nito na may himig ng pag aalala

Nakaramdam naman siya ng kilabot sa tinuran ng kanyang gabay, alam niyang may katotohanan din naman iyon, kaya kailangan din niyang matapos na sa lalong madaling panahon ang kanyang pagsasanay

Mabilis na siyang kumilos ng makarating na siya sa tapat ng simbahan, dumaan siya isang sekretong daanan kung saan sila madalas dumadaan ni Angela kapag tumatakas sa gabi

Naabutan niya na nasa simbahan ang dalawang Madre na angdadasal, kasama ang mga bagong Pari at tatlong sakristan

"Mother Santa, Sister Helena, Father,"nagmano siya sa mga iyon na bahagya pang nagulat

"Vleane?!,"gulat na tanong ni Mother Santa sabay yakap sa kanya,"Kamusta kana ha?,"

"Ayos lang po,"ani niyang nakangiti,"Kayo po kamusta na din dito?,"

Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon